Kean

174K 4.5K 411
                                    

Kean

Nakatingin si Kean sa maliit na journal na hawak nya. Walang ibang pangalan ng nagmamay-ari kundi Nin lang. Natanong na nya si Dylan tungkol sa kaibigan ni Kayleen pero wala itong matandaan na Nin. Ibang Kayleen kaya ang tinutukoy ng nagsusulat dito?

“Good work today Kean,” sabi ng manager nyang si Ms Yuko. Nasa front seat ito ng van katabi ang nagda-drive na si Marco. “Try to get some rest, okay? May tatlong malls tayong naka-schedule na pupuntahan bukas.”

Nginitian nya ang manager. “You and Marco have to get up earlier than me kaya magpahinga rin kayo. Stay healthy.”

“Don’t worry about us Kean.” Sinilip sya ni Ms Yuko mula sa unahan. “Nacu-curious na talaga ako sa pink na journal na hawak mo. Hindi naman siguro sa’yo yan?”

“No, it’s not mine,” nakangiti nyang sagot.

Muling tumingin sa harap si Yuko. “By the way, since may movie ka ngayon, pwede bang bawasan mo ang pakikipagkita sa kaibigan mo? Alam mo naman ang kumakalat na chismis, hindi ba?”

Tumawa si Kean. “I have no idea what you’re talking about Ms Yuko.”

“Kean, please. Kung may kakalat na chismis, mas mabuting about ito sa inyo ni Yna. Magandang news ito sa mga fans nyo.”

“Sorry, but he’s important to me.”

Bumuntong hininga si Yuko. Ilang blind items pa kaya ang kailangan nyang harangan? Mukhang mapapatawag na naman sya sa office ng president. Kung nakikinig lang sana sa kanya si Kean tungkol sa bagay na ito.

“Don’t worry, iiwasan namin na magkita sa labas,” sabi ni Kean.

Pumasok si Kean sa loob ng kanyang suite sa hotel na tinutuluyan. Chineck nya ang kanyang cellphone kung may bagong mensahe. Nireplyan nya ang bagong dating na text message. Ilang minuto pa ay nakarinig sya ng buzz. Tinungo nya ang pinto at binuksan ito.

“Yo, Kean,” nakangiting bati sa kanya ng kaibigan.

“Long time no see, Dylan.”

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon