Chapter 2

3.5K 86 5
                                    

Chapter 2




“Bokrang? Ang pangit naman ng pangalan mo” prankang sagot ni Joy habang naglilinis kami ng kwarto ng amo kung tunay

“Huwag ka namang ganyan sister… Kahit smelly ang name ko odorless parin iyan” Huh?

“Hahahah… Ang pangit pa rin” OO na! Ang pangit na ng pangalan ko…respect naman diyan…kasi kahit ako? Nawawalan na ako ng respeto sa pangalan ko Waaaaaa… It’s so pangit talaga T_T

“Alangan namang I will hardwork in transporming my name into a brandnew name diba? Hindi ako rich…I’m so poorer to that dog in the picture paste on the high wall”

“Palitan natin ang name mo ”

“Huh? How to transporm my name?”

“Tatawagin nalang kitang Rang” ngumiti siya saken “Diba Bongga! What can you say?”

“I cannot say! Ahahhahaha….” Okay din itong si Kumareng Joy…napakatsikadora…BFF na kami agad.

“E buti pa ang Name mo Bongga…  Joy…. Its sounds Happy! Hahahhaa…”

“Tama ka Rang…Pangmayaman yata ang name ko... Kasi in the future magiging isa na akung Vergara… Joy Alexander Vergara….Oh diba bongga!”

“Crush mo iyun?” Wey, ako din eh
“Oo naman! Kahit masungit si Senyorito Alexander Vergara mahal ko parin siya, Siya na… Siya na ang pinapangarap kung maging katuwang sa aking buhay…. Oh my Xander…. wait for me”

“OA naman ito! Hindi nga yata iyun namamansin… Cannot u see he do not see us…he always ignore us”

“Ganyan lang talaga iyan si Xander”

“Close?”

“Aheheheh…. Ito naman oh! Hayaan mo na ako… ganyan talaga ang naiinlove”

“Ewan ko sayo Joy… Ang mabuti pa we cleaning nalang his room… its’s so messy like a garbage can”

“Exag ka naman…”Lumipat na ako sa isang side ng Room…malapit sa may table ni Alexander… Baka kasi may mga documents na nahulog? At kailangan ko ring mag-ingat dahil may mga camera dito. Naman ha! Adik ba sila sa mga Camera at kahit saan may mga camera na nakasunod, May camera kaya ang banyo ni Alexander OMG!!! Rated PG na iyan Olayannie!! Huwag kang mag-isip ng ganyan! It’s Bad u know!

“Rang tingnan mo”

“Bakit?”

O_o

“Picture ni Xander” kinikilig na pinaghahalikan ang picture

“Para picture lang eh” hinaklit ko “Patingin nga”   WOW!! Ang gwapo niya talaga!! Ba’t kasi Terorista ka pa eh! Edi sana naging akin ka nalang… Magiging Turista ka pa…Oh Diba! Magkatunog lang? ehhehehe

“Akin na nga iyan….ako nakakuha nito eh”

“O sayo na iyan…ilagay mo sa unan mo at ng magkagusto siya sayo”

“Talaga? Effective ba iyun?"

“Hindi”

“Naman oh!”

“E----- hey sir”

“Anong ginagawa nyo sa Kwarto ko?”
Umayos ng tayo si Joy.

“Naglilinis po kasi kami Senyorito Xander”

“Ahhhh….lumabas na muna kayo magbibihis ako”

“Ay senyorito okay lang po….I wud never see u….I will block my eyesight” tinakpan ko na ang mata ko.. Oh ha! Hindi ko na siya nakikita….pwedeng sumilip?

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now