Kabanata 9

4.1K 233 4
                                    

YEJIN

Ilang araw na rin mula nang maging kapalit ako ni Yessa at Yurika sa Palasyo at medyo nasasanay na rin ako sa mga gawain rito. May mga pagkakataon rin na hindi ko nakikita ang alin man sa mga Mahal na Prinsipe at Mahal na Prinsesa kahit na minsan ay nasasama ako sa paghatid ng kanilang pagkain. Hindi kasi ako ang direktang naglalagay sa mesa nila.

Isa rin sa kinagagaan ng loob ko ay hindi ko nakakasalubong ang Elitian sa tuwing maglilinis ako sa bulwagan ng Palasyo. Sa pagkakaalam ko ay abala sila sa kanilang klase at pagsasanay na nagaganap sa kabilang parte ng Palasyo.

Hindi pa ako nakakapunta sa parte kung saan ang kanilang silid-aralan at hindi ko na ninais pa. Maayos na ako na humupa ang pagiging agaw-pansin ko. Pero di pa rin mawawala ang mga tagapagsilbi na inggit sa akin. Sa totoo nga lang ay nadagdagan pa na ikinailing ko na lamang.

"Itaas mo pa ng bahagya, Yejin."

Tulad nang utos ni ate Ylenna ay itinaas ko ang hawak na dulo ng kurtina. Ngayon kasi ang pagpapalit ng mga kurtina sa bulwagan. Malaki at mahaba ang mga kurtina kaya medyo may kabigatan. Pinapawisan na rin ako dahil kanina pa kami nagsimula.

Halos napalitan na rin namin ang sa ilang mga bintana at ang iba ay gawa na nang ibang tagapagsilbi na katuwang namin sa gawain. Pagkatapos raw nito ay dadalhin namin sa parte na paglalabahan.

"Iurong mo pa. Ayan."

Dahan dahan naman akong bumaba sa hagdan at pinahiran ng braso ang noong basa ng pawis. Halata na rin sa kasuotan ko ang pagkabasa.

Pagkababa ko ay agad akong sinalubong ni ate Ylenna.

"Pagkatapos nating maglaba mamaya ay magpalit tayo." Tumango ako at sumunod sa kanya sa pangunguha ng mga maruruming kurtina.

Natigilan kami nang lumapit sa amin si Lady Vina.

"Ylenna, palitan mo ang kurtina sa silid ng Mahal na Hari at Mahal na Reyna. Ikaw, Yejin sa silid ng unang prinsipe."

"Masusunod po." Sabay na sambit namin ni Ate Yllena.

Nagkatinginan kami ni ate Yllena at sabay na pumunta sa parte na paglalabahan at agad na bumalik para umakyat sa silid na nakatoka sa amin dala ang pamalit na kurtina.

Habang tinatahak ko ang parte kung saan ang silid ng Mahal na Prinsipe ay hinugot ko ang isang panyo sa bulsa at ipinunas sa mukha, maging sa leeg. Hindi pa kami nakakapahinga at tuloy-tuloy ang gawain kaya't wala akong oras para mag-ayos ng maayos.

Alam kong wala ang Mahal na Prinsipe dahil sa nasa silid-aralan ito pero kumatok pa rin ako ng tatlong beses at pumasok.

Mabilis ang naging kilos ko sa pagpalit ng kurtina dahil na rin sa pagod at gusto nang magpahinga sandali. Pagkatapos kasi nito ay maglalaba pa kami at magsasampay.

Pagkarating ko sa labahan ay naroon na ang ibang tagapagsilbi pero wala pa si ate Ylenna. Sumama na lang ako at naglaba ng kinuha kong kurtina. Napagdesisyunang hintayin na lang siya habang naglalaba.

Nang dumating siya ay nagtulong kami sa paglaba ng mga kurtina at ang mga napunta sa amin ay agad ring binanlawan ng dalawang beses at isinampay. At nang matapos ay kumain kami at sandaling nagpahinga.

Hindi naman gaano puno ang mga gawain rito sa Palasyo sa mga oras na walang mga ganap pero kapag may mga pagdiriwang o kaya salo-salo, abala ang lahat sa pagsasaayos at paghahanda.

Sa ilang araw ko na rito, ang parte kung saan nagkaklase ang mga Maharlika ang hindi ko pa napupuntahan. Hindi ko na rin ninanais na mapunta roon dahil sa umiiwas ako sa magiging dulot ng pagiging agaw-pansin ko.

Icy PrincessWhere stories live. Discover now