Epilogue

2.7K 56 108
                                    


CHASING JUSTICE 

EPILOGUE

SUNSET's POINT OF VIEW 


"Tignan mo 'to si Jupiter o. May ka-meet up na naman sa bumble ang gago!" Napatigil ako sa pag-scroll sa laptop ko nang magsalita ang walang kwenta kong kapatid. Nakahilata ang batugan sa sofa habang nakatigilid. Di yata siya aware na habang nagp-phone siya ay nakataas ang kamay niya sa ere.

"Bumble? Katatapos niya lang 'nong nakaraan ah." Sagot ko. Napasandal ako sa upuan ko.

Hayop na ZNL University, tagal maglabas ng results sa page nila. Akala mo naman special!

"Try ko nga." Bulong ni Midnight.

Lumingon ako sa kaniya. "Hoy, nakuha mo na result mo sa ZNL?" tanong ko kay Midnight. Mas nauna kasi siya sa akin mag exam. 'Yung schedule ko sa exam ay hindi natuloy dahil sa lockdown kaya tanging credentials lang ng kinuha sa amin. Online pang pinasa, tapos wala pang reply kung received na. Di ko tuloy sure kung ay future pa ba ako.

"Meron na!" sagot ni Midnight. "Hinihintay ko na lang 'yung payment process tas oks na ko." Sagot ng tukmol kong kapatid. Tutok pa 'rin ang animal sa phone niya.

Napanguso ako at muling tumingin sa laptop ko ulit at nagre-fresh ng page. Yung ibang college ay naglabas na ng results ng mga nagpasa, samantalang itong hayop na College of Science eh inamag na ata ang masungit na registrar kaya hindi pa nagp-post!

"Wala pa?" tanong ni Midnight. Mukhang naramdaman ata na kinakabahan ako.

Malamang! Sinong kakabahan? Sa ZNL University lang ako nag-exam, di pa natuloy. Nung lock-down ay naghanap ako ng pang-back-up na school pero sarado na lahat. The lock down was really unexpected so...tangina. Okay na ba na nagulat ako at nagulat na 'rin ang future kong hindi ko pinaghahandaan?

Live in the moment pa nga, Sunset. Nga-nga ka ngayong hayop ka.

"Lapa." Tipid kong sagot.

Napabuntong hininga ako bago ako pumunta sa isa pang sofa. Humiga ako roon, habang hinayaan ko na lang si Midnight na magcellphone. Ewan ko ba, sabay naman kaming nag-apply sa ZNL University pero nahuli ako mag-exam. Kung exam lang ang usapan eh alam kong maipapasa ko iyon, pero kung sa credentials, di ko lang sure. Suki ako sa disciplinary office, idagdag pang maraming may same sa level ng credentials ko... I mean sa grade kaya marami akong kaagaw sa slot.

Nakatulog ako. Hanggang panaginip ay dala-dala ko iyong kaba ko na baka hindi ako makapasa sa ZNL University. May second option pa naman ako pero eme lang iyon. Katulad ng course ni Midnight. Sure na sure kasi ako sa BS Biology noong nag-apply kaya nag-eme na lang ako sa second option.

Nang magising ako, gabi na. Ginising na lang ako ni Midnight para maghapunan pero late pa rin ako nagising. Di ko lang sure kung dahil puyat ako kaiisip ng mga walang kwentang bagay. Isang buwan na lang kasi bago ang opening of classes pero wala pa rin akong school para sa college. Ayoko rin naman huminto for a year. Late na nga ang buhay ko ng isang taon dahil na-dengue ako noong bata ako kaya na-abutan ako ni Midnight, tas hihinto pa ako ulit?

Di rin naman ako nasarapan.

Wala ng tao sa dining nang bumaba ako para kumain. 11PM na rin kasi. Mabuti na lang at may tirang ulam so di ko na need magpaluto sa maids. Nakakahiya namang mang-distorbo kasi gabi na.

Habang kumakain ako ay hawak ko iyong phone ko, then suddenly, my phone beeped. May email na dumating sa akin, at halos mawala lahat ng dugo ko sa katawan nang Mabasa ko kung ano 'yun.

Chasing Justice #1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora