43: Special Training

1.7K 102 8
                                    

"Congratulations...for getting the 2nd place. Isang hakbang nalang maaabot mo na sana ang Archduke. Kaso nagulo na naman ang utak mo, kailangan mo lang mag focus. You're lacking peace of mind, you lack focus..."

Peace...what is that?

She placed Second. Hindi siya makapaniwala, nalampasan niya ang ibang nobles, ang lahat ng commoners na naroroon naangatan niya. Ang Archduke lang ang hindi niya naabot, at hindi na siya magtataka doon. Paghinto niya'y bakas ang gulat sa mga mata nito, tagaktak rin ang pawis nito, animo'y galing sa isang seryosong laban. Sineryoso nito ang laban nila...doon palang tagumpay na s'ya. Ang seryosohin ng Archduke at hamunin bilang karibal ay malaking bagay na para sa kaniya.

They were both panting, with wide eyes they stared at each other as if they're still brawling in their imaginations. Still continuing to reach the summit. Five more steps for her before the summit...and four more steps for him to break a record.

The Archduke...took the best in her. Nang dahil sa hamon na iyon, nalaman niyang kaya niya pala. Kaunti nalang, nasa tuktok na sila.

"You took out the best in me..." Celestial whispered out of nowhere.

"And you fucking pushed me on my limits." The Archduke respond.

It feels ridiculously incredible. Both of them at the top, everyone watching them with awe in their eyes. It might not be new to the Archduke but it's her first time, and it's overwhelming. Ayaw niya nang matapos ang oras na iyon, mula sa kinaroroonan ay pinanuod niya ang lahat ng may paghanga. Sa muling pagkakataon, muli niyang naramdaman ang pamumuhay niya sa Peakbrook.

"Celestial..."

It was so overwhelming that she almost forgot they're training. It's not satisfying kung iisipin dahil ilang hakbang nalang nasa summit na, ngunit lagpas pa sa maximum limit ang ligaya niya dahil narating niya ang tuktok. Contentment was all over her that time, it was contentment and happiness.

"Celestial!"

"P-po!"

Tila siya nagising mula sa pagkakatulog. Saka niya napagtantong nasa harapan niya ang guro dahil ito na ang araw. Yes, this is the day she have probably never heard of. Ito ang araw na ni minsan sa sarili niya'y di niya inisip na mangyayari sa kaniya.

It's early in the morning, the nobles were probably waiting already.

"It's time. Are you ready? Nando'n na ang lahat ng nobles."

Tumango lamang siya. Humakbang na palayo si Chofan at mainam siyang sumunod.

Ito na nga ang araw...ng paghihiwa-hiwalay ng mga nobles. Ang akala daw ni Chofan ay hindi s'ya makakapasa sa pagsusulit, ngunit ang katotohanang halos maabot niya ang Archduke ay sapat na para isama siya sa special training ng mga Nobles.

Tama, special training.

"Ano nga po ulit itong training na 'to?"

"Give me that cane," utos ng guro. Agad namang ibinigay ni Celestial ang magic cane niya. Naglabas ng sigarilyo si Chofan at sa isang kisapmata gamit ang magic cane niya ay umusok ang dulo ng sigarilyo.

What the hell. Isa ba iyon sa matututunan niya sa special training?

"Bawat isa sainyo sa inyo ay magkakaroon ng sariling guro sa loob ng dalawang taon. Wala kayong ibang gagawin kundi ang magpalakas. Kaniya-kaniyang training 'to, sa loob ng dalawang taon kakalimutan niyo ang lahat, tanging pag-eensayo lang ang iisipin niyo."

"P-po?"

"Apat na taon ang pag-aaral niyo bago kayo isabak sa misyon. Ang una-una'y sa Akademya. Pag nakitaan kayo ng potensyal, ipapadala kayo sa dalawang taon na pag-eensayo sa bundok kasama ang mga magigiting na guro. Ang natitirang dalawang taon ay babalik kayo sa Akademya at doon magpapatuloy habang isinasabak sa mga paunang misyon. Pagkatapos ng apat na taon ng pag eensayo, isasabak na kayo sa mga matitinding misyon." Humigop ito at bumuga ng usok, "Lalabas na kayo sa Abyss. Pwede kayong ipadala sa Eufrata, depende sa misyon ninyo."

Legends: Celestial Beryl (Season, #1) ✔️Where stories live. Discover now