Chapter:2

17 1 0
                                    

"May nakita kaming mga sulat na iniwan niya sa isang kuwaderno." Sabi ni Mamang Pulis. "Nakasaad doon na sinakal siya at ipinamukhang nag-bigti."

"Parang diary." Sabi ni Ate Ivory. "Nasaan po itong notebook na sinasabi niyo?" They gave Ate Ibory the notebook. "Regalo ko ito sa kaniya noong birthday niya ah?"

"Anak, ano iyan?" Kakadating lang nina Mama galing sa bahay nila.

"Maiwan na po namin kayo. Balitaan na lang namin kayo sa mga malalaman pa namin." Sagot ng Pulis kaya tinignan namin ang mga nakasulat sa notebook nainiwan ni Alion. "Basahin mo na, Klaui at malamang sa malamang sa'yo niya iniwan ang notebook na ito." She handed me the notebook kaya binuksan ko. "Kaya pala notebook ang hiningi sa akin."

Chapter:1

August 3, may lalakeng lagi akong pinagmamasdan. I don't know if he's stalking me or what pero hindi ko pwedeng ilagay sa masama ang asawa ko. Kapag may nangyari sa akin, I can't bear the thought of hurting my wife. Masyado ko siyang mahal para gawan siya ng mali. Aug. 11, confirmed na may nagmamasid sa akin. I don't want Klaui to know baka kasi madamay sila ng baby namin. Yep, I'm happy na may baby na kami ni Klaui ko. I'm writing this, if ever something happens to me. Klaui, alagaan mo ang baby natin at ang sarili mo. And...sana magkaroon siya ng sibling before I leave.

That was the first letter he left for me. I was too upset about his death to read more kaya ibinaon ko na sa limot ang kuwaderno na iyon. Naipanganak ko ang second baby namin without him. Ang nasa tabi ko lang ay ang pamilya niya, the nurses gave me my child and he looks so much like my Alion. Klyde Ion Moris.

"Klaui, sa amin muna si Klyde." Tumango ako at pinuntahan si Alona.

"AJ?" Tawag ko sa kaniya. "Alona, anong ginagawa mo?"

"I'm practicing how to spell my name, Mommy." Sabi niya. "A...L...O...N...A."

"Very good, how do you spell the next one?" Pinangalan ni Alion sa kaniya ang Janine, because he wants it to be close to James.

"Mahirap pa po, Mommy." Sagot niya kaya natawa ako. "Kelan po ulit tayo bibisita kay Daddy?"

"Siguro next week pa, anak. Uuwi kasi tayo sa bahay nina Lola Jenny eh. Diba birthday na ni Ninang Ivory?" Tumango siya at natuwa.

Doon muna kami titigil, sa bahay nina Mama Jenny. Hangga't hindi pa ako nakaka-move on kay Alion. I don't need to forget him, kaso pinipilit na ako ng mga tao sa paligid na kalimutan na siya. It's been 2 years since he had died. And after 13 years...nakapag-asawa ulit ako. The doctor who handled Alion when he was in his last breath.

Akala ko siya na ang ipagkakatiwala sa akin. Akala ko nahanap ko na ang lalakeng sinasabi ni Alion. Hindi pala.

"Klaudia!" Narinig kong sigaw ni Harvey. "Bakit wala pang ulam? Kaninang-kanina pa akong nagtitimpi dito!"

"Sandali, tinutulungan ko kasi ang mga bata na gumawa ng assignment eh." Sagot ko kaya nakatanggap ako ng sampal mula sa kaniya.

"Lampa ka ba? Oh talagang wala kang kwentang asawa?" Sabi niya kaya naluha ako. "Kakain na lang ako sa labas."

Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig at umalis na siya. Nadatnan ako ng katorse-anyos kong anak na si Alona sa sahig. She hugged me and checked at my wounds.

"Mom, dapat kasi hiwalayan mo na si Tito Harvey." Sabi niya.

"Anak...ilang beses ko na iyang binalak gawin. Wala eh...he still has me around his hands." Sagot ko. "Ayaw kong madadamay kayo ni Klyde. Ipinangako ko sa Daddy niyo na aalagaan ko kayo."

"Kung sana hindi na lang siya pinatay." She said. "Mommy...ilang years na tayong hindi nakakadalaw kay Daddy, can we go tomorrow?"

"Yes-."

"Hindi kayo aalis." Napalingon ako kay Harvey na kakabalik lang. "Ikaw bata ka, punong-puno na din ako sa'yo eh. Lagi mo na lang hinihikayat na puntahan ni Klaudia iyong Tatay mong patay na."

"Alona, pasok ka na sa kuwarto mo." Sabi ko at hindi agad sumunod si Alona. "Anak, pumasok ka na. Magpahinga ka." Pumasok si Alon at nakita kong pasimple niyang kinuha ang phone ko.

"Ano na naman bang kalokohan iyon, Klaudia?" Tanong ni Harvey. "Hindi kayo pupunta doon sa asawa mong patay na."

Hinila niya ako sa kuwarto at doon ako sinimulang bugbugin. Natigil lang siya noong bumagsak ang pinto at may Pulis na dumating. Papa Robin! Agad nilang dinakip si Harvey at mabilis akong pinuntahan ni Alona at Klyde.

"Lolo! Si Mommy!" Tinititigan lang ako ni Klyde na naluluha...itong mga anak ko lang ang natira kong ala-ala kay Alion. "Tatawagan ko na po si Lola Jenny."

"Klaudia, kumapit ka." Sabi ni Papa. Kaya ko ito...

Unti-unting nandilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay. Nagising ako sa ospital at nakita ko na nakatitig lang si Klyde sa akin. "Mommy." He whisppered.

"Klaui." Napalingon ako kay Dadi na andito din pala at kausap si Papa Robin. "Thank god nabuhay ka."

"Ate Klaui, police are here to investigate on you." Sabi ni Kyla.

"Pwede bang bukas na lang?" I asked at pumayag kaagad si Dadi. "Klyde...nasaan si Ate Alona?"

"Sinisigawan po si Tito Harvey sa Police Station kasama si Lola Rhian." Ano daw kamo?

"Ano? Anong ginagawa nila?"

Niyakap ako ni Klyde ng sobrang higpit. "Mommy, alam kong malakas ka pero ayaw kong makikita na pinipilit mong maging malakas para sa amin ni Ate Alona. Hiwalayan mo si Tito Harvey, hindi na tayo masaya sa kaniya."

"Kakaiba siguro kung buhay si Alion, wala ka sa sitwasyon na ito." Sabi ni Ate Ivory. "Sayang..."

"Dadi, sunduin na natin sina Mami. Baka mamaya makasakit pa si Alona. Kilala mo naman ang batang iyon eh." Sabi ni Kyla.

I asked if pwedeng mag-isa muna ako for now. Gusto kong maramdaman na wala akong kasama ngayon. Pinagbigyan naman nila ako kaya nailabas ko lahat ng luha na kanina ko pang pinipigilan kasi ayaw kong makita ako ni Klyde.

"Alion...I'm sorry. Akala ko kaya ko. Akala ko magiging ayos ako sa piling niya pero siya din pala ang sisira sa buhay ko. Alion...bakit mo ako iniwan?" Tinitigan ko ang notebook na nakita ko ulit after cleaning my stuff earlier. Andito nakasipit ang pangalawang page niya.

Heaven's CommunicationWhere stories live. Discover now