CHAPTER 56 /WHY?/

2.8K 112 1
                                    

SYDNEY'S POV

Nagising ako nang maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Napatingin ako sa kamay ko nang maramdamang may humaplos dun.

Nang tignan ko ang gilid ng kama ko ay nakita ko si Trav na tulog. Halatang puyat pero kahit ganun ay gwapo padin sya. Mula sa kilay hanggang sa mapupulang labi. Hays, adonis na adonis talaga.

Speaking of Adonis, matagal tagal na din nang huli kaming magkausap ni Adi ah. Lagi naman kasi syang nasa labas at iniimpluwensyahan si Eury na mag cutting. Ugok talaga kahit kelan.

Tatayo na sana ako nang umungol sya. Di yung ungol na ano ha, utak nyo may ubo. Ungol nang nagigising kasi.

"Hmmm....Cinth..." Ungol nya. Napapikit ako bago dahan dahang alisin ang kamay nya na nakapaibabaw sa kamay kong may bandage.

Nang matanggal ko ito ay dahan dahan ulit akong tumayo bago magtungo sa banyo. Nang tignan ko ang mukha ko sa salamin ay di ko naiwasan na mapangiwi.

Mugto at namumula na ang mata ko. Dagdag mo pa yung eyebags ko na hula ko nasa isang kilo na, choz.

Maghihilamos na sana ako nang makita ko ang bandage sa kamay ko. Hays. Tinaggal ko ito at nag toothbrush na.

Nang matapos na ko ay pumunta na ko sa ilalim ng shower at naligo. Pagtapos ko maligo ay sinuot ko na agad ang robe bago dahan dahang lumabas.

Agad akong dumiretso sa WIC nang makitang tulog pa si Trav. Kinuha ko ang isa kong loose t shirt at short. Pagkabihis ko ay lumabas na ko saktong pag gising ni Trav.

"Morning."

"Goodmorning." Bati nya pabalik bago tumayo at hilahin ako paupo sa harap ng vanity. Ano nanaman kaya gagawin nito?

May kinuha sya sa tabi ng kama ko at nakita ko ang first aid kit na ginamit nya sakin kagabi pang gamot.

Lumuhod sya sa harap ko bago kunin ang kamay kong may sugat at inumpisahan na itong gamutin.

"Aish, don't do that again. You're hurting yourself Sydney......" at nagtuloy tuloy na nga ang sermon nya sakin.

Di nalang ako nagsalita dahil baka mas magalit pa. Mahirap na, first name basis na sya eh.

Pagtapos nya linisan ang sugat ko ay sakto ding pagbukas ng pinto kaya napatingin kami dun.

Pumasok sina Raz, Luke, Skhai at Cloud na may seryosong mukha. Well kay Raz at Luke di na ko magtataka pero dun sa kambal....hmmm mukhang alam na nila.

"Get the fvck out of here." Mariing ani ni Skhai kay Trav.

"What the f---" di na natapos ni Trav ang sasabihin nya nang sumingit ako.

"Go Trav. I'll follow you later." Malamig kong ani.

Nakasimangot naman syang lumakad palabas at huminto pa sa harap nung apat. Tinignan nya ito na para bang sinusuri nya ang mga ito bago tuluyang lumabas.

Pahkasarang pagkasara ng pinto ay umalingawngaw na ang pagkabasag ng isang lamp. Ay di ko pala nabasag lahat kagabi.

Napatingin ako kay Skhai na syang may kagagawan nun. Inosente naman syang tumingin sakin bago magkamot ng batok.

"Kasi usually basag lahat ng gamit pag nagagalit ka e, tinuloy ko lang." Nag pout pa sya dahilan ng pag iling ko. Kahit kailan talaga tsk.

"Why?" Deretsong tanong ni Luke.

"Why what?" Maang maangan kong tanong.

"Damn it Sydney. You know what I mean." He stated like I really know what he means which is true.

Bumuntong hininga ako bago sila tignan isa isa sa mata. Nakita kong natigilan sila dahil alam nilang di ko hilig tumingin sa mga mata nila.

"He's my friend. I'll help him no matter what." Thats what I said and stormed out of the room.

Nang papunta ako sa kusina ay rinig na rinig ko ang tawanan at kulitan ng mga ugok at empressess. Nakikisali din si kuya Shaun paminsan minsan pero di ko naririnig ang boses ni kuya Samuel.

Pagpasok ko sa kusina ay napunta agad sakin ang paningin nila. Ang kaninang malaking ngiti ng mga ugok ay mas lalony lumaki bago sabay sabay na tumayo sabay sabing....

"Goodmorning Sydney!" Nginitiian ko lang sila bago tumingin sa empressess na nakatingin din sakin at nakangiti.

"Goodmorning Sis!"

"Gomo Syd!"

"Morning love!

"Morning."

"Morning Syd."

Tinanguan ko lang sila.

"Goodmorning my sweetest lovely sis---"

"Ako lang ang babae sating magkakapatid ya, magtigil ka." Pangbabara ko sakanya kaya sumimangot nalang sya bago ako halikan sa noo.

Mabilis natapos ang pagkain namin dahil sinaway ko na din ang mga ugok. Usap ng usap sa harap ng foods.

Pagtapos kumain ay saktong pagbaba nila Razmond at halata sa mukha nila ang pagka balisa. And why is that?

Dumiretso sila saakin at walang sabi sabing hinila ako patayo na ikinagukat lang lahat. Maski ako.

"Hoy si Syd!"

"Shit!"

"Fvck! Dahan dahanin mo naman!"

At nagkanya kanya nang komento ang mga ugok. Nagtaka ako nang di ko marinig ang isa  sakanila kaya tumingin ako sa hapag at nakita syang tahimik na kumakain. Ay wapakels?

"Come." Napabalik ang tingin ko sa apat nang marinig ko si Cloud magsalita. Halatang seryoso ito pero may bahid padin ng pagkabalisa.

Nauna na maglakad yung tatlo at hinintay ako no Cloud. Nagpaalam naman muna ako sa mga ugok pero medyo natagalan ako kasi ayaw nila ako pasamahin. Gusto nila may kasama kahit isa sa kanila pero sa huli inutusan ko nalang silang magdilig dun sa may garden na agad nilang sinunod kasi sabi ko may premyo sila sakin pag nalinis nila ang buong garden. Damn I'm so wise.

____________________/

♡ P O K E M O N I S B A C K ♡

THE MYSTERIOUS EMPRESS OF SECTION HELL (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now