CHAPTER 9 /BAG/

4.9K 200 25
                                    

SYDNEY'S POV

Pagkalabas ni Jaz naiwan akong nakatunganga sa harap. Ang raming tanong sa isip ko tulad ng: Sino ang isa pa naming dormate? Bakit nakatitig sya kay Ash? Bakit ang Overprotective nila sakin? May gusto ba sya kay Ash? Hindi na ba nya gusto si Clyde-kun? Isasama ko ba si Dave mama----

Naputol ang pag-iisip ko ng may kumalabit sakin. Pero imbis na lingunin ko kung sino yun ay tinignan ko ang mga ugok. Naknampucha! Bat sila natatawa? May kumalabit nanaman sakin kaya iritado akong bumaling sakanya at laking gulat ko nalang ng makita ang mukha ng bakla naming teacher. Sa sobrang gulat ko ay napa-sigaw ako.

"AY KABAYO!" Pagkasigaw na pagkasigaw ko nun ay napatakip ako ng bibig pero ang mga ugok biglang tumawa.

"Kabayo amputs HAHAHAH"

"Tang'na lt!"

"Putcha lagot ka Syd!"

"Kaba-HAHA Kabayo HAHA AMPUTA"

"PUTCHA SAKIT NA NG TYAN KO!"

"ALL OF YOU SHUT UP!" Sigaw ni kaba---bak---este Sir Miranda kaya natahimik sila kahit kitang kita ang pag-pipigil ng tawa.

"Kaba---bak---este Sir pwede na ba ko maupo?" Tanong ko sakanya kahit imposible iyong mangyare dahil alam ko na ang sunod nyang gagawin. Yun ang pag......

"YOU THINK YOU CAN SIT NOW?! WELL THEN NO! YOU CANT SIT UNTIL YOU ANSWER MY QUESTIONS!" Sigaw nya sa mukha ko. May tumalsik pang laway kaya kinuha ko sa bulsa ko ang aking panyo at pinunasan ang mukha.

Taka syang napatingin sakin at nagpipigil ng tawa ang mga ugok. Inosente kong tinignan si Sir Miranda.

"Bakit po?" Inosente kong tanong.

"Bakit ka nagpupunas ng mukha?!" Sigaw nya kaya may tumalsik nanamang laway.

"Tumalsik po kase yung laway nyong madumi sa napaka-ganda kong mukha kaya nagpunas ako." Sabi ko habang nagpupunas ng mukha. Magsasalita pa sana sya ng talikudan ko sya at tumungo sa upuan ko. Narinig ko pa ang mahihina nilang bungisngisan ng dumaan ako.

"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Sigaw nanaman nya. Nakalunok ba yan ng microphone?

"Kung di po kayo bulag natural nauupo po ako sa upuan ko." Simple kong sagot.

"Sabi ko sagutin mo ang tanong ko!"

"Nasagot ko naman na po."

"Wala pa kong tanong nasagot mo na?! Ano ka mind reader?!"

"Sir nagtanong ka na po. Tanong nyo pa nga po ay 'Bakit ka nagpupunas ng mukha?!'" Pang-gagaya ko sa sinabi nya.

"Argh!" Frustrated nyang hinawi palikod ng kanyang buhok kaya nagpigil ako ng tawa.

Kinalabit ako ni Adi na katulad ko nagpipigil din ng tawa. Inilapit ko ang tenga ko sa bibig nya dahil sumenyas syang may ibubulong.

"Pfft lagot ka haha lagot ka kay kabayo este kay sir Miranda. Mapagiinitan ka nyan HAHAHA" tawa nya ng mahina.

"Mapagiinitan talaga ako coz im hotter than hell ahihihi" bulong ko din sakanya kaya sabay kaming natawa ng mahina.

Buong lesson ay ako lagi ang pinagre-recite ni bakla pero syempre dahil sadyang matalino ako nasasagot ko lahat.

*kringgggggg*

Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang aming pangapat na subject ngayong araw. OMG lunch time na kyahh!

"Thats all for----" di na natapos ni Ms. Zen ang kanyang sasabihinng maghiyawan ang mga ugok. Amputcha!

"Woah lunch na!"

THE MYSTERIOUS EMPRESS OF SECTION HELL (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now