Entry #10

172K 4.8K 164
                                    

Dear Ex-Boyfriend,

May lumapit sa akin na lalaki kanina. Kaibigan at kaklase mo raw sya. Ang sabi nya hindi ka raw pumapasok sa school ilang araw na. Nagtataka ako kung bakit nya sa akin sinabi yon. Nang sabihin ko sa kanya na break na tayo, tinanong nya ako kung kailan tayo ulit magkikita. Bakit nya sakin tinanong yon? Sinabi ko nalang na hindi na ulit. Imposible naman daw yon, kapag daw nakita kita pagsabihan daw kita na pumasok na.

Na-realize ko na, kahit na gusto kitang kalimutan, may mga tao na magpapaalala na naging tayo. Yung existence mo na gusto kong burahin sa isip ko, bumalik nang ganoon lang kadali. Dahil sa isang tao na nagpaalala sakin tungkol sa’yo.

Your Ex,

Nin

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon