Kean

104K 3K 327
                                    

Kean


Sandaling iniwan ni Kean sina Francis at Dylan sa kusina para sagutin ang tawag sa kanya ng kanyang manager na si Ms Yuko. Nakaramdam siya ng kaunting kaba.


"Ms Yuko," bati niya.


"Kean, I found her. Napirmahan ko na ang contract nya; depende nalang sa kanya kung kukunin niya ang job offer," wika ng babae sa kabilang linya.


Hindi napigilan ni Kean ang kanyang saya at excitement sa narinig. "Yes! Thank you Ms Yuko, I owe you a lot."


"Yes and please don't make me regret this, Kean. I don't wanna pry pero Kean, alam mo na ang concerns ko."


"Yes Ms Yuko, you can trust me on this one. Wala naman po akong balak na masama."


"I know, but I'm your manager and it's my job to worry about you. Just be careful, okay?"


"Alright Ms Yuko."


"Well then, good luck."


"Thank you."


Depende nalang ang lahat kay Janin kung kukunin nito ang inaalok niya. Sana. Sana pumayag ito. Hindi maitago ang ngiti sa labi ni Kean nang bumalik sya sa kusina para sabihin kay Dylan ang magandang balita. Saglit siyang natigilan sa inabutang eksena. Nakita niyang tumatawa si Dylan. Si Francis naman ay nakatingin dito habang nakangiti.


"Anong meron?" tanong niya nang makaupo sa harap ng mesa.


"Knock Knock, Kean," sabi sa kanya ni Dylan.


"Who's there?"


"Come back to me."


"Come back to me who?"


"Come back to me bok ang puso~ Wala ka nang magagawa kundi sundin ito~! HAHAHAHA!" tawa ni Dylan. Namumula na ito sa kakatawa o dahil sa nainom na alak. "Ang galing ko talaga mag-joke. Ang saya saya, ako lang yung tumatawa. Langya."


Inilayo ni Kean mula sa kaibigan ang beer nito. Kahit pa noong nasa highschool sila ay mababa na ang alcohol tolerance nito. Mukhang kailangan niya itong ihatid sa bahay nila mamaya. Pwede rin naman itong matulog sa bahay niya ngayong gabi at bukas nalang umuwi.


"Dedicated sa'yo 'yon, Kean. Isa ka pang wagas kung magmahal," wika ni Dylan na ngayon ay nakatingin na sa kanya nang diretso. Nakapangalumbaba ito sa isang kamay. Ang isang kamay nito ay may hawak na tinidor na patuloy sa pagtusok sa letchon. "May isa pa akong joke! Puhahaha! Anong tipo ng mga lalaki ang paborito ng mga babae? Nagsisisimula sa letter A."


Napangiti si Kean at ganon din si Francis. Hindi dahil sa maririnig nilang joke kundi dahil sa malapad na ngiti ni Dylan na sadyang nakakahawa. Mukha itong inosenteng bata na tinitignan sila habang masayang nakangiti. Halatang excited ito sa sasabihin.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon