14

4.9K 117 7
                                    

SOFIA

"My God! Grabe talaga ang prof na 'yun! Anong tingin niya sa atin, machine? For god sake! 3 days! He only gave us 3 days para tapusin ang plate na yun?! Ugh! Nakakaimbiyerna!"

Napailing na lang ako sa pagsesentimyento ni Ania. Kanina pa kasi siyang nagsisintir. Well, I can't really blame her. Nakakastress naman talaga ang ipinapagawa ng professor na 'yon.

"Earth to Xenna? Earth to Xenna? Hello? Kanina pa ako naglalabas ng sama ng loob dito pero 'di ka naman pala nakikinig. Amp." Ania pouted. I know she can feel it too. She just want to lighten up the atmosphere.

Kanina pa kasi itong nakatulala at malalim ang iniisip. I just let her because I want her to open up voluntarily. But now, I change my mind. She seems really occupied and i want to help her.

"Are you alright?" I asked worriedly.

She let out a forced smile. "I-I am okay."

Ania became serious. "Sa amin ka pa ba maglilihim Xenna? We knew you very well kaya wala kang maitatago sa amin. So please, tell us.. para ano pa at naging bestfriends mo kami kung hindi ka naman namin matulungan sa mga problema mo 'di ba?"

I held her hand. "Ania is right. We're here to help you. Just trust us."

" I-I don't know what to do anymore. I think, I'm i-inlove with him. I'm inlove with him." Wala sa sariling sabi nito. Sinasabi ko na nga ba, it's about that Adam. Napapansin ko nitong mga nagdaang araw, lagi silang magkasama. And this is the first time that she let a man enter her life.

I let out a knowing smile. "What's wrong about that? Hindi ba dapat masaya ka kasi nahanap mo na ang lalaking maghihilom ng sugat dyan sa puso mo? I can see that he loves you too."

She looked at us sadly. "Everything's wrong. Sa simula pa lang mali na. I should not let him enter my life. I should not love him. Because I don't deserve someone like him. I don't deserve to be happy."

Nagkatinginan kami ni Ania. Nalulungkot kami para sa bestfriend namin. Hanggang ngayon nagdurusa pa rin siya sa isang pangyayaring hindi niya ginusto. She's too good to be hurt like this.

I'm about to speak when I noticed her looking at the front door of the coffee shop. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang pumasok. God! This is not the right time for this!

"Dad." Mahinang sambit ni Xenna.

Walang ni isa ang nagtangkang magsalita sa amin ni Ania. We know what to do sa mga ganitong sitwasyon. Hindi namin gustong dagdagan ang emosyong nararamdaman niya ngayon kaya mas mabuting manahimik na lang.

I know how much he missed her father but she can't do anything but to stare at him from afar. Masasaktan lang siya kung pilit nitong ilalapit ang sarili sa pamilya.

I know Xenna's dad saw her. Nakita ko kasi ng mapadako ang tingin nito sa gawi namin pero as usual, nagbawi ito ng tingin at parang isang ordinaryong tao lang ang anak nito. I don't understand them. How can they manage to treat their daughter as nothing? Kung sino pa ang higit na kinakailangan ng isang anak, sila pa ang nagpaparamdam na mag-isa lang ito.

I can't really believe them. And i won't in any way. Dahil walang magulang na matitiis ang mga anak nila.

Hanggang sa umalis ang ama nito, tahimik lang ito sa kinauupuan habang nakatingin sa kawalan. I know she's just stopping herself from crying and anytime, she will breakdown.

All that we can do is hug her and let her feel that she's not alone.

I know someday, everything will be okay. And soon, she will find her happily ever after..

***

Kanina pa akong nasa harapan ng condo unit 'niya' pero hindi ako magkaroon ng lakas ng loob para kumatok. I need someone to talk to. Yes, my bestfriends are there for me pero parang may kulang pa rin. May hinahanap-hanap pa rin ako.

Masakit pa rin kasi ang hindi pagpansin sa akin kanina ng daddy ko. Akala ko I'm already used to it.. but i realized, I just thought it.

Because i will never be.

I sighed. Hindi yata tamang sa kanya ako tumakbo. We're not related. We're not lovers. We're not even friends, I think he doesn't count me as one. I am just nothing to him.

I really need to unwind. Maybe I can find it in a bar. Maybe i can find peace in liquor. I don't really drink but that is what I need now. Gusto ko munang makalimot kahit pansamantala lang.

Paalis na ako ng mapansin ang lalaking nakasandal sa may pader habang matamang nakatingin sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil nahihirapan akong huminga sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Ano bang ginagawa sa akin ng lalaking 'to?

I just stared at him. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang sabihin.

"Nandito ka ba para makipagtitigan lang sa pinto ng condo ko?" Is he joking? "You know my passcode right? Pwede ka namang pumasok sa loob. I won't mind."

"K-kanina ka pa b-ba dyan?" I stuttered.

Hindi nito pinansin ang tanong ko at sa halip ay lumakad siya palapit sa akin. "Where did you go? Kung saan-saan kita hinanap pero hindi kita makita. Akala ko kung ano ng nangyari sayo."

"Why are you looking for me?" Nagtatakang tanong ko.

"It doesn't matter. What important is you're here." Nakapamulsang sabi nito. Nag- alala ba talaga siya? Or am I just assuming that he is?

I stared at him. I just thought, I can't be relax when I'm with him. Ginugulo niya ang buong sistema ko, and that's bad for me.

Ngumiti ako na 'di abot sa mga mata. "I-I need to go." Nilampasan ko siya pero hinila niya ako paharap sa kanya.

"Where are you going?" Kunot-noo na tanong nito.

"Somewhere. Gusto ko munang mapag-isa. Hayaan mo muna ako, Adam. Please." I remove his grip in my arm. And with that,

my heart filled with emptiness.

***

Short update. Matagal ko ng tapos 'to, ngayon ko nga lang naipost :/ Nywys, Congratulations sa mga gumraduate at gagraduate pa lang! :")

My Jealous Gangster BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon