Kabanata 14

4.1K 228 14
                                    

YEJIN

"Ano, Zanlex, ikaw muna bago kami maglaban ni Kaden?"

Nakasimangot itong tumingin sa akin habang sapo-sapo ang noo.

"Bagay nga sayo, Kuya. Akala mo ah!"

Sinamaan niya ng tingin si Zainah at tumago naman ito sa likod ko. Sa likod naman ni Zanlex ay si Kaden na papunta sa amin ni Zainah.

"Magsimula na tayo." Ani nito at nilampasan kami. Pumunta sa may damuhan at ilang hakbang ay tumigil rin at naghintay na sumunod ako. Inalis ko naman ang snowflakes sa daliri ko.

Pumunta naman ako sa harap ni Kaden at seryoso siyang tiningnan. Ilang pulgada ang pagitan namin at ramdam ko ang inilalabas niyang kapangyarihan dahil sa nag-iba ang lamig na dala ng hangin.

Hindi pweding maliitin ang lalaking ito dahil sa nauna sa akin siyang naging bihasa sa paggamit ng kapangyarihan.

Mula sa kanan niyang kamay ay lumabas ang kanyang yelong espada. Ako man ay nagpalabas rin ng snowflakes. Mabilis ang pagsugod niya sa akin na sinabayan ko kaya nagdulot ng kalansing ang pagtama ng aming espada.

Napatingin siya rito at napansin na para rin itong kasing talas ng espada. Napangisi siya at iniba ng direksyon ang espada at muling sumugod. Sinasalag ko naman ito ng snowflakes ko.

"Nag-iibang uri ang snowflakes mo, Yejin. Kanina isa itong lagusan, ngayon ay naging sandata. Ang astig!"

Patuloy lamang ang pagsangga ko sa bawat tama ng espada at nabigla ako nang naging yelo ang snowflakes ko kaya napaatras ako. Pinawala ko ito at seryosong binalingan ang espada niyang umuusok sa lamig.

Nagpalabas ako ng maraming snowflakes at agad na pinapunta sa kanyang pwesto. Nasalag naman ito ng ginawa niyang yelong harang ngunit bumabalik at inaatake siya. Habang abala siya sa ginagawa ay nagpalabas ako ng malaking snowflakes at inihagis patungo sa pwesto niya.

Tatama pa lang ito ay naging yelo ang katawan niya tulad nang ginawa niya sa laban niya kanina. Naramdaman ko rin ang presensya niya sa likod ko at mas lalong lumakas ang awra niya. Palagay ko ay naka-battle armor siya.

Bago pa lumapat ang espada niya sa akin ay nakalipat na ako sa likod ng yelong katawan niya kanina. Pinalabas ko rin ang aking battle armor at tinira ng kapangyarihan ang yelong nagtatakip sa akin at sumabog ito.

Nang mawala ang usok ay nakatayo na ako sa harap niya. Ilang dipa ang layo. Narinig ko pa ang pagsinghap ni Zainah.

Bago pa siya makakilos ay nagpalabas na ako ng snowflakes at tinira sa kanya. Sunod sunod ito at ang matatamaan nito ay nagdudulot ng pagsabog.

Ang pag-iwas niya ay sinasabayan ko kaya't nahihirapan siyang magkaroon ng tiyansa sa pag-atake sa akin. Nawala ang espadang hawak niya at bigla na lamang isang bolang kapangyarihan ay lumipad patungo sa akin. Ang mga snowflakes ko naman ay naglaho nang tamaan ito.

Gamit ang snowflakes ay nakaiwas ako sa tirang iyon. Napatingin ako sa kanya at isang bolang kapangyarihan na naman ang patungo sa akin kaya nagpalabas ako ng snowflakes at mula dito ay may lumabas rin na bolang kapangyarihan at sinalubong ang kanya.

Sumabog naman ito at nang mawala ang usok ay tuloy tuloy ang palabas niya at agad ko naman itong sinasalubong ng kapangyarihan ko. Palapit siya sa akin at siya rin naman ginawa ko. Isang mabilisang kilos ay parehong nakalabas ang sandata namin at nakatutok sa leeg ng isa't isa.

Icy PrincessWhere stories live. Discover now