19

7.2K 215 159
                                    

"You look pale, Xenn. Are you okay?" Ania asked, her voice full of concern as I sat infront of her.

Nanlaki ang mga mata niya nang sinapo ang noo ko.

"GOSSSHH! Ang taas ng lagnat mo, bes!" Sabay yugyog niya sa balikat ko. Napangiwi ako. Naalog ata ang utak ko sa ginawa niya. Parang lalong sumama ang pakiramdam ko.

"An, don't worry... i'm fine. " I gave her an assuring smile. But i lied. Ayoko lang na mag-alala pa sila.

Halata namang hindi siya naniwala. Tsk. Kilalang kilala talaga ako.

Tumayo siya at pinameywangan ako. "FINE?! Ganyan na ba ang definition ngayon ng FINE?! Gosh! Para kang binabad sa suka for one freakin' week sa sobrang putla mo!" She shrieked.

Tumingin ako sa paligid. Nakagat ko ang labi ko nang makitang nagtinginan 'yung ibang nandito sa Lover's Lane sa pagtaas ng boses ni Ania. Binigyan ko sila ng tabinging ngiti.

GEEEZ!

Ito talagang babaeng 'to kung makasigaw parang kami lang ang nandito... tapos kung maka-react para namang ikakamatay ko ang simpleng lagnat. Ugh!

"Ano ba, Ania? Kumalma ka nga. Kung hindi mo pa napapansin, pinagtitinginan na tayo. Nakakahiya. Bumalik ka na sa upuan mo. Okay lang talaga ako... promise!"

Sinunod naman niya ako pero nakasimangot pa rin at humalukipkip. "Wala akong pakialam sa kanila. Sino ba sila para i-please ko?" Mataray na irap niya.

Pinandilatan ko siya.

"Ania!"

Naku! Lumalabas nanaman ang evil side niya. Ganyan talaga ang kaibigan ko, gagawin niya kung anumang gusto niya. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. She's a strong woman. That's what I envy about her. Siya ang exact opposite ko. Kung gaano siya katapang na babae, ganoon naman ako kahina.

Himala nga na nagkasundo kaming tatlo. Kung ako kasi, mahina at mababaw.. si Ania, matapang at palaban.. si Sofia naman, mahiyain at may pagkadalagang Pilipina. Iba-iba kami ng ugali pero hindi 'yun naging hadlang sa pagtuturingan namin. Lalo pang tumatatag ang samahan namin sa paglipas ng panahon.

She rolled her eyes. "Tsss. Oo na. Titigil na. Pero you should go home now na talaga, Xenn. Baka bumigay ang katawan mo kung hindi mo ipapahinga 'yan." Pangungumbinsi pa niya. "Let's go!" Sabay hila sa kamay ko.

Hindi agad ako nakahuma sa ginawa niya. Bigla kasing sumidhi ang kirot ng ulo ko. Nasapo ko ang noo ko. Bigla-bigla ba naman kasing manghila?

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala si Sofia. Hinihintay nga pala namin 'yun! Baka maghintay 'yun sa wala!

"Ha? Saan tayo pupunta? How about Sofia?" I managed to ask, trying to sound cool.

Tamang tama namang nakasalubong namin siya. Pareho kaming napasinghap ni Ania. Laglag ang panga naming dalawa. Nagulat.

And why not?

Pinagmasdan ko ng mabuti si Sofie. Nakasuot siya ng floral halter dress na above the knee. Hindi kasi required sa university ang uniform. Kahit ano pwedeng isuot. Tapos... tinernuhan niya iyon ng yellow doll shoes at white Hermes bag. Nakalugay naman ang tuwid at waist-length niyang buhok. Pansin ko rin ang light make-up niya. Lalo siyang gumanda.

Pero... bago 'to ah? Hindi naman kasi siya palaayos...

ANYARE? Bakit blooming? May iba sa kanya eh... hindi ko lang mapin-point kung ano.

"SINO KA?!" Bulalas na sambit ni Ania.

Naitakip ko bigla ang kamay sa bibig. Pinipigilan kong bumunghalit ng tawa. Pero nakawala pa rin ang impit na bungisngis ko. Nawala ata ang masakit sa akin. Parang baliw naman kasi 'tong si Ania. Maka-'sino ka' naman!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Jealous Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now