Kabanata 29

3.4K 169 10
                                    

Huling kabanata para sa point of view ni Yejin sa storyang ito. Ang susunod at huling kabanata ay purong point of view ni Prinsipe Terrence. Maraming salamat po!

YEJIN 'NAMERO' FROST

"Y-yejin?"

Ngumiti ako at hindi maiwasang hindi maluha nang dambahin ako ng yakap ni Lia. Nabitawan ko ang dalawang anak at yumakap pabalik kay Lia.

"Akala ko, wala ka na talaga. Alam ko ang nangyari sa iyo. Simula nang malaman ko na rito na nakatira sina tita ay palagi akong narito para umasa na isang araw ay bumalik ka. Namiss kita! Akala ko hindi na tayo magkikita. Bigla ka na lang nawala na parang bula. Saan ka ba nagpunta? Bakit hindi ka nagsabi? Kung hindi pa ako nangulit kay Tita hindi ko pa malalaman na ganun ang nangyari." Umiiyak siya kaya nararamdaman ko ang basa sa likod ko. Tinapik ko ang likod niya. Naging emosyonal rin.

"Namiss din kita, Lia." Sambit ko. Humiwalay siya ng yakap at pinagmasdan ako.

"Bakit ang ganda mo pa rin, mali mas lalo kang gumanda!" Natawa naman ako maging siya. Mukha tuloy siyang baliw na umiiyak habang tumatawa.

"Yejin! B-buhay ka." Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Zanlex habang may kargang batang babae. Palagay ko ay tatlong taon ito. Bumalik ang tingin ko kay Lia.

"Anak naming dalawa." Naluluha nitong pag-amin sa akin. Hindi ko naman mapigilang hindi ngumiti at bumaling kay Zanlex na gulat pa rin sa pagkakita sa akin. Hindi pa rin makapaniwala na nasa harap nila ako.

"Yejin, anak." Nilingon ko si ina na lumuluhang lumapit sa akin. Sa likod niya sina ama, Yessa at Yurika na umiiyak rin. Ngumiti ako sa kanila. Niyakap ako ni ina.

"Salamat at buhay ka."

"Pinilit ko ina. Para sa mga anak ko. Para sa apo mo." Humiwalay siya ng yakap at nabaling sa dalawang bata na nasa magkabilang gilid ko at nakahawak sa damit ko.

"Yejin, sila na ba?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Lia na ikinatango ako at yumuko upang pumantay sa dalawa.

Inalis ko ang balabal nilang dalawa at mababakasan ang seryoso nitong tingin sa akin pero alam kong nadadala sila sa emsoyon na meron sa salang ito. Pinunasan ni Tyzen ang luha sa pisnge ko at ganun rin si Kashyl. Ngumiti ako sa kanila.

Tumayo ako at binalingan si ina na umiiyak pa rin. Nilagay ko sa harap ko ang dalawang anak.

"Ina, si Tyzen at Kashyl. Kambal na anak namin nila Terrence at Kaden."

Niyakap silang dalawa ni ina, sumunod si ama. Nagumiti rin ako nang yakapin din sila ni Yessa at Yurika. Nararamdaman ko ang pagbabago sa kanila.

Hindi rin nakitalo si Lia at niyakap ang dalawa. Hinalikan niya ito sa mga pisnge at natawa kami nang umangat ang kilay ng dalawang bata sa ginawa niya.

"Yejin, mana sa inyong tatlo ang ugali ng dalawa huhuhu. Kamukhang-kamukha talaga. Yejin, nung magkasama tayo hindi halatang patay na patay ka sa magpinsan pero ngayon may patunay na."

"Patay na patay na siya sa dalawa bago pa maging sila hahaha." Sambit ni Zanlex.

Namula ako sa hiya nang magtawanan sila.

"Ikaw rin naman, Lia. Kay Zanlex nagmana halos ng katangian ng anak nyo." Ganti ko. Kahit babae ang anak nila ay hawig na hawig ni Zanlex. Tumaas ang kilay ko sa kanya nang may naalala.

"Alam kong pabor naman sayo kasi diba sabi mo gusto mo ng magandang la---"

Mabilis siyang tumayo at tinakpan ang bibig ko. Namumula na siya na ikinatawa ko. Nakakunot ang noo ni Zanlex na pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.

Icy PrincessOnde as histórias ganham vida. Descobre agora