Janin

78.8K 2.7K 892
                                    

Janin


"Nabuksan mo na ba ang kahon?" tanong ni Dylan na biglang sumulpot sa tabi ko habang naghuhugas ako ng pinggan sa kusina.


Dumami nang dumami ang mga tao na nasa loob ng bahay. Kaya tumulong na ako sa paghuhugas ng mga plato para hindi kulangin mamaya kung may mga hahabol pa sa party.


"Hindi pa," sagot ko.


"Ahh. Tulungan na kita,"


"Hwag na, party mo 'to."


"Mga kakilala naman nina Mama ang mga bisita, kaya okay lang," sagot niya.


Kumuha siya ng isa pang pares ng dilaw na rubber gloves. Kaagad ko iyong kinuha sa kanya.


"Hwag na," sabi ko.


Makikipagtalo pa siya sa akin kung hindi lang may dumating na lalaki.


"Masteeeeer!" Nakita ko ang kaibigan niyang si Pancho na pumasok sa kusina. "Bakit ka nandito? Iniwan mo ako sa kanila."


Kahit na nakita ko na si Pancho sa hospital, hindi pa rin ako masanay sa mukha niya. Tumalikod na ako sa kanilang dalawa at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.


"Teka lang Pancho, hwag kang manghila," pigil ni Dylan.


"Samahan mo ako, Master! Pinaglalaruan nila ako kanina pa!"


"T-Teka!"


Bumuntong hininga ako nang sa wakas ay natahimik na sa kusina. Paano ko ba ilalarawan ang mukha ni Pancho? Ang alam ko ay magkasing edad sila ni Dylan. Pero kung titignan, mukhang mas bata siya ng sampung taon.


"Janin!"


Muntik ko nang mabitawan ang plato na sinasabunan ko nang may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita ang Mama ni Kayleen.


"Hija, ano'ng ginagawa mo rito sa kusina?" Tinignan niya ang hawak ko at bahagya siyang nagulat. Lumapit siya sa akin. "Bakit mo ginagawa 'yan?"


"Baka po kasi kulangin tayo," sagot ko.


"Hay, hija, ikaw talaga. Hayaan mo na 'yan." Inalis niya ang mga gloves sa kamay ko. "Halika, sumama ka kina Ashleen. Nagkakasiyahan sila roon. Hwag mo nang intindihin ang mga ito, may gagawa na niyan mamaya. Saka may mga binili kaming paper plates."


Wala na akong nagawa pa kundi ang lumabas sa kusina. Sa totoo lang, naiilang ako sa dami ng mga tao sa loob at labas ng bahay nila. Karamihan sa mga pumunta ay mga kakilala nina Tita. Pumunta ako sa garden at nakita ang pabilog na table nina Kayleen. Kasama niya roon sina Ashton, Gio, Ashleen at ang magpinsan na sina Sheryl at Katrina.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon