Chapter 17

1.1K 37 0
                                    

Chapter 17








“Teka nga muna bakit naka bisikleta lang tayo? Saan iyung….iyung mamahalin mong kotse?!”

“Iniwan ko”

“Huh?! Bakit mo iniwan?”

“E sa pakialam mo ba?” sumakay na ito sa bisikleta “Trip kung makipag-eco friendly ngayon eh, so wala kang magagawa”

“Ay talaga? Maka-kalikasan ka?”

“Yup, so ano sasakay ka o maglalakad ka?”

“Tsk! Sige na nga!”

“Ang dami mo pang sat-sat sasakay din naman pala”

“E sa gusto kong ipahayag ang nararamdaman ko eh” umangkas na rin ako sa likod ni Xander. Naalala ko tuloy ang mga ganitong eksena sa isang telenovela. Kinilig naman ako..Haiizz.. “Sige na alis na tayo”

“Demanding ka?”

“Medyo ehehee”

  Hindi din naman pala boring ang sumakay sa isang bisikleta marami din naman pala kaming kasabay na naka sakay din sa bisikleta. Mas boring siguro kung nakasasakyan kasi di mo makikita ng maganda ang Korea. Spring season nga siguro ngayon kasi kahit saan ka tumingin may mga cherry blossoms sa daan. Kahit left and right sa sidewalk meron non. Mawiwindang ka sa rami nun. Ang maganda lang ay iyung parang umuulan ng pink na petals,.

Bakit kaya walang ganitong Puno sa Pilipinas? May puno nga patay naman lahat..Kaloka! Ang hirap mag imagine na umuulan ng patay na dahon..Hindi romantic iyun, buti sana kung kasing kulay ng autumn leaves sa Japan o sa Korea kaso iyung sa Pilipinas parang TAE lang hihihiihi. Sisihin ang global warming!

“Wonda-pul!” sabi ko nalang habang fine-feel ko iyung hangin effect sa buhok ko. Ang ganda ko!

“Anong Wonda-pul?” ginaya pa talaga ako ni Xander

“Iyun iyung accent ng nga Korea kapag nagsasalita sila ng Englis”

“Saan mo na naman iyan narinig ha?”

“Sa Tv…alam mo marami ka talagang makukuhang values sa panonood lamang ng Tv.”

“E bakit wala paring matinong laman iyang utak mo?”

“Hoi ano ka? Meron kaya…kita mo namang nag-improb na ang aking English”

“Yeah right”

“But anyways among tunay hindi naman tungkol sa all about myselp ang talking natin its about Koreans”
“Koream hindi Koreans..iyan ba ang taong may natutunan? Magpatawa ka nalang baka matawa pa ako”

“Ayoko nga! Hindi ako si Joker na kalaban ni Batman na mukha namang Penguin kaysa clown payat nga lang…si Mr. Penguin naman mukhang air balloon kaysa penguin hindi nga lang makalipad dahil over weight na. Hay naku! Der snoopid!”

“Ano na namang snoopid?”

“Duh! Adik…snoopid! Walang kwenta ba. Ikaw ha nahahalata kung di ka talaga marunong mag-englis eh”

“Engot! Baka stupid! Anong snoopid?”

“E ano…magkatunong lang naman ah. Kitamz…naintindihan mo nga”

“Ewan ko sayo…huwag kang malikot”

“Alam mo Among Tunay napansin kong marunong akung magkorean”

“Bakit naman?”

“E may narinig ako kanina nagsasalita ng alien words…sinabi niya arraso”

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now