Chapter 10

5 3 0
                                    

Trigger Warning: Violence


Ang unang bumungad sa akin ay ang namumugto kong mga mata. Alam ko na medyo sumingkit ang mga ito dahil sa hapdi. Sinapo ko ang ulo ko nang ako ay nagsimulang bumangon sa kama. Pakiramdam ko ay parang nasa mall ako ngayon dahil sa lamig na nararamdaman ng aking katawan. May comforter mang nakabalot sa aking katawan, hindi ko pa rin maiwasan na mapaisip kung bakit ang lamig. Nagsimula akong magtaka dahil sa nangyari kagabi. Dahan-dahan kong sinilip 'yung ilalim ng comforter ko upang tignan ang katawan ko.


Kaya ba malamig dahil wala akong suot na damit?


"Wrong timing ka, Risha," bulong ko.


"What do you mean by wrong timing?" Nilingon ko ang boses na iyon at si Daven iyon. Muntik na akong mahulog sa kama nang makita ko siyang topless. Mukhang katatapos niya lang maligo ngayon. Ang mahaba niyang buhok, na siyang hanggang sa tainga niya ay basang-basa. Nakasuot na rin siya ng faded jeans sa pang-ibaba niya. Ang tuwalyang kulay puti ay nasa kaniyang dalawang balikat, nakasabit lamang roon.


"Hey, Daven! Nag-sex ba tayo kagabi?" Bigla siyang inubo sa aking tanong. Pati iyong kulay puting tuwalya na nasa balikat niya ay nahulog sa sahig. Agad niya iyong pinulot at pinagpag sa kawalan. "You know silence means yes, right? So totoo nga na nag-sex tayo kagabi! Sayang wala akong maalala kagabi dahil sa--"


"Stop it. We're just drunk, Risha. Your breakfast is on the table. You should drink your medicine right after, too." Nag-iwas siya sa akin ng tingin. May bahid na parang guilty siya sa nangyari kagabi. So I guess may nangyari nga talaga sa aming dalawa. Iyon nga lang ay hindi ko maalala dahil sa kalasingan ko kagabi.


"Tangina," mahinang mura ko nang ma-realize kong nasa isang hotel room kami. Agad akong nagtungo sa banyo upang mag-ayos. Napaisip ako kung papaano nagsimula ang lahat. Ang naaalala ko lang ay 'yung eksena na nakipag-away siya. Wala na akong maalala na nagtungo kami sa hotel upang gawin ito. Napansin ko na nakasabit sa hanger 'yung mga damit kong sinuot kagabi sa bar. Akala ko ay basa iyon dahil mukhang nilabhan niya, pero totoo nga na nilabhan niya kaso hindi na siya basa. Tuyo na. Umabot yata ako ng isang oras bago ako matapos sa lahat ng gawain ko. Ininom ko na rin iyong gamot na ibinigay ni Daven sa may tabi ng breakfast pagkatapos ko iyon kainin. It's not like I'm sick or something. Alam ko na ayaw niya akong mabuntis. Siguro ay iniisip niya na para ito sa kaniyang pinsan. Ayaw niya ako mabuntis at mukhang nagsisisi siya dahil kanina pa siya nag-iiwas ng tingin sa akin.


"Daven!" pagtawag ko sa kaniya, ngunit hindi niya ako pinansin. Wala akong nagawa kundi ang lapitan siya sa balcony dahil siya ay nagpunta roon. Hanggang ngayon ay topless pa rin siya at parang lubhang may malalim siyang iniisip dahil sa kaniyang hitsura ngayon. Tumikhim ako at kinalabit siya ng dalawang beses sa kaniyang braso gamit ang aking hituturo. Nilingon na niya ako sa wakas, pero para siyang hindi makatingin ng maayos sa akin.


"A-Ah, sure... sige... Ako na ang bahala sa gastusin ng hotel. Don't worry about it, you can go now if you want." That's not even the thing, Daven. Aside, I just can't let you to treat me like a beggar one. Bago ako magsalita, nagsimulang mag-ring ang cellphone ko. Thankfully it's Gwen, not Vic. Kung si Vic man ang tumatawag ngayon, baka wala na akong balak sagutin 'yung tawag.


"What?" Suminghal ako nang sabihin ko iyon.


"Good morning. May I ask if where the hell did you go last night?" Alam kong medyo pormal iyong tono ni Gwen ngayon, pero alam kong deep inside naiinis na 'yan dahil sarcasm siya kung tutuusin. Pigil nga lang ang kumokontra sa kaniya ngayon. "Ang hirap magpapigil ng galit, Risha! Alam mo ba na--"


My Karma StipulationWhere stories live. Discover now