Kayleen

74.4K 2.3K 452
                                    

Kayleen


Sa isang malaking hotel gaganapin ang birthday party ni Gio. Pero habang pumapasok kami sa function hall, napansin ko na parang may company event na gagawin. Ito na yata ang pinaka-pormal na party na napuntahan ko. Ang daming tao na mukhang importante sa business world.


Napaka-pormal ng mga suot nila. May mga grupo sila at nag-uusap. Mukhang pati ang pinag-uusapan nila ay pormal din. May mga babae silang kasama, napansin ko ang mga kumikislap na mga bato sa kanilang suot na alahas. Karamihan sa kanila ay mukhang super models. Matangkad, payat at marunong dalhin ang sarili.


Bigla akong na-conscious sa hitsura ko. Formal din naman ang suot kong dark blue na dress, hanggang talampakan ko ang haba nito at sleeveless. Si kuya naman ay naka-suot ng itim na tuxedo. Hindi naman kami naiiba sa kanila, pero iba parin ang pakiramdam. Para kaming tumapak sa mundong hindi kami belong.


Ano bang klase ng pamilya meron sina Gio at Janin? Si Janin ay masyadong simple, hindi siya gumagamit ng mga mamahaling brands. Si Gio naman ay napaka-tahimik. Para siyang hangin kung minsan, at palagi siyang mukhang kung ano ang naabot na damit ay iyon ang isusuot. Ni walang bakas ng pagiging 'maharlika' sa kanya. Maliban nalang noong nakasama ko siya sa sasakyan nila at nakita ko ang driver niyang si Oliver. Nakaka-intimidate ang driver niyang mukhang galing Hollywood.


"Ikay, hwag kang hihiwalay," sabi sa akin ni kuya habang tumitingin-tingin sa paligid.


"Kuya, hindi naman ako mawawala," sagot ko sa kanya. Hinanap ko si Ashleen. Nandito na kaya sila? Sabay lang kaming umalis sa subdivision kanina. Pero dinaanan pa namin si Janin sa apartment niya.


"Bigla kong naalala ang party na pinuntahan ko noong highschool. Ganito rin 'yon."


"Kaninong party yon?"


"Noong birthday ni Kean. Nasa isang cruise ship kami. Shit. Ayoko nang maalala 'yon."

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon