6

5.6K 165 4
                                    

Kakatapos lang 2nd class ko. At may 2 hours pa akong vacant para sa next subject. 

Nagmamadali akong lumabas ng room dahil sigurado akong kukulitin ako nina Warren tungkol kay Scar Montreal. Pero mukhang wala talaga akong takas dahil nahabol pa rin ako ng mga ito. 

"Hey Xenna! Wait." sigaw ni Blue. 

I think wala na akong magagawa kundi sabihin sa kanila ang totoo.

Huminto ako sa mabilis na paglalakad at humarap sa Dark Gang. 

Tiningnan ko sila. Sumunod rin pala si Adam? Wow, di ko inaasahan to ah. 

"Why do I have this feeling that you're avoiding to tell us your relation with Scar Montreal?" Kunot-noo na tanong ni Warren sa akin. 

Lahat sila, nakatingin sa akin at naghihintay na sagot. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. 

"Sort of." Pag-amin ko. 

"It's because Scar Montreal is.. 

is.. 

I myself.." 

***

WARREN

Nung inililibot ko ang tingin ko sa room kung saan ang 1st class namin ng mga kaibigan ko, nahinto ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa hulihan. Meron siyang mala-anghel na mukha na nakakagaan ng loob kapag tiningnan mo. Napakaganda niya. 

Pero may naalala akong modelo na kamukhang kamukha niya. Nakita ko 'yun sa mga magazines ng kapatid kong si Emerry. Idol na idol nga niya yun eh. Scar Montreal is the name. 

My little sister is 12 years old. 'Nung tinanong pa nga siya nina mom kung anong pangarap niya ang sinabi niya, 'I want to meet my idol Scar Montreal and I want to be a model like her.' 

Paano nga kaya kung si Scar Montereal 'to? Ano kayang magiging reaksyon ng kapatid ko kapag nalaman niyang kaklase ko ang hinahangaan niyang modelo?

Magkamukhang-magkamukha lang ba talaga sila? Baka naman magkakambal? O hindi kaya iisa lang sila? Ang daming gumugulo sa isipan ko tungkol sa babaeng to. 

Isa lang naman yung pinagkaiba nila. Scar is very elegant while this classmate of mine is very simple yet still beautiful. 

Of course, model si Scar kaya palaging may ayos. Ito namang si classmate, parang nagpowder lang at lipgloss. 

Kumunot ang noo ko nang lapitan ito ni Blue. They knew each other? Bakit parang wala namang naikukwento sa amin ang lokong 'yun? 

At si Adam, bakit parang badtrip? Mali pala, lagi naman eh. I mean lalong naging badtrip? 

I smell something fishy. Parang may kakaiba kay Adam, hindi ko lang mapinpoint kung ano. Nagkibit balikat na lang ako. 

I want to know her.

What the? Kilala din pala siya si Adam? And take note, alam niya ang full name nitong mukhang anghel na 'to. 

At ayan, dumali nanaman ang kasungitan nito ng tanungin ni Blaze kung bakit niya kilala ang babae. Damn! Naguguluhan na talaga ko. 

So Xenna del Valle pala ang pangalan niya? Eh di hindi sila magkapatid o magkakambal ni Scar? And it only means na magkamukha lang talaga sila o magkamag-anak?

Due to my confusion I asked her.. 

"You look familiar. Do you know someone whose name is Scar Montreal?" 

Nanlaki ang singkit na mga mata nito. Naghihintay ako sa sagot niya ng biglang dumating ang professor namin. Bwisit! Napakawrong timing naman! Mamaya ko na lang nga kukulitin ang babae.

Pinagmamasdan ko lang si Xenna. Buti na lang nasa unahan ko siya. 

Nagsalubong ang kilay ko ng magtinginan si Adam at Xenna. Anong meron sa kanila? May hindi talaga kami nalalaman. 

Yes! Natapos din ang nakakaboring na klase! Hinanap ko si Xenna, at ayun.. palabas na siya ng pintuan at mukhang may humahabol sa pagmamadali. 

Hindi ako papayag na mabitin nanaman, hahabulin ko. 

Alam kong curious din itong mga kaibigan ko sa sa pinag-uusapan namin kanina ni Xenna kaya siguro sumunod rin ang mga ito sa akin. At himala, pati si Adam? Kelan pa 'to nakisali sa mga ganitong bagay? 

Tinawag ni Blue si Xenna mula sa mabilis nitong paglalakad. Mukhang napagod na ito sa kaiiwas kaya humarap siya sa amin. 

"Why do I have this feeling that you're avoiding to tell us your relation with Scar Montreal?" Kunot-noo na tanong ko. 

Habang naghihintay kami ng sagot niya ay huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. 

"Sort of." Pag-amin nito. Bakit naman kaya kailangan niyang umiwas? 

"It's because Scar Montreal is.. 

is.. 

I myself.." 

I knew it! Sabi na nga ba at may itinatago ito. Eh bakit naman ayaw niyang ipaalam? 

"Scar Montreal is just my screen name. I don't want people around me to treat me as Scar but just as a simple person who has a normal life like Xenna." Patuloy pa nito. 

"Ehem, what's happening here? Kayo lang yata ang nagkakaintindihan?" Reklamo ni Jiron. 

Tumingin muna ako kay Xenna bago nagsalita. 

"Xenna del Valle who is known as Scar Montreal is a famous model which my little sister adores so much."

My Jealous Gangster BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon