CHAPTER 42 /BREAKDOWN/

3.5K 149 17
                                    

SYDNEY'S POV

"Ano yun? Wala ka na bang pera Lil sis?" Tanong ni Kuya Shaun pagkalabas nila Khai. May sari sariling mundo naman na ang mga ugok kaya alam kong di na nila ako mapapansin.

"Di ah, ganyan lang talaga kami ni Khai. CRUSH ko kaya yun." Sinadya kong lakasan ang salitang 'crush' kaya napatingin silang lahat sakin.

"Ano yun Syd? Crush mo ko?" Tanong ni Drew kaya napangiwi ako.

"Anong ikaw?! E ako yun diba Syd?" -Yuri. Hala bat ka nandito?! Nasa AMNSE ka diba? Dejok

"Mga siraulo, ako yun!" -Vince. Lakas maka-'siraulo' di nga alam pangalan ko.

"Bal wag kayong ano, ako yun." -Vance. Nakakalimutan mo nga name ko.

"Anong kayo? Ako yun diba Syd?" -Alex. Hangin mo pre.

"Tss. Ako yun." Nagulat ako nang magsalita si Art. Luh di pala sya pipe.

"Tsk! Ako nga kasi yun!" -Justine. Yoko sa babaero tsaka baka masapak ako ni Sea.

"Pano nya masasabing ako padin yung crush nya kung sabat kayo ng sabat? Mga obob!" -Larry. Ay galit yarns? Sabagay crush naman kita dati kaya ayos lang.

"Tol walang talo-talo, pero ako yun." -Jhuen. Isa pa to! Kala ko pipe din e!

"Tss. Ako kaya yun diba Ate?!" -Jake. Bata bata mo pa huy!

"Ako yun mga baliw. Diba Syd?" -Adi. Sorry pero kaibigan lang kita.

"Tss. Sabihin mo nalang sakin Syd na ako yun, wag mo na sabihin kay Jaz selosa pa naman yun." -Ash. Edi ikaw na may jowa.

"Tss." -Ace. Pake ko sayo?

"Omg ha! Halos buong Section Hell jinojowa mo. So iww." Napatingin naman ako kay Higad-Hudson.

"Im not like you....slut." Napangisi ako nang mamula sya.

"Babe oh! She's insulting me!" Sumbong nya kay Trav kaya napatigin ako kay Trav.

Nakatingin lang sya sakin at biglang umiling iling. Parang tinusok ng milyon milyong kutsilyo ang puso ko sa ginawa nyang yun. Puta naman!

I composed myself so that I won't look weak on their sights. I saw how the mood of ugok's changed. From joyful to deadly.

"Tss. Sumbong sumbong pa mukha namang higad. Kalahi ka ba ni Stephanie?" Pangbabara ko sakanya. Narinig ko ang matunog na ngisi ni Dave na nasa tabi ko na pala.

"Bebs gutom na ko. Tara kain na ta---"

"Samin sya sasabay." Napatingin kaming lahat kay Kuya Samuel dahil seryoso ang boses nya.

"Ate pede kami sama?" Napatingin ako kay Jake na nagtanong. Sunod sunod naman ang naging pag payag ng mga ugok sa suhistyon nya kaya wala akong nagawa kundi tumango.

"Except sa linta at sa dinidikitan nya." Sabi ko kaya natigil silang lahat at napatingin kila Trav.

"Well ok, magde-date nalang kami." Nakangising ani ni Higad kaya inosente akong tumingin sakanya.

"Walang nagtanong." Pang babara ko kaya natawa  ang mga ugok pati si Sir ay natawa din.

"I hate you!" Sigaw nya.

"To the hell I care." I said and flip my hair.

Nauna na kong maglakad palabas habang naka akbay sakin si Kuya Samuel. Sinundo naman ni Kuya Shaun ang kanyang bebeloves dahil isasama daw sya. Sinabi ko na din na pakisundo sila Jaz at Eury dahil magha-half day lang kami.

THE MYSTERIOUS EMPRESS OF SECTION HELL (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now