Chapter 9 - I Feel Heaven Pleasure

10 2 0
                                    

TRIGGER WARNING :: Sexual & Harassment


Buong gabi kami nag-kwentuhan ni Daven kahit na wala ako sa mood noong gabing iyon. Nagtatanong siya sa akin ng kung ano-ano at kahit na maiikli lang ang mga isinasagot ko sa kaniya ay pinapahaba niya pa rin.


Nakakairita, pero mabuti na lang ay napunta rin ang aming usapan sa plano. Hindi ko maiwasang yayain si Daven sa bar kapag uwian na namin. Nabanggit kasi kanina ni Daven na doon daw minsan tumatambay si Frenzon kung siya ay mayroong libreng oras. Kaya naisip ko na bakit hindi namin gawin iyong plano mamaya, 'di ba?


Sa ngayon, walang pag-aalinlangang pinasalamatan ko si Daven dahil syempre, pinatuloy niya ulit ako sa kaniyang condo mula sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko nagamit ang baong damit ko dahil nakapagpasya na akong gamitin iyon kapag kami ay pupunta na ng bar maya-maya.


"Papasok na ako," simpleng saad ko nang ako ay nagsimula ng maglakad upang pumasok. Hindi ko na hinintay 'yung sasabihin nila dahil late na ako ngayon. Iba-iba ang schedule namin at wala kahit isa sa amin ang magkakaroon ng same class ngayon. Today is Friday and tomorrow will be the weekend. Finally!


"Kainis ka, ah? Sinabing akin 'yang perang 'yan eh! Pinag-ipunan ko 'yan para sa gamot ni nanay tapos kukuhanin mo lang?" dinig kong sigaw ng isang babaeng istudyante.


"Oo nga! Sa kaibigan ko 'yang pera na 'yan! Pinaghirapan niyang pag-ipunan 'yang pera na 'yan para sa nanay niya!"


"Kasalanan na ng boba mong kaibigan 'yan! Kung saan-saan kasi niya iniiwan! Ayan tuloy! Well, akin na 'to!" Aabante na sana ang masungit na babaeng iyon upang pumasok na sa silid, pero hinablot ng babae 'yung braso niya. Ang dahilan kaya hinarap niya itong muli. Hinawi niya iyon at nagsimula siyang magmura. Hindi lang basta mura ang kanilang mga natanggap kundi ay kung ano-ano pang masasamang salita.


Tatlo silang babae roon na gumagawa ng eskandalo. Ang dalawa ay magkaibigan habang ang isa namang babaeng masungit ay nag-iisa. Saludo ang iba't ibang istudyante sa dalawang magkaibigan dahil mukhang mas alam nila ang katotohanan.


"Putangina! Isauli mo na 'yang pera sa kaibigan ko! Huwag kang makaasta na sa'yo talaga 'yan dahil ang totoo ay hindi naman talaga!" Ang kaibigan ng babae ay mukhang palaban sa masungit na babae. Mas doon ko napagtanto na sila nga siguro ang nagsasabi ng totoo. Kitang-kita ko ang ka-inosentehan ng isang babae sa tabi ng kaniyang kaibigan. Masasabi kong mahirap ang kaniyang buhay, pero may tanging ganda akong nakita kahit na hindi maayos ang kaniyang hitsura.


Sa tulong ng kaniyang mahabang manipis na buhok, kaputian at sa kaniyang matangos na ilong.


"Girl, nandiyan ka lang pala!" Luminga-linga siya matapos niya akong lapitan. Binalingan niya ako ng tingin at sinabing, "Kanina ka pa namin hinahanap! Dito ka lang pala nagsusuot-suot sa may away! Ano? Balak mo bang patulan o sugurin 'yan?"


Nakapagpasya akong gumitna sa away ng mga babae nang sabihin niya iyon. Thanks for the idea, Vic. Inirapan ko siya as a sign. "Girl, for real? Susugurin mo talaga?!" I glared at her despite of her overreacting face. Ngumuso na lamang siya at nag-peace sign sa akin. Umirap ako sa mga babaeng nagtatalo at nagsimulang pumagitna sa kanila.


"Shit, gago! Si Risha, mukhang mangingialam sa away!"


"Gagi! Kung ako sa kanila, tatakbo na kaagad ako!"


"Huwag nga kayong maingay diyan! Hindi bingi si Risha! May tainga siya para marinig kayo!"


Hindi ko na pinansin 'yung bulungan ng mga istudyante sa paligid ko. Sa totoo lang kahit hindi ko naman sila pansinin ay hindi ko pa rin iyon maiiwasan. Masyado kasi silang malakas kung magsalita at naririnig ko iyon kahit pa malayo ako sa kanila.


My Karma StipulationWhere stories live. Discover now