Kabanata 6

4.2K 238 3
                                    

YEJIN

"Ylenna, pinapatawag ka sa kusina. Sumama ka raw sa pagdala ng umagahan ng Mahal na Hari at Mahal na Reyna."

Agad na sumunod si Ate Ylenna sa sinabi nang isang tagapagsilbi rin at isinama niya ako. Pagdating sa kusina ay naroon sina ina at ang babeng katulad kay Lady Vina ang suot.

"Siya si Lady Rema. Ang punong tagapagluto ng Palasyo." Tumango ako.

"Ylenna, halika na. Ang pagkain ng uanng Prinsipe ay ihahatid rin sa kanyang silid. Ikaw, Kayla ang itatalaga ko roon at magsama ka ng isang tagapagsilbi bilang alalay."

"Ang ibang tagapagsilbi ay maghahatid sa ikalawang prinsipe at sa prinsesa."

"Masusunod po, Lady Rema."

Nang makaalis sina ate Ylenna ay tumingim sa aming natirang tagapagsilbi ang inatasan kaninang si Kayla. Masungit ito tumingin na tulad ng dalawang Lady.

Nang magawi ang tingin niya sa akin ay itinuro niya ako.

"Ikaw ang sasama sa akin." Aniya na nagpagulat sa akin. Pero agad akong kumilos at sumagot.

"Opo."

Lumapit ako sa kanya at dinala ang naiwan niyang kasama sa dadalhin para sa Mahal na Prinsipe.

Mahal na Prinsipe? Ito na nga bang sinasabi ko. Triple na ang kaba ko ngayon sa kaalamang doon kami patungo.

Tahimik at may ingat kong bitbit ang babasaging baso at ang isang pitsel ng tubig na nakalagay sa isang lalagyanan na syang binubuhat ko. Pagkarating namin sa malaking bulwagan ay umakyat kami sa magarang hagdan. Triple ang pag-iingat ko at nang makarating sa ikalawang palapag ay isang pasilyo ang dinaanan namin at saka huminto sa isang malaking pinto.

Kumatok si Kayla ng tatlong beses at binuksan ang pinto. Hindi ko maiwasang humanga nang bumungad sa amin ang eleganteng silid ng Mahal na Prinsipe. Napakalawak nito at napakaganda.

"Mahal na Prinsipe, ang inyong umagahan ay narito na po." Ani ni Kayla sa malakas na boses at inayos ang dala namin sa isang mesa. Pinagmasdan ko siya habang abala siya sa paglagay ng mga kagamitan gpangkain sa tamang pwesto nito.

Nagpapasalamat naman ako na nasa kanyang paliguan ang Mahal na Prinsipe kung hindi ay makikita niya ako.

Nang matapos ay agad kaming naghanda na sa pag-alis. Palabas na kami ng pinto nang bumukas ang isang pinto at iniluwa roon ang  Mahal na Prinsipe na nakabihis ng magarang kasuotan. Nagsalubong pa ang tingin namin kaya agad akong yumuko. Kinakabahan ng sobra.

"Aalis na po kami, Mahal na Prinsipe."

Isinara na ni Kayla ang pinto at hindi pa rin nagbabago ang kabog ng dibdib ko. Sana sa saglit na pagsalubong ng tinging iyon ay hindi niya ako makilala.

"Bukas ay ikaw ulit ang isasama ko. Maliwanag ba?" Nilingon ako ni Kayla at agad naman akong tumango.

"Huwag kang kabahan sa harap ng Mahal na Prinsipe dahil mas lalo kang nakakaramdam ng kaba mas mataas ang tiyansa na magkamali ka sa ginagawa mo."

Icy PrincessWhere stories live. Discover now