Kabanata 3

4.5K 243 6
                                    

YEJIN

Mabilis kong inalis ang tingin sa Mahal na Prinsipe at yumuko kina Zainah. Huli man ang paggalang pero nararapat lang na gawin ko ito.

Pag-angat ko ng tingin ay akmang hahawakan ako sa braso ni Zainah pero tinawag siya dahil magbibigay ng talumpati ang kanyang magulang at maging sya bilang pasasalamat sa mga dumalo.

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Naupo na kami ni Lia na hindi ko alam ang dahilan pero tulala. Tinapik ko pa siya bago siya bumalik sa huwisyo.

"Ang gwapo nila sa malapitan!" Impit na tili niya. Napa-iling na lamang ako.

Nawala na rin ang kaba ko nung umalis sila at bumalik sa gitnang bahagi ng bulwagan. Naupo ang grupo sa pinakaunahang mesa at malapit sa gitna. Sinulyapan ko ang Mahal na Prinsipe. Naka-pokus lamang ito sa harap niya. Napunta ang tingin ko sa katabi niya. Parehas sila ng awra, tindig, at syempre gwapo!

Sa tingin ko yung katabi ng Mahal na Prinsipe ay pinsan niya. At siya yung tinutukoy ng isang babae kanina na bumili. Si Kaden.

Natigil ako sa pagpapalit-palit ng tingin sa dalawa nang pumunta sa harap ang ama ni Zainah.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Nais kong malaman nyo na labis na ikinagalak ng aking pamilya ang pagdalo nyo sa pagdiriwang ng ika-labing walong kaarawan ng aking nag-iisang anak na babae. Isa ring malaking bagay para sa amin ang pagdalo ng Mahal na Prinsipe. Sana ay maging maayos at masiyahan kayo sa gabing ito." Itinaas nito ang kopita at umusbong naman ang masigabong palakpak mula sa amin.

Nang ibinigay kay Zainah ang pagkakataon na magsalita ay ngumiti ito sa amin.

"Magandang gabi! Ako ay nasisiyahan sa okasyong ito. Nagpapasalamat sa presensya, pagbati at regalo ninyo. Tulad ng sabi ni ama ay magsaya tayo!" Yumuko ito at tumabi sa kanyang ina.

Nagsimula ring maghain ang mga tagapagsilbi ng pagkain sa bawat mesa. Nang maihanda na sa mesa namin ay kumain na kami ni Lia. Lumakas at nag-iba rin ang himig ng tugtog, naging buhay at mabilis ang tiyempo.

"Pakiramdam ko kapag pumunta sila ulit dito ay hihimatayin na ako."

Natawa ako at mahinang hinampas si Lia. Sa palagay ko ay ako rin. Pero sana talaga huwag na, napapansin ko kasing gusto ni Zainah ang presensya ko at hindi rin nakakatulong na ang isa niyang kapatid ay Elitian at malapit sya sa grupo.

"Pagkatapos ng hapunang ito ay may sayawan. Maari kayong humanap ng makakapareha nyo sa sayaw."

Napalunok kami pareho ni Lia at napatingin kay Lady Lorraine na nakangiti.

"Wala naman sigurong makikipagsayaw sa amin, Lady Lorraine." Sumangayon ako sa sinabi ni Lia.

"Hindi nyo napapansin pero kanina nyo pa nakuha ang atensyon ng ibang mga binata na narito haha. Baka mamaya ay lapitan na kayo at ayain." Tumawa pa ito.

"Kahit si Lia na lang po Lady Lorraine ang sumayaw." Sabi ko.

"Hindi! Kasama ka. Sasayaw tayong dalawa. Tayo na lang kaya ang magkapareha noh!" Tumawa ako at uminom ng tubig.

"Sige haha."

"Alam mo, Yejin. Hindi ka palangiti pero kapag tumawa ka ay sumisingkit lalo ang mga mata mo at lalo kang gumaganda."

Icy PrincessOnde histórias criam vida. Descubra agora