9

5.5K 144 7
                                    

Pagpasensyahan na kung sabaw ang update, mabilisan ko lang ginawa to eh.

***

Hindi ko talaga maisip na ang isang taong katulad ni Adam ay ang siyang taong nandyan lagi para sa akin upang tulungan ako.

Hindi ko man gustong makita niya ako sa ganung kalagayan, there's something inside me na masaya dahil siya ang taong nasa tabi ko sa panahong kailangang-kailangan ko.

Maybe you're curious of what happened a while ago.

Well, he just brought me to a hospital  to check if there's something wrong with me. Kahit anong tanggi ko, hindi siya nakikinig kaya ako na rin ang unang sumuko and just let him.

Good thing wala namang nabali sa akin sabi ng doktor, nabigla lang daw ako sa pagkakabagsak.. tomorrow it will be okay basta ipahinga ko lang daw.

While we're inside his car, he'll just talk when asking direction. Paminsan-minsan ko siyang sinusulyapan, his face never fails to amaze me. Kahit nakakunot 'yung noo niya madalas at hindi ngumingiti, ang gwapo pa rin.

Napabuntong-hininga ako, what a beautiful gift from God. Ang dami niya na sigurong napaiyak na babae.

Nang makarating kami sa condo unit ko, hinatid niya ako hanggang sa may front door. Pinapapasok ko siya sa loob to have some coffee or any drinks but he refused.

I thank him for everything and he just nodded.

Nakatalikod na siya at paalis na ng bigla siyang magsalita ng hindi humaharap.

"I'll pick you up tomorrow." Sabi nito at tuluyan ng sumakay ng elevator.

Naiwan akong tulala. Oh no, ngayon ko lang naalala I forgot my car! But..

Really? Susunduin niya ko bukas?

Aisssh! Hindi  dapat ako nag-aasume dahil baka maghintay lang ako sa wala.

I really appreciate his kindness pero alam kong may katapusan din 'yun.

Baka dumating ang araw na mapalapit ang loob ko sa kanya, and in the end madagdagan ang sakit na nararamdaman ko.

Like what Crystal and Bella said a while ago, I need to stay away from him. Pero hindi ako lalayo ng dahil lang sinabi nila, lalayo ako dahil alam kong ito lang ang tanging paraan para mailigtas ko ang puso ko sa nagbabadyang panganib.

Kanina, I just tried to be okay in front of him dahil ayokong kaawaan niya ko. Dalawang beses na niya akong nakita in a terrible state and I don't want him to think that I'm that weak kahit 'yun naman talaga ang totoo.

Nabalik ang alaala ko sa kasalukuyan ng biglang magring ang phone ko.

Tiningnan ko yung alarm clock sa may bedside table, it's almost 11 o'clock in the evening. Sino naman kaya ang tatawag sa ganitong oras?

Unregistered number  kaya nagtaka talaga ko.

"Hello? Who's this?" Tanong ko pero walang nagsasalita sa kabilang linya.

"Hello? Ano --." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil binabaan ako 'nung kung sino mang tumawag.

Ano bang problema nung caller? Tatawag-tawag siya tapos hindi magsasalita, at pinagbabaan pa ako. Ipinagkibit-balikat ko na lang, maybe some prank caller.

***

Palabas na sana ako ng condo ko ng bigla na lang may kumatok. Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya ang bibisita ng ganitong kaaga?

Natulos ako sa kinatatayuan ng makita kung sino iyon.

He's here. My heart skip a beat in a moment seeing this man in front of me.

Ang gwapong mukha lang naman ni Adam ang nabungaran ko. Nakatitig lang ako sa kanya na parang kinakabisado ang bawat parte ng mukha niya.

"Hey." Nilapit ni Adam ang mukha niya sa akin, pinigilan ko ang paghinga ko dahil halos tatlong pulgada na lang ang layo nito sa akin. "Let's go." He said. And i don't know why I just nodded then close the door of my place.

"Adam, i'm just curious how did you know my class schedule for today?" Pagbasag ko sa katahimikan. Kanina pa kasi akong takang-taka, paano niya nalaman na ganitong oras ang klase ko samantalang wala naman akong nababanggit sa kanya kahapon?

Sumulyap muna ito sa akin bago nagsalita. "I have my ways." Lalong lang kumunot 'yung noo ko. Mukhang wala akong makukuhang matinong sagot kay Adam, napakatipid niya lang talagang magsalita.

Pagkarating namin sa campus, madaming mga estudyante ang nagbulung-bulungan ng makitang bumaba ako sa kotse ni Adam. At bakit ba naman hindi? Siya pa kasi talaga ang nagbukas ng pinto para sa akin. Geez! 

"Thank you. Marami na akong utang sayo, I don't know when pero maibabalik ko rin lahat ng iyon." Nakangiti kong sabi rito.

Tatalikod na sana ako, pero bago ko nagawa hinila niya na ang braso ko kaya napalapit ako ng husto rito. Then he whispered to my ear..

"Malapit na Xenna. Malapit na akong maningil. Malapit mo ng mabayaran lahat ng sinasabi mong utang mo sa akin." Bulong ni Adam malapit sa tenga ko.

'Di ko mapigilang mangilabot. Hindi dahil sa mga sinabi niya kundi dahil sa pagkakalapat ng labi niya sa tainga.

Oh god, what's happening to me?

My Jealous Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now