CHAPTER 11 /BITCH MODE ON/

4.7K 192 24
                                    

ACE'S POV

Naupo sya sa upuan nya na parang walang nangyari. Nang mapansin nyang nakatingin padin kaming lahat sakanya humarap sya samin. Nanggigilid ang kanyang mga luha pero tinaasan nya padin kami ng kilay. Shit! Why is she crying?!

"Damn it." Rinig kong bulong ni Dave.

Bumalik na din sya sa pagkakatingin sa lamesa kaya lumapit na kami. Pinaalis na din namin ang ibang estudyante para di na mailang si Demonyita or should I call her Sydney.

She's not that bad. Maybe cover lang nya ang badass attitude para di sya mabully? Ma-agrabyado? Whatever it is, she's not just a bitch. She's a bitch with a class. Pero di ko sya gusto.

(A: sino ba nagsabi gusto mo sya?)

Tss.

Nang-makalapit na kami sa upuan nya may narinig akong binulong nya...."I-I j-just d-defend *sob* myself." At dumukdok sa lamesa.

Akala ko matutulog lang sya pero nang nilapitan sya ni Dave dun ko lang napagtantong wala syang malay. Bakit lagi syang nawawalan ng malay? Kinuha ni Dave ang cellphone nya at nagdial. Nakatingin lang kaming buong Section Hell sakanya.

"Dave....Yeah....Catfight with matching uppercut pfft.....Yeah....Cafeteria...Si Jaz? May gusto ka ba sakanya?" Nang sabihin ni Dave ang huling sentence nya ay tinignan ko ang katabi ko. Tang'na handa nang manuntok HAHAHA. Binaba na din ni Dave ang tawag at humarap samin.

"Adi dalhin mo ang bag nya." Utos nya kaya kinuha na ni Adi ang bag nya.

"Argh! Ano bang laman nitong bag na to at ang bigat?" Bulong ni Adi.

"Ash sama ka sakin." Sabi nya. Agad namang nangunot ang noo ni Ash.

"Why would I?"

"Pupunta tayo kay Ja--" di na nya natapos ang sasabihin nya ng pumitik sa ere si Ash.

"Lets go!" Sigaw nya. Napag-hahalataan amputs.

Inilibot nya ang paningin nya samin at nang magtama ang aming mata ay ngumisi sya. Di maganda kutob ko sa ngisi nya.

"Ace." Tawag nya sakin.

"Tss."

"Ace ikaw na magbuhat sakanya papunta sa room." Agad nangunot ang noo ko.

"Bakit sa room? Bakit di nalang sa clinic?" Tanong ko.

"Oo nga!"

"Bakit sa room?"

"Sinong mag-aalaga?"

Napabuntong hininga sya. "Ayaw nya sa amoy ng ospital o maski clinic. Meron namang first aid kit sa room. At kung sinong mag-aalaga? Si Jaz." Yan na ata ang pinaka-mahabang sagot samin ni Dave. Pero wait? Ako ang magbubuhat?!

"Bakit ako ang magbubuhat? Pwede namang yang mga yan." Inis kong tugon.

"Ayaw mo?" Tanong nya habang naka-ngisi.

"Yeah." Bored kong sagot.

"Sige, sabi mo eh." Yun na yon? Di na nya ko pipilitin?-----e pake ko naman? Sige! Sila na ang mag buhat sakanya.

"I h-hate y-you." Napatingin kami sakanya ng magsalita sya.

"Justine ikaw magbu---" di na natapos ni Dave ang sasabihin nya ng magsalita ako.

"Tss. Saan ko ba sya ilalapag?" Tanong ko. Narinig ko ang pag-singhapan mg mga hunghang. Nang tignan ko sila nakita ko ang mga mata nilang nanlalaki, nakatakip na bibig, at si Ash at Adi na naka ngisi.

THE MYSTERIOUS EMPRESS OF SECTION HELL (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now