CHAPTER 52 /PUNISHMENT/

3.1K 124 10
                                    

SYDNEY'S POV

Mainit.

Yan ang nararamdaman ko ngayon. Pawis na pawis na ko. Well kami naman talagang lahat pero iba yung pawis ko. Amoy baby. Hehehe

Nilibot ko ang paningin sa buong quadrangle at ganun nalang ako manlumo nang makitang wala pa sa kalahati ang nalilinisan namin.

Paano ba naman kasi sinasamahan nila ng laro ang paglilinis kesyo para daw di sila ma bored. Tsk.

"I told you, just sit down there tsk." Isa pa tong lintek na to! Ayaw maglinis sunod lang ng sunod sakin peste!

"Kung maglinis ka nalang kase, edi sana mas madali!" Medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin samin ang mga ugok.

"Nakakatamad." Simpleng sagot nya.

"Edi wag mo ko igaya sayo!" Sigaw ko kaya sumama ang tingin nya sakin.

"Tss. Your noisy." Sagot nya kaya napaamang ako.

What the fvck?

"Bahala ka nga sa buhay mo! Dun ka aa Higad-Hudson mo peste!"

"Lagot ka boss!"

"Higad-Hudson pa nga HAHAHA"

"Lagot. Tinaboy ka na boss."

"Suyo malala yan master!"

"Naku naku"

"HAHAHA bakit ka nangunguha ng walis boss?"

Pang aasar ng mga ugok kay Trav na ngayon ay nangmamadaling kumuha ng walis at dustpan. Tss. Bahala sya dyan.

"Sis!" Napatingin ako sa kanan nang marinig ko ang boses ni Jaz.

Kasama ni Jaz ang girls at si Tim? Ginagawa nyan dito?

"Hey yow couz! Ang ganda ganda mo talaga! Ang bai---"

"Cut the crap Tim. What do you need?" Pag putol ko sa pangbo bola ni Timothy.

"Hehe pahiram ng kotse mo Couz. Kinuha ni Dad yung susi ng akin e." Kamot batok nyang ani.

"And why is that?" Pag uusisa ni Jaz habang nakataas ang kilay.

"Ay belong ka ba sa usapan namin? Hanggang dito lang yung usapan o." Umakto pa si Tim na gumagawa ng imaginary line na hindi kasama si Jaz.

Sinamaan lang sya ng tingin ni Jaz bago ito lumapit sa jowa nya.

"Babe o." Sumbong nya.

"Tss." Si Ash.

"So ano couz? San susi?" Tanong nya habang nagtataas baba ang kilay.

"San mo muna dadalhin kotse ko? And aling kotse?" Tanong ko.

"Yung Porsch---"

"No fvcking way Zayler Timothy!" Sigaw ko nang akmang sasabihin nya ang brand mg paborito kong sasakyan.

"Ih Couz naman ih!" May pa padyak padyak pa syang nalalaman.

"Pfft. Mukang tanga amputek."

"Yan ba ang nagagawa ng walang kotse?"

"Mukha kang bakla Zay!"

"HAHAHAHHA"

Siraulo talaga tong mga ugok na to tss.

"Edi yung Nissan nalang couz. Mag de date kami ni Arra." Namumula nyang ani. Napailing iling naman ako sakanya. Marunong na talaga syang mag seryoso. Ang laking improvement.

"Ge, kunin mo sa mansyon. Yung susi nasa may kwarto natin alam mo na yun." Ani ko bago ituloy ang pagwawalis.

"Yiee talaga couz?! Hehe kaya mahal na mahal kita e! Pa kis--"

"Fvck you Lopez!" Nangunot ang noo ko sa sigaw ni Trav.

"Minumura mo ba ko Travis?" Malamig kong tanong kaya namutla sya.

"N-no! L-Lopez, I mean! Z-Zayler!" Utal utal nyang sagot.

"Tss." Nag tuloy nalang ako sa pagwawalis at di sya pinansin. Lumapit naman sakin si Tim kaya nag angat ako ng tingin.

"Bat nga pala naglilinis ang The Great Clarkson ng quadrangle?" Nakangisi nyang pang aasar. Pinakitaan ko sya ng kamao pero mas lalo lang syang ngumisi.

"Tigil tigilan mo ko Zayler. Pag ako nabanas sayo tatalsik ka talaga sa kabilang planeta." Babala ko sakanya.

"HAHAHAHA taga lin---oh fvcking shit!" Napamura nalang sya ng suntukin ko sya.

"Ohh!"

"Puta sakit nun!"

"Kawawang nilalang tsk tsk."

"Sydney ako 1k!"

"Tangina Lar sugal ka nanaman!"

"Couz naman ihh, pano na ko haharap kay Arra nito? May pasa ako! Ayaw pa naman nun ng may pasa ako! Kasi naman ih!" Himutok nya sakin.

"Edi wag ka tumalikod sakanya para maharap mo sya, tss." Pangbabara ko. Napa-'ohh' naman ang mga ugok samantalang napabusangot naman sya.

"Yeah, whatever couz. Alis na ko." Paalam nya.

-

Hours passed, tapos na namin linisin ang buong quadrangle at nakaupo nalang kami sa mga bench. Ang mga ugok ay parang 50-50 ang buhay dahil sa paghinga. Si Trav naman ay sitting pretty lang dahil nga pagkatapos ng dalawang minutong pagwawalis ay pagod na daw sya. What a jerk.

"Pagod na ko!"

"Ito ata ang ikamamatay ko!"

"Piste naman o o!"

"Cause of death, pinagwalis ng quadrangle tanghaling tapat."

Natawa ako sa sinabi ni Vince. Cause of death amputek.

Natigil sila sa paghihinaing nang tumunog ang phone ko. Napatingin silang lahat sakin. Nang tignan ko ang caller ay si Kuya Shaun ang nakalagay.

"Yes?" Bungad ko sakanya pero nagulat ako nang sumigaw sya.

[FVCK SHIT HYACINTH! PAPUNTA SI LADY HYUN SA SCHOOL NYO PARA SAYO! DAMN IT! MALAPIT NA SIYA! ] Nanigas ako sa kinauupuan ko.

Si Lady Hyun....

Papunta dito....

Para sakin....

What the fvck?

____________________/

♡ P O K E M O N I S B A C K ♡

Namiss nyo ba si Zayler? Hehe ako din e. Gusto nyo kayo nalang kadate nya? Sige basta hanapin nyo muna ang daan papuntang wattpad world. Have a great day ahead babies!






THE MYSTERIOUS EMPRESS OF SECTION HELL (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now