Chapter 7

7 3 0
                                    

After what happened between Gwen and Gairel, hindi na rin kami pumasok sa first day namin. Hindi magandang pumasok kung ga'yong gano'n din naman pala ang mangyayari. I know that this is all between on them, but we couldn't do anything but to help the both of them.


Sa tingin nga namin, hindi papasok ang dalawang 'yun hangga't hindi sila nagbabati. Kaya, habang ngayon pa lang ay kumikilos na agad kami... upang magbati ang dalawa.


"Look, kayo ang magkakasama-sama sa iisang classroom except ako," Drina spoked, starting to look at me and Victoria as well.


Kaming tatlo lang ang nandito ngayon sa likod ng school. Sinabi kanina ni Gwen sa akin na makiki-sleep over na lang daw muna siya kila Prince dahil mukhang hindi raw pwedeng magsama silang dalawa sa iisang bubong ga'yong hindi naman daw sila maayos sa isa't isa.


Kinausap din ako ni Vic kanina tungkol kay Gairel. Ang sabi niya raw ay mag-hohotel na lang daw muna si Gairel pansamantala ng ilang mga araw.


"Kinakausap ako ni Vic kanina sa room, pero bigla na lang kaming napalingon dahil sa kanilang dalawa. Habang tumatagal, tumataas lalo ang kanilang mga tono. Pinigilan ko, Drina. Trust me, tinawag ko ang pangalan ni Gwen, pero lalong lumala." sagot ko kay Drina.


Sabay kaming suminghal ni Vic, ngunit 'yung sa kaniya ay mayroong halong arte na para bang hindi siya makapaniwala na nangyayari ito.


Umiling-iling din siya at nagsalita ng, "I know right? I mean, mahirap na kung sasabay pa kami ni Risha kaya ambis na makisali ay nanahimik na lang ako, o kami. You know what I mean, Drina. Dahil habang nananahimik ako, napapaisip din ako kung bakit ganoon ang galit nila sa isa't isa."


Sabay-sabay kaming bumuntong hininga ng malalim. Hindi namin alam kung paano ang gagawin namin sa kanila, na kung saan ay dapat namin silang pagbatiin.


Siguro'y kailangan muna namin sila bigyan ng space dahil kagagaling pa lang nila sa away. They need to chill first... and once they're feeling better, we'll try to talk to them.


Biglang nagkaroon ng liwanag sa aking utak ng maisip ko 'yun.


That's it, Risha!


Ikinuwento kong mabuti sa kanilang dalawa ang naisip ko at sila ay sumang-ayon naman. Hindi na namin masyadong pinatagal ang aming pag-uusap nang makita ko ang orasan dahil sa pagsulyap ko sa aking phone.


Damn it!


May date pa pala kami ni Frenzon mamaya! It's now 4:00 in the afternoon. May 45 minutes pang natitira upang kami ay tuluyan nang palabasin nang guard. Pero since hindi kami pinayagan ng guard palabasin dahil tutal ay nag-cut kami... kami na lang mismo ang gagawa ng paraan, na kung saan ay walang nakakaalam tungkol dito.


Mula sa likod ng aming school, kami-kami lang na magkakaibigan ang nakakaalam na mayroong sikretong daan dito upang makalabas ng eskwelahan. Iyon nga lang ay medyo lumayo-layo ng kunti ang direksyon kapag ikaw ay dumaan dito.


Sa laki ba naman ng eskwelahang ito ay hindi talaga maiiwasan... kaya kami na lang mismo ang sisikap na maglakad pabalik sa tamang direksyon.


"Oh, ano? Hinihintay mo ulit 'yung target mo?" tanong ni Vic, sabay ngisi.


"Mauna na kayo ni Drina. I'll be busy, may date pa ako kaya baka gabihin na 'ko, probably hindi na rin makakauwi ngayong gabi." I said as I winked at her.


She just rolled her eyes as she didn't say anything back to me. I followed them with my gaze before I could decide to dress my attire.


Ni hindi ko nga alam kung magbibihis pa ako o 'di kaya 'wag na lang 'e.


My Karma StipulationWhere stories live. Discover now