Kabanata 27

3.2K 160 6
                                    

❄YEJIN❄

"Nakita na rin kita. Ang tanging natitira sa pamilyang Frost, Yejin Frost."

"Anong kailangan nyo sa amin?" Malamig at seryoso kong tanong. Gumalaw ang pisngi niya na palagay ko ay ngumisi siya.

"Sa iyo lang. Damay lang sila." Pahayag niya. Hindi ko alam pero sa halip na patuloy na magseryoso at kabahan dahil nasa sitwasyon ang tinuturing kong pamilya na nanganganib ang buhay nila ay nagawa kong ngumisi sa kaniya.

"Bakit hindi ako dineretso nyo puntahan? Hindi nyo ba ako kaya kung kaya't gagamitin nyo ang malapit sa akin?" Mapanuyang sambit ko. Naramdaman kong may tumutok sa akin na espada pero hindi pa rin naalis ang ngisi ko. Tumalim naman ang tingin niya sa akin at napansin kong humigpit ang hawak niya sa delosperma.

"Kahit ano pang pagsanib pwersa nyo ng Mahal na Reyna, hindi pa rin nun matatakpan ang katotohanan na kinalaingan nyo pang magsama-sama para lang matalo ang pamilya ko." Napansin ko ang pag-nganga nila Ina sa sinabi ko. Alam kong nagtataka sila kung paano ko nalaman kahit na hindi nila sinabi sa akin.

"Ang silbi ng lakas mo kung mamatay naman ang pamilyang ito?" Masama ko siyang tiningnan. Hindi ako makapalag dahil siguradong mapapahamak talaga sila ina kapag lumaban ako. Kahit subukan kong gamitin ang snowflakes ko hindi magiging madali na ilipat sila dahil sa malapit lang din sila madadala.

Mas naalarma ako nang may naririnig na yapak sa bubong ng bahay. Marami sila. Ayos lang sana kung ako lang pero may damay. Ayaw kong magpadalos-dalos. Mahalaga sa akin ang pamilyang ito. At iyon ang puntirya nila, gamitin ang malapit sa akin para mapasunod ako sa gusto nila.

"Isang maling kilos lang, Yejin Frost. Mababawian ng buhay silang lahat sa harap mo." Banta nito. Narinig ko ang pag-angal ng dalawa. Napatingin ako kay Ate Ylenna. Umiiyak ito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa sitwasyon namin at galit dahil sa ginagawa nilang panggigipit sa akin.

"Gawin nyo kung anong gusto nyong gawin sa akin pero huwag nyo silang gagalawin. Wala akong pakialam kung patayin nyo ako pero kapag hindi kayo sumunod..."

Ngumisi siya sa akin. Pero nawala ito nang dugtungan ko.

"Uubusin ko ang pamilya nyo gamit ang kapangyarihan ng pamilyang Frost at uunahin kita." Malamig at seryosong banta ko. Hindi na nakawala sa akin ang takot na dumaan sa mga mata niya at pagnginig ng mga kamay niya ng saglit.

"Itali siya. Dalhin silang lahat sa gubat na pinag-usapan." Tumalim ang tingin ko sa kanya pero bago pa ako makaangal ay itinutok niya ang hawak na delosperma sa leeg ni ina. 

Ginagawa niyang pang depensa sila ina para hindi ako makakilos. Ang tanging magagawa ko ngayon ay sumunod sa kanila. Sa lahat ng nararamdaman ko wala akong makapang takot para sa sarili. Ang takot na meron sa akin ay para sa pamilyang damay dahil sa gusto nilang tuluyang mabura ang pamilyang  banta sa kanila.

Walang nakapagsabi sa akin kaya kuryuso ako kung paanong naitago ako ng mga magulang ko sa kanila at nalaman nilang nandito ako sa pamilyang Namero.

Habang dinadala kami sa gubat ay sari-sari ang aking naiisip. May palagay ako na gagawin talaga nila ang lahat para mawala ako. Kapag nangyari iyon... Biglang sumagi sa isip ko ang dalawa. Ang masayang nangyari sa amin kanina lang. Ang pinaghandaan nilang magiging silid ng mga anak namin. Kung mawawala ako, ayaw kong isipin na magiging silid iyon ng magiging anak nila sa iba. Umiinit ang ulo ako.

Tumalim ang tingin ko sa kanya. Nasa unahan namin siya habang naglalakad. Ako lang ang nakatali at mahigpit iyon. Ang taling  ginamit ay hindi rin ordinaryo at naamoy ko rin ang bulaklak ng delosperma mula rito.

Icy PrincessWhere stories live. Discover now