Kean

156K 4.8K 406
                                    

Kean

Kanina pa tinititigan ni Kean ang kanyang cellphone. Wala parin syang natatanggap na reply mula kay Kayleen. Hindi rin kaya ito nireplyan ni Janin kaya hindi sya mareplyan?

Isa ito sa mga minsanan na araw lang na bakante sya buong araw. Gusto nyang kunin ang pagkakataon na ito para makita si Janin. Huling araw na ng babae sa hotel na ito, kailangan nya itong makausap.

At ang isa pa, kailangan nyang ibalik ang diary nito. Paano kaya nya ibabalik ang diary nito? Paano kung tinanong sya kung binasa ba nya ang mga nakasulat sa loob? Aaminin ba nya? Pero kahit naman ano ang isagot nya, mahahalatang binasa nya ito. Dahil doon nya nalaman kung paano mahahanap ang may-ari ng diary.

Kalahating oras pa ang lumipas bago naisipan ni Kean na puntahan nalang si Janin sa canteen. Siguradong nandoon ito ngayon dahil tanghalian na. Biglang napuno ng excitement si Kean sa naisip na muli na nyang makikita ang dalaga. Ngayon lang nya ito naramdaman. Ang antisipasyon na makausap ang taong matagal na nyang hinahanap.

Nakasuot lang si Kean ng puting v-neck shirt, maong pants, itim na cap at sunglasses bago lumabas ng kwarto nya. Hindi naman siguro sya mahahalata kung simple lang ang damit nya. Pero malaking problema kung may makakakilala sa kanya, hindi sya dapat mabigo ngayon dahil huling araw na ni Janin sa hotel.

Bumaba sa first floor si Kean at naglakad-lakad. Kailangan nalang nyang hanapin kung saan ang canteen ng mga staff ng hotel. Naglakad sya papunta sa likod na bahagi ng hotel. Naghanap sya ng sign na staff only. Magtatanong nalang sya sa kung sino man ang naroon.

Unang kwarto na nakitaan nya ng sign na yon ay ang locker room na may dalawang pinto na nahahati sa mga babae at lalaki. Biglang bumukas ang pinto ng para sa mga babae. Napaayos ng tayo si Kean, tumalikod sya sa mga babae at nagpanggap na may binabasa sa cellphone.

"Kawawa naman si Janin, pinaglinis sya mag-isa sa conference room."

"Bakit ba kasi nya sinagot sagot si Ms Glam? Ayan tuloy naparusahan sya."

"Pero alam mo ba ang chismis? Si Yna daw talaga ang nakasagutan nyang guest kaya sya naparusahan."

"Ha? Eh bakit sabi ng iba, si Ms Glam daw?"

"Syempre ayaw nilang kumalat na nabastos ng staff ng hotel na ito si Yna. Lagot tayo kapag lumabas ang balita."

"Nakakatakot talaga kapag may VIP guest."

"Mabuti nalang mabait si Sir Kean!"

"Tama! Nasaan kaya si Sir Kean ngayon?"

"Busy na naman siguro sa trabaho."



Naramdaman ni Kean ang pag-init ng kanyang pisngi. Kung alam lang ng mga ito ang ginagawa nya ngayon. Nakatayo sya sa changing area para hanapin si Janin. Pero natabunan ang bagay na yon sa narinig nya tungkol kay Janin. Naglilinis ito mag-isa sa conference room bilang parusa?

Ano ang nangyari sa kanila ni Yna?

Nag-angat ng tingin si Kean at una nyang nakita ang locker room ng mg lalaki. Isang ideya ang pumasok sa isip nya. Hindi na sya nagdalawang isip pang pasukin ang changing room. Nagpasalamat sya nang makitang walang tao sa loob. Binuksan nya ang mga lockers at naghanap ng damit.

Suot ang itim na uniform ng janitor, itim na cap at puting face mask, lumabas si Kean mula sa locker room. May dala rin syang mop na panglinis at maliit na dilaw na wheelie bin na may naka-attach na lalagyan ng cleaning supplies.

Nakakailang hakbang palang sya nang may makasalubong syang staff ng hotel. Mabilis syang naglakad upang lagpasan ito.

"Excuse me," tawag sa kanya nito.

Napatigil sya sa paglalakad. Narinig nya ang mga yabag nitong papalapit sa kanya. Iniwas nya ang mukha nya nang tignan sya nito.

"Para saan ang face mask?"

"Uhh..." mabilis na nag-isip si Kean ng dahilan. "Para sa... allergy ko sa gabok, sir."

"Ha?" kunot noong reaksyon ng lalaki.

"Ang ibig ko pong sabihin," umubo sya ng dalawang beses. "May ubo po ako. Ayoko pong makahawa." Muling syang umubo ng dalawang beses.

"Ah. Uminom ka ng gamot para mawala na yan." Naglakad na ang lalaki at nilagpasan sya. "Baka may mahawaan ka pa, busy pa naman ngayon sa hotel. Tsk. Tsk."

Pumasok ng locker room ang lalaki at nakahinga na nang maluwag si Kean. Ngayon lang sya kinabahan sa acting nya. Muntik pa syang magkamali. Siguradong masisira ang no-NG record nya kung sa harap ito ng direktor nangyari.

"Let's go," sabi ni Kean sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad.

Alam nya kung saang parte ng hotel ang conference room. Nandoon sya kahapon lamang para sa press conference ng movie nya. Naalala nyang maraming pumunta kahapon na mga reporters, writers at bloggers. Isipin palang nyang nag-iisa si Janin na naglilinis sa malaking lugar na iyon...

Nagmadali syang pumunta sa conference room. Nasa tapat na sya ng double door nang mapatigil sya. Anong una nyang sasabihin kay Janin?

Hindi inaasahan ni Kean na biglang bubukas ang pinto at mahaharap sya sa babaeng hinahanap nya. Pawisan ang noo nito at medyo magulo na rin ang ayos ng buhok nito.

Bigla syang hindi makagalaw. Hindi sya makapagsalita. Maraming dumaan na salita sa isip nya pero hindi nya magawang bigyang boses.

Nakaharap sya kay Janin ngayon. Ang may ari ng diary na hawak nya. Ang babaeng gustong gusto nyang makilala. Nakatingin ito sa kanyang ngayon. Sinusuri sya. Tinitignan kung mapagkakatiwalaan sya. Hindi sya dapat pumalpak. Hindi sya dapat maging suspisyoso. Kailangan nyang maging normal. Paano ba bumati ng normal?

"H-hello...!"

Tinignan lang sya ni Janin sandali bago sya lagpasan. Sandaling nag-slow motion ang pag-iisip nya.

Mariing naipikit ni Kean ang mga mata. Nawala ang pagkakataon nyang bumati ng normal. Bagsak ang mga balikat nyang pinanood ang likod ni Janin na patuloy sa paglayo. Nice one, Kean. Nice one.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon