Thank You!

3.5K 116 4
                                    

I know nabasa nyo na ito sa ganitong part ng Scarlet Princess o sa iba ko pang kwento. Gusto ko talaga ang magthank you sa mga sumusuporta at nagbabasa ng mga ginawa ko. Sa mga naghihintay ng update, thank youu talaga.

Facts about IP:

- Tulad ng sabi ko, series ito at second installment ang kwentong ito. About sa dalawa pang kwento ay hindi ko alam kung kailan ko mauumpisahan iyon. Wala pa akong maisip na plot at may on-going pa akong dapat tapusin rin ngunit inuna ko ito sa kadahilanang tuloy-tuloy ang flow ng story sa utak ko kaya't sinulat ko agad para hindi mawala.

- Wala po itong book 2. Hindi ako gumagawa ng book 2 kahit saang story ko.

- Two male leads. Ang totoo ay nagdadalawang isip talaga ako tungkol sa set-up na meron silang tatlo. Isa lang ang makakatuluyan ni Yejin sa kanilang dalawa pero naisip ko, kahit ako ay hindi alam kung sino sa dalawa ang pipiliin para kay Yejin kaya ginawa kong set-up nila na tatlo sila sa isang relasyon kung saan agree naman sila. Isa pa ay fiction ito, walang katotohanan kahit na nag-eexist ang ganyang practice sa totong mundo. Ang kwento ay purong fiction.

- I'm a fan of Hwang Yeji. Love na love ko ang eyes niya. Ang ganda niya. Kaya nung naghahanap ako ng pweding maging mukha ng bidang babae na maiimagine ko habang sinusulat ang kwento ay si Yeji ang pumasok sa isip ko.

- Saka ako gagawa ng special chapter ng series na ito kapag natapos na yung dalawa pa. Isang special chapter lang kasi kung saan lahat ng mga bida ay magkakasama-sama sa isang sitwasyon.

*

Kung may tanong kayo ay magcomment lamang kayo. Susubukan kong sagutin ang mga iyon.

Maraming salamat po ulit!♡

-btgkoorin-

Icy PrincessWhere stories live. Discover now