Janin

120K 3.2K 346
                                    

Janin



Nakatayo ako sa tapat ng puti at mataas na gate ng mansion ng pamilyang kumupkop sa akin. Natatandaan ko pa noong una ko itong nakita. Akala ko hari at reyna ang mga umampon sa akin. Naging prinsesa naman ang turing nila sa akin...


May isang bagay akong napansin noon sa bahay ampunan. Madalas naaampon ang mga batang masayahin. Hindi ko pa alam noon kung bakit mas nauuna silang naaampon kaysa sa akin. Palagi akong pinupuri noon na maganda ako. Pero kung maganda ako, bakit si Rica na matakaw ang inampon at hindi ako? Bakit si Harold na sakitin ang pinili at hindi ako? Hanggang sa nalaman ko ang dahilan isang araw.


'Maganda si Janin pero hindi sya palangiti'


'Hindi na naman sya napili'


'Kung sabagay madaling alagaan ang mga batang masayahin'


'Kung marunong lang sanang tumawa ang batang yan'


Pumunta ako sa playground nang araw na yon at nakipag-usap sa ibang mga bata. Hindi nagtagal may mga taong umampon sa akin. Pakiramdam ko noon, sa wakas may mga taong tumanggap na sa akin.


Pero panandalian lang pala yon. Dahil alam ng mga kamagnak nina Mama at Papa na ampon lang ako, may mga narinig akong pangungutya. Lalo na sa mga naging pinsan ko. Sinubukan ko na makipaglapit sa kanila, pero kahit anong gawin ko hindi nila ako tanggap.


'Napaka-bait na bata ni Janin. Hindi nya pinapatulan ang mga panunukso sa kanya ng ibang bata.'


Sa totoo lang, mahirap magalit kung wala ka nang pakialam. May pamilya na ako at 'yon lang ang mahalaga sa akin noon. Mahal ako ng mga taong umampon sa akin. Nasa akin ang atensyon nila. Lahat ibinibigay nila sa akin. Hanggang sa dumating sya... ang kapatid ko. Ang tunay nilang anak. Saka ko naramdaman na unti-unti, nawawala ang lahat sa akin.


Gusto kong pindutin ang door bell pero hindi ko magawa. Hindi ko parin pala kayang harapin ang pamilyang dati kong kinabilangan. Kapag pumasok ako sa mansion na ito, baka makulong lang ulit ako kasama sila. Ayoko nang bumalik sa pamilyang ito. Kapag kasama ko sila, mas nararamdaman kong nag-iisa lang talaga ako.


Tinalikuran ko ang mansion at naglakad na palabas ng subdivision. Magkakalayo ang mga bahay dito at maraming puno sa paligid. May mangilan ngilang tao na naglalakad kasama ang mga aso nila, karamihan sa kanila ay mga babaeng papunta sa club house para tumambay.


Huminga ako nang malalim. Paano ko kaya babawiin ang aso ko? Ayokong bumalik sa mansion. Tsk.


"Ate Janin?"


Natigilan ako nang makasalubong ko si Gio. Kasama nya ang aso kong si Sirius na nakatingin sa akin gamit ang malalaki nyang mga mata.


"Gio."


Nasagot na ang tanong ko. Makukuha ko na si Sirius.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon