3

5.9K 170 0
                                    


"Huhuhu.. Huhuhu.."

Hinanap ko kung saan nanggagaling iyon at di na ako nagdalawang isip na lapitan ito.

Hala ang cute cute naman niya. Ang sarap pagmasdan. Nakakawala siya ng stress. Siguro mga 3-5 years old na ang batang to.

Niyaya ko ito papunta sa bench na inupuan ko kanina at kinalong ang cute na bata. Inalo ko ito hanggang sa tumahan. At ang ikinagulat ko ay nung niyakap niya ako ng mahigpit habang humihikbi pa rin.

Napangiti naman ako..

Ang sarap sa pakiramdam na may yumayakap sayo na parang ayaw ka ng pakawalan..

And I missed that feeling..

I really missed it..

Inalis ko na muli iyon sa aking isipin at itinuon na lang ang pansin sa bata.

"Honey, why are you crying? And where's your mommy?" Malambing na tanong ko dito. Hala naitindihan niya kaya ako?

"I-im not with my m-mom. I'm with m-my y-yaya and my t-twin but i can't find them." English speaking pala ang batang to. Sabagay, mukha siyang may lahi at anak-mayaman. Napangiti nanaman ako. Cute talaga!

"Don't you worry honey. Ate will help you to find your yaya and twin okay?" Nakangiting alo ko dito.

"Really?" Kumikinang pa ang mga matang sabi nito. Hala, di ko na napigilang yung sarili ko at napisil ko yung pisngi niya.. Napa 'ouch' tuloy.

"Oops, sorry baby. You're so cute kasi eh. I can't help it." I said while grinning to him from ear to ear.

"It's okay, but.." Nag-aalinlangang sabi nito. Ano kayang problema?

"But..?" I urged him to speak.

"But my mom said don't talk to strangers." Kaya pala. Ginulo ko naman yung buhok niya, nakakatuwa talaga eh.

"I'm Ate Xenna and you are?"

"My name is Clein Arcel." Pagpapakilala rin nito at nakikipagshake hands pa na tinanggap ko naman. Pinasaya talaga niya ang araw ko. Sarap ampunin neto.

"You have a nice name. I'll call you Clein. Okay? And we're not strangers anymore right?" Pagkuha ko sa loob nito.

Napangiti naman si Clein at tumango. Tinitigan ko ang nakangiting mukha nito. Wait. Wait. Wait. Bakit parang may kamukha ito? Inalala ko pa ang mukha ng tao na yun pero iwinaglit ko rin sa isipan ko.

Magkahawig ba talaga sila o ako lang ang nag-iisip nun? Napapadalas yata ang pagiging paranoid ko nitong mga nakaraang araw. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Hey any problem?" Si Clein.

"Nothing honey. You want cotton candy?"

"Really? You'll buy me that thingy?" tuwang-tuwang sabi nito habang itinuturo pa niya yung stall. Tumango naman ako. "Yeheeeyy! Thank you Xenna! And by the way I forgot to tell you, you're so pretty. " Nagulat ako sa itinawag nito sa akin at ang mas ikinagulat ko ay ang paghalik nito sa pisngi ko. Kinikilig ako kay Clein! Ang sweet na bata.

Pumunta kami sa stall ng cotton candy at ibinili ko siya. Habang naglalakad sinimulan ko ng hanapin ang mga kasama ni Clein habang siya kumakain.

Tinatanong-tanong ko siya kung anong suot at kulay ng damit ng yaya at twin niya para mas madali naming mahanap.

Kakatuwa naman. May twin pala siya at babae daw sabi ni Clein. Siguro super cute din nun. Gusto ko na siyang makita.

Hanap dito. Hanap doon. Hanap rito. Hanap dyan. Pero wala talaga. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Nahihilo na rin kasi ako kakaikot sa park.

"Kuya Clein! Kuya Clein!"

Napatingin ako sa sumigaw na iyon na may matinis na boses bata. I think, nakita na namin sila. Thanks God.

"Charm!" Tuwang-tuwang sabi ni Clein.

"Where did you go kuya? We were looking for you for almost an hour. Mommy was hysterical when we called her and told her that you're missing." Paiyak na sabi nung Charm.

"Salamat sa Diyos at nakita ka namin. Akala ko tuluyan ka ng mawawala." Maluha-luhang sabi nung yaya. I think nasa mid 20's lang siya.

"Good thing Xenna's here to help me." Si Clein sabay hawak sa kamay ko.

Kanina pa to ah. Parang walang galang sa akin ang batang 'to. Kanina pa siya Xenna ng Xenna. Di ba dapat Ate Xenna? Haay, hayaan na nga lang.

Ipinakilala ako ni Clein sa yaya nila at kay Charm. Gandang bata rin nitong si Charm eh.

"Hi Ate Xenna! Nice to meet you. I'm Charm Alexa." Nakangiting pakilala nito sa akin.

"Nice to meet you too sweety. You know what? Your name suits you 'coz you're very charming. And by the way, here." Inabot ko sa kanya yung isang cotton candy. Dalawa kasi ang binili namin ni Clein, para talaga kay Charm yung isa.

"Wow, thank you ate!" Masayang sabi nito.

"You're welcome. Uhm, Clein.. Charm.. I need to go. Take care of yourselves okay?" Paalala ko sa dalawa sabay halik sa pisngi ng mga ito.

Nakakatuwa yung kambal. Ang cute-cute nila.

"Bye Xenna!" Clein.

"Bye Ate Xenna!" Charm.

I waved my hand to them and gave my sweetest flying kiss as a sign of goodbye..

I just hope that our paths will meet again..

My Jealous Gangster BoyfriendWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu