Dylan

127K 3.4K 1K
                                    

Dylan


"Nasaan na yung kaibigan mo Kay?" tanong ko sa kapatid ko nang abutan ko syang gumagawa ng cookies sa kusina.


Kalalabas ko lang ng banyo at pinupunasan ng twalya ang basa kong buhok. Lumapit ako sa ref para kumuha ng juice. Mabuti nalang nawala na ang hangover ko. Tapos na ang project namin nina Pancho at Digs, nagustuhan naman ng client ang gawa naming software. Kaya naman nagkayayaan kaming uminom. Hindi naman namin inakala na makakasalubong namin ang ex ni Digs kasama ang bagong boyfriend nito, ayun napasabak kami pakikinig sa kaibigan namin.


Nagulat talaga ako kanina nang may makitang babae sa loob ng kwarto ko. Katabi ko pa syang nakahiga sa sahig. Akala ko may nagawa na akong di ko dapat gawin. Ang akala ko talaga, dahil sa kalasingan ko nakapag-uwi ako ng babae sa bahay. Lagot ako kina Mama at Papa. At mas lalong lagot ako kay Ikay. Baka bigla syang magrebelde dahil nag-uwi ako ng babae. Baka bigla syang lumunok ng pakwan!


Pinilig ko ang ulo ko. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko. Ako ang panganay, kailangan kong turuan si Ikay kung paano dapat tinatrato ang mga babae. Kaya naman hanggang ngayon wala pa rin akong girlfriend, masyado akong mahigpit pumili. Nakakatakot pa naman ang mga babae ngayon, masyadong agresibo, bigla ka nalang susunggaban.


"Si Janin? Umalis sya, pumunta sya sa hotel na pinag-OJThan nya," sagot ni Kayleen. "Nga pala kuya, dito muna si Janin sa atin titira. Nasunugan kasi sya ng apartment. Walang natira sa mga gamit nya."


"Saan yung sunog?"


"Sa Brgy Usomasunugan."


"Pfft!" Muntik ko nang maibuga sa kapatid ko ang juice na iniinom ko. "Kaya naman pala eh! Bakit sya doon tumira? Uso pala masunugan doon."


"Hehe kuya, uso talag sunugan doon. Kaya ganon siguro pangalan. Pero alam mo, hindi lang yon ang nangyari sa kanya. Nanakawan din sya ng wallet."


"Saan naman?"


"Dun sa center. Malapit sa Brgy Usonakawan."


"Kay lupit naman pala ng sinapit ng kaibigan mo Ikay."


"Oo nga kuya, kaya dito muna sya. Hwag mo syang aawayin, at saka maligo ka araw-araw ah. Magkukulong ka na naman sa kwarto mo at maglalaro ng games buong linggo. Magpa-araw ka naman!"


"Kalalabas ko nga lang ng bahay kahapon. Di mo man lang ba ako na-miss?"


Tumunog ang cellphone nya at dali-dali nya itong inabot. Ngiting ngiti naman sya habang binabasa ang text. Si Ashton na naman siguro. Wala na, echapwera na naman ako. Kapag kausap na nya si Ashton sa phone, kahit lumindol, hindi na mapapansin ni Kayleen. Nice talking to you too. Sawi.


Lumabas nalang ako ng kusina. Pumunta ako sa salas, binuksan ang tv at bumungad sa akin ang isang babaeng di makapili sa tatlong lalaki. Nilipat ko ang channel, tungkol naman sa babaeng may istriktong mga lola na makikipag-date sa lalaking matagal na nyang gustong makita. Aba teka nga, puro sila may buhay pag-ibig. May gusto bang iparating sa akin ang mahiwagang telebisyon na ito? Nilipat ko ulit ang channel. Sa isang japanese show naman ako natapat kung saan puro lalaki ang guests. May subtitle na ingles kaya maiintindihan ko. Ayos. Usapang lalaki sa lalaki ito, yung host lang na cosplayer ang babae. Ito dapat ang pinapanood ng mga single na lalaking katulad ko.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon