Kabanata 20

4K 220 4
                                    

❄YEJIN❄

"Isa na."

Makalipas ang dalawang minuto ay may tumabi sa kaliwa ko. Nabigla ako nang makita si Zainah at mga kasama niya na nakaposisyon habang masama ang tingin sa mga nasa harap namin.

Napalingon ako sa kanan ko nang makita rin ang kaninag grupo na tinulungan ko. Tulad nila Zainah ay nakaposisyon rin ito. Naalis ang tingin ko sa kanila at napunta kina Saphira na mas sumama ang tingin sa amin.

Napangisi ako sa naging ayos. Ang kumampi sa akin ay mga taga-Aquarian at ang kalaban namin ay ang katulad kong Ician.

"Akala nyo ba kahit magsama kayo, matatalo nyo kami?" Natatawang ani ni Khiela.

"Sa akin ang grupo ni Khiela. Walang gagalaw sa kanila. Ako lang. Unahin ang mga hindi sakop ng grupo niya." Pahayag ko sa mga nasa magkabilang grupo ko.

"Sige." Sambit nila Zainah. Napatango naman ako.

Nauna akong sumugod at nilampasan lang sina Khiela. Ang mga hindi kasama sa grupo nila ay inuna namin pinabagsak. Ganun din ang ginawa nila Zainah kahit inaatake sila ay iniiwasan lang nila. May naalis sa grupo ni Zainah at sa kasama na grupo. Pero hangga't kaya ko ay tinutulungan ko ito sa pagpapabagsak.

Nang matapos kami ay nilingon namin ang nanggagalaiti na grupo nina Khiela. Napagpag ako ng kamay at lumakad palapit sa kanila. Napansin ko naman ang pag-gilid nila Zainah.

Napatingin ako sa oras at nakitang labing limang minuto na ang nakakalipas.

"Siguro naman nakarating sa iyo na nasaktan ang mga kapatid mo dahil sa iyo." Ngumisi sila Saphira sa sinabi ni Khiela.

"Oo at hindi ko akalain na ganun kayo kahina para gumanti sa iba at hindi sa akin."

Nagbago ang ekspresyon nila at naging galit na. Seryoso ko silang tiningnan at isang minuto ang nakalipas ay sumugod na ako. Sabay nila akong sinugod at nang makita ang kamay ni Khiela na ang pakay ay ang buhok ko ay agad ko itong hinawakan sa braso at hinila pabba saka tinulak siya sa isa niyang kasama.

Napayuko ako nang sumugod ng suntok si Saphira. At pinatid siya pero nasalo siya ng isa nilang kasama. Sabay silang natumba pero agad na tumayo.

Napatingin ako sa oras. Kailangan tapusin ko agad ito para hindi sila matira kasama namin.

Mabilis akong kumilos at lumapit sa kanila at binigyan ng malalakas na sipa sa likod at tiyan ang dalawa nilang kasama. Isang malakas na tulak naman sa isa habang sinangga ng kanang paa ko ang kamay ni Saphira. Bago pa makahawak si Khiela sa buhok ko ay nahuli ko ang kamay niya at hinuli sa kamay din si Saphira at pinagbangga sila saka pinatama ang braso sa likod ni Khiela kaya sabay silang natumba ni Saphira. Ang lakas rin ng daing nila sa ginawa ko.

Umayos ako ng tayo at nilagay sa likod ang kamay ko habang pinanood silang dalawa na natira at pinipilit na bumangon habang dumadaing. Muli silang natumba at kasabay nun ay nawala sila sa loob ng harang. Napunta ang tingin ko sa labas ng harang kung saan sila dinala.

Tumayo ito at masama ang tingin sa akin pero tinumbasan ko lang ito ng seryosong tingin.

Habang ganun ako ay naramadamn ko ang dalawang presensya na susugod sa akin. Magkabilang paa mula kay Zainah at Hestia. Bago pa tumama sa akin ay sabay kong nasalo ang mga ito. Sa higpit ng pagkakahawak ko ay hindi nila mahila. Napansin ko ang pagkagulat ng mga kasama nila sa ginawa nilang atake.

Malakas kong ibinaba ang mga paa nila at nang makabawi sila ay ang kabilang paa naman ang inataki nila sa akin at sinagga ko lang ito ng braso ko. Kabilaan ang ginawa nila at nang mahuli ko ulit ay inambahan ko silang dalawa ng suntok sa tiyan kaya napaatras sila pareho.

Icy PrincessWhere stories live. Discover now