CHAPTER 5 /HIM~DAVE SMITH/

5.4K 226 42
                                    

SYDNEY'S POV

Naalimpungatan ako ng may maramdamang basa sa aking noo. Ano bang nangyari at bakit ang sakit ng ulo ko? Ang naalala ko lang ay nilagyan nila ng glue yung upuan ko, iniwan nila ako sa room, tinawagan ko si Zayler bago matulog. At... at... may nakita akong daga.

Waahhh bumalik nanaman sa isip ko yung mga daga! Wahhhhh!

"KUYA SHAUNNNNN!!! KUYA SAMUEEEEEEEL!!! WAAAHHHHH!!!" Sigaw ko habang umiiyak. Maya maya biglang marahas na bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa ang hingal na hingal kong mga Kuya.

"What happened lil sis?!" Tarantang tanong ni Kuya Shun habang si Kuya Samuel naman ay nakatingin sakin na puno ng pag-aalala ang mga mata.

"D-d-daga k-kuya m-may d-daga wahhhh! Huhuhuhu" Iyak ko kaya taranta silang lumapit sakin at pinatahan.

"Shhh its ok Baby we're here." Malambing na sabi ni Kuya Samuel. Yumakap ako sakanilang dalawa na agad naman nilang ginantihan din ng yakap.

Napatingin ako sa orasan at laking gulat ko kung anong oras palang......2:47 am!

"K-kuya sorry." Sabi ko pagkatapos humiwalay sa yakap at tumungo. Napansin ko sa peripheral vision ang pagkunot ng kanilang noo.

"Sorry for what baby girl?" Tanong ni Kuya Shaun.

"For waking you up this early! Wahh im sorry kuya! Di ko naman alam na mag ti-three palang eh! Wahh! Sorry!" Impit kong sigaw. Nagtaka ako ng hindi sila sumagot kaya agad kong inangat ang aking tingin.

Parehas silang nakahawak sa kanilang bibig halatang pinipigilan ang pagtawa. What the eff? Bat sila natatawa?

Bigla akong napahawak sa noo ko ng bahagyang kumirot ang aking ulo. Agad silang umayos ng upo at tinignan ako ng may pag-aalala sa mga mata.

"Are you okay lil sis?" Mahinahong tanong ni Kuya Shaun pero bakas ang pag-aalala sa kanyang boses. Tumango lang ako at umayos ng upo.

"Matutulog na ko Kuya *sob*. Papasok ako mamaya kaya kailangan ko pa matulog." Sabi ko kaya agad na nangunot ang kanilang mga noo.

"Bakit ka papasok? Nilalagnat ka Sydney kaya magpahinga ka nalang. Magpapadala nalang ako ng excuse letter sa teacher mo." Sabi ni Kuya Samuel. Umiling ako at nginitian sya ng tipid.

"Kuya kailangan ko pumasok para ipakita sakanila kung sino ang kinalaban nila." Ani ko sabay ngiti ng napakalawak.

Napabuntong hininga nalang sya at tumango. Ganun din si Kuya Shaun kaya lunawak lalo ang aking ngiti kaya napangiwi sila. Maya maya tumayo na sila at hinalikan ako sa noo. Lumabas na sila ng kwarto ko kaya natulog nalang ulit ako.

*kringgggg* *kringgggg*

Naalimpungatan ako ng mag-alarm ang aking alarm clock. Napangiwi ako dahil bigkang sumakit ang ulo ko.

"Damn those jerks. I'll make them pay for what they've done gusto ko pa man din silang maging kaibigan tsk!" Bulong ko bago tumayo at pumunta sa banyo ng kwarto ko at magsipilyo. Pagkatapos ko mag-toothbrush agad akong pumunta sa ilalim ng shower para maligo.

A few minutes later...

Naka-upo na ko ngayon sa harap ng lamesa kasama sila Kuya na panay ang sulyap saakin. Argh! What the hell?! Bat sila tingin ng tingin?!

Tumayo na ko kaya napaayos sila ng upo bago tumingin muli sakin.

"Pasok na ko." Bagot kong sabi.

"Ihahatid ka ni Shaun." Ani ni Kuya Samuel. Agad namang nangunot ang noo ko.

THE MYSTERIOUS EMPRESS OF SECTION HELL (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now