CHAPTER 6 /WELCOME HER/

5K 216 54
                                    

DAVE'S POV

Naalimpungatan ako ng may marinig akong pamilyar na hikbi ng isang babae. Iniangat ko ng kaunti ang ulo ko mula sa pagkakadukdok para makita kung sino iyon. Di nga ako nagkamali dahil sya nga si Sydney ang bebs ko.

Nanghina ako ng marinig ko ang mahihina at pinipigilan nyang mga hikbi. Di padin sya nagbabago. Ayaw nya pading magmukhang mahina hayy. Sabi ko sa isip ko.

"Bakit ba *sob* kase ayaw nyo *sob* sakin?" Narinig kong tanong nya sa sarili nya. Tumayo ako ng walang ingay at pumunta sa harap nya.

"Dahil hindi ka dapat mapalapit samin." Sagot ko para di sya magmukhang tanga kaka-kausap sa sarili nya. Iniangat nya ang mukha nya at ng makita ko ito agad akong naawa sakanya.

Tsk! Di dapat nila pinagtripan to eh! Di nila kilala kung sinong binabangga nila e. Oo alam ko kung sino talaga sya. Alam ko din kung ano ang pamilya nila. Kilala ako ng mga magulang nya dahil lagi ko syang hinahatid sakanila dati kapag late dumating ang dati nyang butler.

Bigla syang tumayo at yinakap ako medyo nagulat pa ko ng una pero agad ding nakabawi at hinagod ang likod nya. I miss her damn so much.

"Dave!!! wahhhh!!! huhuhuhu!!!" Sigaw nya sa dibdib ko. "B-bakit *hik*  a-ayaw *hik* n-nila *hik* s-sakin huhuhuhu" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa. Pero kahit anong pigil ko sa tawa ko di ko na talaga kaya kaya napatawa akong malakas. Tang'na mukha syang tanga BWAHAHAHAHA

"Mukha kang ewan bebs." Sabi ko habang natatawa padin kaya lalo syang naiyak. Pfft bakit ganun? Dati pag umiiyak sya ang cute? Pero ngayon mukha na syang tanga? BWAHAHAHAHA

"Bebs *sob* away nila *sob* si ako huhuhu" Yan ang huli kong narinig sakanya bago sya mawalan ng malay. Di na ko nagulat ng mawalan sya ng malay dahil halata namang pagod na sya. Ang init nya at namumutla pa.

Binuhat ko sya papunta sa likod kung saan ko tinatago ang higaan ko. Wala pang nakakahiga dito kahit sino malibanlang sakin. Syempre papahigain ko si bebs dito no. Prinsesa ata to.

Nang maihiga ko sya agad akong pumunta sa aparador sa likod kung saan nakalagay ang mga gamit namin sa pag-gagamot pag napapaaway kami. Kumuha ako ng isang patch ng Kool Fever at bumalik sa hinihigaan nya.

Nilagay ko ang patch sa noo nya bago ko sya kinumutan. Boy scout ata to sa pagtulog. Natawa nalang ako sa naisip ko.

"A-ayaw....d-daga l-layo n-nyo...." Napabuntong hininga nalang ako bago haplusin ang kanyang buhok.

"Shhh its ok Syd. Im here. Nandito na sa tabi mo si Davey-bebs mo. I wont leave you alone again." Bulong ko sakanya at agad syang kumalma.

Tumayo na ko at hinila ang sariling upuan papunta sa tabi nya. Umupo ako at dumukdok sa lamesa habang hawak parin ang kamay ni bebs.

ACE'S POV

"Please wag nyong sasaktan ang kapatid ko dahil ngayon nalang ulit sya nagka-interes sa kaibigan."

"Please wag nyong sasaktan ang kapatid ko dahil ngayon nalang ulit sya nagka-interes sa kaibigan."

"Please wag nyong sasaktan ang kapatid ko dahil ngayon nalang ulit sya nagka-interes sa kaibigan."

Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi ng Kuya ni demonyita. What does he mean? Na walang kaibigan si demonyita? Well sino ba naman ang gugustuhing maging kaibigan yung babaeng yon? Daig pa lalaki kung makapag-mura. Tsk!

At meron pang isang sinabi ang kuya nya na nagpa-gulat samin or should I say sakin lang?

"Wag na wag nyong subukan na magpakita sakanya ng daga kung ayaw nyong mamatay ng maaga." The fvck? Mamatay ng maaga? Is he kidding me?

THE MYSTERIOUS EMPRESS OF SECTION HELL (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now