Chapter 5

8 5 0
                                    

"You alright?"


Nakasalubong ng kaniyang kilay ang aking tanong sa kaniya. What's wrong with the asking? Kumunot naman ang noo ko sa kaniyang ginawa. Nah, you should quit asking, Risha.


"I mean..." Suminghap ako dahil sa biglang pagkabago ng aking isipan, "Nevermind. So... how we shall put this plan?"


Napapa-isip ako kung papaano namin ito pla-planuhin ni Daven. Sa ngayon, oo, nagiging desperada ako sa ngayon, pero alam ko naman na sa sarili ko ay tama itong gagawin ko, o namin ni Daven. Hindi muna ako maaaring ikasal ng ganito kabilis. Sa ayaw at gusto nila, wala silang magagawa kung hindi tanggapin ang magiging desisyon ko... kahit ako pa ay kanilang anak.


Gusto ko sana ay 'yung kagaya ng kung papaano namin tinanggap ang naging desisyon ni Zara, na siyang lumihis ng Maynila at nagtungo sa Vigan ng walang kahit isang rason man lang.


"We will make our relationship toxic and wild."


Nakita ko kung papaano nanliit ang kaniyang mga mata na para bang mayroon siyang iniisip na kung ano 'yun. Gayunpaman ay agad kong binawi iyon, "Relax. I'm sure you know what I mean. Iba iyon sa iniisip mo."


Binigay ng waiter ang drinks namin bago pa magsalita si Daven. Ilang segundo, hinintay niya na munang umalis ang waiter bago siya makapag-pasyang magsalita. I hope this jerk isn't idiot as what I am expecting right now.


"I'm listening. Go ahead and continue."


Sumipsip siya sa straw ng juice at gayundin ang aking ginawa bago ako magpatuloy sa aking pinupunto. "A wild and toxic relationship that will make us won in this situation, Daven. Huwag mong seryosohin, pero magmukha kang seryoso kung sila'y nariyan lang sa tabi-tabi. Just like what you said, the pretend word, right? Pretend to love, pretend to date, pretend that you're really serious about this, and above all... you should pretend that you really love me."


We need to show how hard we are to reach, Daven. Iyong susuko na lang sila dahil wala silang magagawa sa ating gagawing relasyon. Possibleng kailangan kong makipag-bati sa iyong pinsan na si Frenzon, ngunit hindi ibig-sabihin noon ay maayos na kaming dalawa. Kailangan ko lang kontrolin ang sarili ko na sabayan siya sa kaniyang mga ginagawa, kung papaano siya mang-trato, makipag-usap, at makipagtalik sa akin bilang kinikilala niyang fiance.


"Okay, then." Simpleng bukam-bibig niya at nalaglag ang panga ko dahil doon. 'Yun na 'yun? Wala na ba siyang ibang sasabihin o idadagdag sa plano?! Seriously, huh?


"So that was it? Don't you have anything to say? Edi bale ako lang din ang gumawa ng plano natin?" Kunot-noo kong tanong.


"I trust you, Risha. And when I say I trust you, ikaw na ang bahala sa lahat. I'm just... here to help you, to manifest that one day my cousin will starting to dislike you soon. Don't worry, may ambag ako."


Kinagat ko ang kuko ko't napailing sa kawalan habang siya naman ay palarong ngumingiti-ngiti sa aking harapan. Sabay kaming sumipsip sa aming juice habang nag-uusap. Makalipas ng ilang minuto ay nag-ring ang aking phone. I looked up the phone ID caller and it was Gairel, which is it was all written by 'Quiet Buddy'.


Mahina akong natawa ng maalala kung papaano maka-react si Daven noong panahon na 'yun. This jerk really thought it was a guy, huh?


"Hi there, Gairel!" Medyo pasigaw kong bati sa kaniya.


Malaki ang ngiti sa aking mukha ng sagutin ko ang kaniyang tawag. I heard how she didn't greet me back. As expected I already know about that, but still... we are expecting, na kaming mga kaibigan niya na sana... i-greet niya rin kami 'gaya ng aming mga ginagawa.


My Karma StipulationWhere stories live. Discover now