Chapter 32

943 26 0
                                    


Shit! Bakit naaapektuhan parin ako sa nangyari kagabi?! Damn! What the hell is happening to you Xander?

"Sir" pumasok bigla si Jake "Ito na po ang resulta ng pinaiimbestigahan nyo" inilapag nito ang folder sa mesa

"Bakit ngayon lang iyan?!" tumaas iyung boses ko "I don't need that one...itapon mo na iyan" nahilot ko ang sentido ko.

"After the wedding incident, weeks later Oliviano Hernandez died...ilang buwan na pala itong nasa Coma...kasabay nun ang unti-unting pagbagsak ng negosyo ng mga Hernandez. Hindi naglaon ay napilitan ding ipagbili ang kompanya nito dahil itinakbo ng Vice President nito ang pera ng kompanya...nabaon din sila sa maraming utang kaya nakuha lahat ng mga Assets ng mga Hernandez"

"What the hell Jake? Why are you saying all these things?"

"Walang tumanggap kay Olainne Sabina dahil sa balitang sangkot ito sa pagpapabagsak sa inyo kaya napilitan itong mangibang bansa at si Olayannie Louise naman ay sumama sa yaya nito noon. Ang nanay nito na nakatira sa Cebu kasama ang nag-iisang anak nito na si Long²--"

"Stop it Jake! Hindi ko na iyan kailangan!" Damn it!

"Kailangan mong malaman ang lahat Xander!" ibinagsak nito ang dalawang kamay nito.

"What the hell!"

"Kailangan mong makinig saken Xander dahil importante ang bawat sasabihin ko sayo" mariin nitong sabi saken "You see Xander...5 years ago nakita kong pumunta si Olayannie sa opisina at alam ko kung kanino galing ang envelope na pinunit mo"

"Naiinis na ako sayo Xander..."

"And so?"

Binuksan nito ang folder at may kinuhang larawan... Nanlaki ang mga mata ko...That boy... It was the same boy I met in the bus stop. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Larawan iyon ni Olayannie kasama ng isang batang may abong mata.

"Shocking isnt it? Is that the boy you're talking about Boss?"

Napatayo lang ako "K-Kaanu-ano ni Olayannie ang batang ito?"

May kinuha itong maliit na larawan sa wallet nito at inilapag iyun sa mesa "I saw this picture when I threw the envelope...it slipped I guess?" picture ito na kuha sa pamamagitan ng ultrasound medyo luma na rin ito "Hindi ko alam na naitago ko pala itong larawang ito sa wallet ko..." binaliktad nito ang larawan at nakita kong may pangalang nakasulat doon

"Alexander Miguel"

"Yup... Alexander Miguel...di ko naman iyan pinansin kaya itinago ko nalang"

"Bakit di mo sanabi saken agad ito?"

So all along may anak pala kami ni Olayannie at binalak niya din palang sabihin saken...at dahil sa hindi naman saken sinabi saken ang natuklasan ni Jake...hindi ko nalaman!!

"So it figures---"

Napatayo ako "Bakit di mo agad sinasabi saken ang nakita mo Jake? After 5 years?!"

"Aba Malay ko?! Paano kong kapangalan mo lang iyun dah!"

"Kahit na!"

"Boss malinaw pa sa isip ko ang sinabi mo saken na itapon ko na iyun. Bilang isang empelyadong over reliable ay sinunod ko kayo. Kaya huwag nyo saken ang isisi ang pagkamapride at kadramahan mo Okay"

"Rarason ka talaga?"

"Alangan...E-may e-rarason naman po Boss...hayaan nyo na"

"Alam mo---" masasakal ko talaga ang isang ito! Damn!

"I know...matalino ako ahahhaa...Sige na Boss, maghanda ka na sa explanasyon mong gagawin"

"Huh?" kumunot iyung noo ko

"You're son is not in good condition, Boss" seryosong saad nito

"What do you mean?"

"May problema siya sa puso..."

"What?! Hanggang ngayon ba meron pa?!"

"What do you expect? Mahirap sila Olayannie at kahit magkandakuba siya sa pagtatrabaho ay hindi parin iyun mapapadali ang pagpapa-opera ng anak nyo. Marami siya bayarin at kulang na kulang ang sweldo nito sa pang araw-araw nilang mag-ina. Mag-isip ka nga minsan Boss, okay ka lang? Di ka adik?"

"Iyang bibig mo Jake parang di mo ako Boss"

"Boss naman kasi ang Bobo mo eh...peace muna tayo. Bilang isang concern secretary mo at bilang isang amo at empleyado relationship...ito lang masasabi ko. Tanga mo...grabeh! Number one ka Boss! Tayog! Parang Will Tower Mall..."

"Jake?!"

"At hindi lang iyun Boss tinanggal mo pa siya sa trabaho niya at inalok mo pang samahan ka sa isang gabi...Nag-siping ba kayo Boss? O nagdasal lang? Naintriga ako"

"For a secretary like you, you sure know a lot of things"

"Talino ko eh!"

"Gusto mong Tanggalin na rin kita?!"

"Boss naman walang ganyanan...alam nyo namang Trabaho lang walang personalan tayo dito eh. Kaya cool ka lang"

"At ano pang nalaman mo?"

"Nasali din pala ang bahay nila Olayannie sa demolisyon natin"

"Hmmmm?"

"Nga pala Boss..."

"Ano?"

"I think your son needs you..."

Doon ako natigilan...God! All along may anak pala kami...And still sinaktan ko pa ng ganoon si Olayannie. Shit! Damn it! 

"You really need to fix ur life with them...alang-alang sa anak nyo"

"You know what Jake?"

"I know...sasabihin nyo na naman saken na" ginaya nito ang boses ko "Gusto mong tanggalin kita?! Okay lang saken iyun..." sigh

"No...I actually think that for once, you sure know what's right.....and that sobra mo ding madrama"

Ngumiti ito ng matamis "So di mo na ako tatanggalin?"

"Hmm...depende"

"Makikipag-ayos ka na rin kay Olayannie"

I sighed "I'm not sure about that though, for now iisipin ko muna ang anak ko"

"Okay...kong iyan ang gusto mo...suportahan kita Boss...hanggang sa dulo ng walang hanggan. Promise. Cross my heart. Wel Pown ahhaa!"

"Adik ka talaga! Bumalik ka na nga lang sa pinapatrabaho ko sayo"

"Break ko na sir...sige alis na ako..."

Now, I need to talk to her...








*****

Nag-ring ang cellphone ko.

"Hello Nay"

"Anak!" bigla akong kinabahan "A-anak..."

"Bakit po Nay?" narinig ko ang hikbi nito...God! "Nay?!"

"Hindi makahinga si Miguel isinugod na namin siya sa Ospital...saan ka na ba?"

Bigla akong natigilan...God! Ang a-anak ko...Hindi ko namalayang tumulo ang luha ko...Ang anak ko... Diyos ko..

"Olayannie... pumunta ka na dito"

"Saang Ospital po ba?"

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now