Prologue

64 11 2
                                    

THIS IS ORIGINAL WORK OF MINE.


ALL RIGHTS RESERVED. This work came from my own imagination. Names, characters, places, events and incidents are all products on my mind. Any resemblance to actual persons living or dead and actual events is purely coincidental.


PLAGIARISM IS A CRIME. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or make works derived from my works. Do not exploit the contents of my works contained here in any way. Please obtain permission.


This will be written in Tagalog-English language.

xxx


NOTE. This is the second book of the Sovereign Ladies Series. The series consists of six books.


Sovereign Ladies Series #1: My Secret Credibility

Sovereign Ladies Series #2: My Karma Stipulation

xxx




TRIGGER WARNING :: Death, Suicide, Violence & Harassment


"Kailangan mo na talagang mamatay, Risha."


Tinutukan niya ako ng kaniyang baril. Muli akong nag-ipon nang lakas ng loob upang makatakas dito sa upuan na ito, pero hindi ko magawa dahil sa sobrang higpit nitong lubid na nasa aking katawan. Hindi naman masyadong masakit ang pagkakatali nitong lubid na ito kahit na mahigpit sa akin.


Sadyang malaking tulong lang ang naging katawan ko dahil ako ay seksing nilalang. Hindi rin kaya ng ka-seksihan ko umubra ng sakit dahil lang sa pisteng lubid na ito.


Itinagilid ko muna ang ulo ko sa aking kaliwa bago ko siya sagutin ng, "Ang tanging tanong ko lang ay kung kaya mo bang makapatay ng isang tao. Pag-isipan mo muna kayang mabuti. Gusto ko lang kasi na malaman mo na nasa huli ang pagsisisi. Patayin mo man ako o hindi, makukulong ka pa rin dahil sa mga krimen mong ginagawa."


Nakita ko kung papaano siya ngumisi sa akin. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang hawak na baril bago niya ako balingan muli ng masamang tingin.


What a crazy woman!


Lumapit siya sa akin, lumuhod sa aking harapan at sinabing, "Ganoon ba? Hindi ba p'wede maging matalino? Hindi ba p'wedeng matapos kitang patayin ay sarili ko naman ang papatayin ko para hindi ako makulong?!" Sa pagkakataong ito, bigla na lamang tumaas ang kaniyang tono. Masisiguro kong sinigawan niya nga ako sa puntong ito, pero syempre ay hindi ako nagpatalo sa kaniya.


Ako si Risha. Hindi nagpapatalo, hindi nakakaramdam ng sakit at lalong hindi sumesensya sa isang katulad niya. "Ulol! Sinong niloko mo? Hindi uubra sa akin 'yang loko mo. Kung makapag-salita ka naman ay kayang-kaya mo talagang gawin 'yan sa sarili mo. Baliw ka ba? May ubo ba 'yang utak mo? Kung sabunutan pa nga lang kita umaaray-aray ka na, paano pa kaya kung patayin mo ang sarili mo? Ano? Kakayanin mo ba 'yun?" Halos mawalan na siya ng buong pasensiya dahil sa sinabi ko sa kaniya. Basang-basa ko at kitang-kita ko ang kaniyang hitsura ngayon.


Baliw itong kalaban ko at ngayon ay kinakaawaan ko ang sarili ko dahil ako'y pumapatol sa isang baliw.


"Manahimik ka, Risha!" Tanging siya ay sumigaw na lamang. Kasabay na rin doon ang ginawa niyang pagtayo sa aking harapan nang siya ay sumigaw. "Alam mo bang pwede ring magbago ang isang tao? Bakit hindi mo 'yun naisip, Risha? Akala ko ba ay matalino ka? Gaano ba kataas ang IQ mo para hindi 'yun maisip?"


Hindi ko alam na isang tao ka pala, Jubie. Hindi kasi ako na-inform tungkol diyan. Isa pa ay mataas man ang IQ ko o hindi, hindi ko pa rin talaga nalamang tao ka pala.


My Karma StipulationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon