Simula❄

13.3K 323 50
                                    

Upang mapanatili ang magandang samahan sa pagitan ng dalawang angkan, ang angkan na tumataglay ng kapangyarihan at tubig at yelo ay kailangan nilang sundin ang napagkasunduan; ang magiging kabiyak ng Prinsipe ng Tubig ay magmumula sa kabilang angkan.

Ang babaeng mapapangasawa ng Prinsipe ay tatawaging Icy Princess.

❄❄❄

Ang Wisteria ay isang bayang nakapaloob sa kontinente ng Elementia. Ang kontinente ng Elementia ay nahahati sa apat na bayan; ang Fiore, Wisteria, Terrania at ang Aerra.

Ang bayan ng Wisteria ay tirahan ng mga taong may kapangyarihang kontrolin ang elemento ng tubig at kaakibat nito ang yelo. Nahahati sa dalawang angkan ang mga mamayan nito ayon sa kanilang tinataglay na kapangyarihan. Ngunit sa dalawang angkan, ang namumuno o ang Royal Blood ay mula sa angkan na tumataglay ng tubig.

Ang tawag sa angkan na tumataglay ng tubig na kapangyarihan ay Aqua, Aquarian naman ang tawag sa mga tao. Icy naman ang tawag sa angkan na tumataglay ng yelong kapangyarihan at Ician naman ang tawag sa mga tao.

Ang buong lugar ng Wisteria ay anyong tubig at nagyeyelong paligid ang makikita. May parte rin na mga gubat, talampas at bangin sa labas ng bayan. Ang mga kabahayan ay gawa sa yelo, maging ang mga kagamitan ay yari sa yelo. Ganun din ang palasyo na tinitirahan ng mga Royal Bloods, gawa ito sa yelo at nakapwesto mismo sa dagat. Ang tulay na yelo naman ang nagdudugtong nito sa sentro ng lugar.

Sa sentro naman ay matatagpuan ang malaking fountain na hugis water dragon na bumubuga ng tubig. Ang binabagsakan naman ng tubig ay may iba't ibang perlas at crystal kung kaya't napakaganda nitong pagmasdan. Sa hilaga nito ang Palasyo, sa kaliwa ang pamilihan, sa kanan ang kabahayan ng angkan ng Aqua at sa timog ang kabahayan ng angkan ng Ician.

Ang buong lugar ay organisado ngunit hindi pa rin maipapagkaila, tulad sa ibang lugar sa Elementia ay may mahihirap, sakto lang at maharlikang uri ng mga naninirahan. Hindi rin lingid sa lahat ang nangyayaring pagpapakitang gilas sa pagitan ng mga maharlikang pamilya ng Ician tuwing sa magkakaroon ng pagdiriwang sa Palasyo para mapasama sila sa pagpipilian ng mapapangasawa ng mga Prinsipe at Prinsesa pagdating ng oras.

Halos lahat ng dalagang kababaihan sa Ician ay ninanais na mapili bilang mapapangasawa ng unang prinsipe. Ngunit ang kaisipan daw na iyon para lamang sa mga maharlika at nakakaangat sa angkan dahil sa may kakayahan silang makapag-aral ng iba't ibang paraan ng paggamit ng kapangyarihan. At ang kaisipan na iyon ay hindi nababagay sa mga mababang uri lamang sa angkan tulad ng mga tagapagsilbi lamang.

Nakatatak na iyon sa isipan ng babaeng nagngangalang Yejin Namero. Lagi niyang naririnig ang kagustuhan ng kanyang mga kapatid tungkol sa unang prinsipe na kanilang hinahangaan at gustong mapangasawa.

Umiiling na laman sya rito ngunit sa isipan lang dahil hindi sya malapit sa mga ito dahil ampon lamang sya ng pamilyang Namero. Hindi lingid sa kaalaman niya ang katotohanang iyon at wala itong alam sa tunay niyang mga magulang. Lumaki syang naghanap ng kalinga ng totoong magulang pero kalaunan ay tinanggap na at hindi na nag-abalang hanapin pa.

Naging maayos ang kanyang pamumuhay sa pamilyang Namero. Kilala ang pamilya nila bilang tagapagsilbi sa palasyo kung kaya't ganun na lamang ang kanyang mga kapatid sa paghanga nito sa prinsipe ay dahil nasisilayan nila ito sa tuwing nag-aayos at naglilinis sila sa palasyo.

Hindi na siya sumasama at naiiwan na lamang sa tahanan nila upang doon na lamang gumawa ng mga gawaing bagay. Nang makahanap ng trabaho ay pumupunta sya sa pamilihan, sa isang pagawaan ng mga magagandang kasuotan para sa mga maharlika upang kumita at may maitabi syang salapi.

Icy PrincessWhere stories live. Discover now