Chapter:3

6 1 0
                                    

Kinuha ko iyon at binuklat.

Chapter:2

December 27, tinititigan ko lang si Klaui habang masaya siyang nakatingin sa baby bump niya. Sa May na lalabas ang baby namin. Sana maging kamukha siya ni Klaui kasi super ganda ng asawa ko. Sana kayanin niya...sana sa lahat ng pain na pwede niyang daanan ay sana kayanin niya kasi hindi sa lahat ng oras ay andoon ako para sa kaniya. Gusto ko siyang yakapin sa oras na may pinagdaraanan siya kasi gusto kong maramdaman niya na lagi akong andito para sa kaniya. Pero...kaya na niya kahit wala ako eh. Sobrang lakas ng loob ni Klaui and alam ko iyon, kaya niya kahit wala ako kaya siguro ako na-in love sa kaniya.

Naluha na lang ako sa sulat niya. Kinaya ko nung nawala siya kasi kailangan ko. Hindi ko kinaya nung wala na talaga siya. Alion, hindi sa lahat ng pagkakataon ay masasabi ko na kaya ko. Kasi kahit ngayon na wala ka na ay kailangan pa rin kita. Alion...ayaw ko nang wala ka sa tabi ko.

Pinunasan ko ang luha ko at humawak sa dibdib ko na malapit sa puso ko. "Kaya mo 'yan, Klaudia. You can do it." Pag-papalubag ko sa sarili ko. "Kakayanin mo ito." Even if I was unsure of it.

"Mommy!" Dali-daling pumasok si Alona sa kuwarto at niyakap ako. Kasunod naman niya si Mami. "Mom, natakot ako. The Police took me in for questioning at uminit ang dugo ko when Tito Harvey came out."

Tinitigan ko siya ng mabuti. "Alona...kamukha mo si Daddy Alion mo, alam mo ba?" Bigla kong sabi kaya natigil si Mami, I know she'll never accept Alion.

Naalala ko tuloy ang pag-aalaga sa akin ni Alion noon. Kapag pagod siya, nagluluto pa rin siya ng gusto ko kasi alam niyang pagod din ako. Kahit ipilit ko sa kaniya na ako na ang gagawa ng bagay na iyon ay hindi siya pumapayag dahil ayaw niyang magpakapagod ako kahit siya ang mas mapapagod. Hindi kasing rangya ang buhay ko nang talikuran ko ang buhay ko sa pamilya ko para kay Alion pero malaya ako. Kaya kong gawin ang bagay na gusto ko kasi alam kong hindi ako masasakal.

And that's exactly what he did for me. Hindi niya ako hinayaang mapunta sa mali and at the same time ay spoiled ako sa kaniya.

"Gusto ko pang magbasa ng letters na iniwan ni Daddy mo pero bukas na lang. I need to rest first." Sabi ko at hinayaan nila akong mamahinga. Kampante ako na kasama nina Mama si Alona at Klyde.

When they left, natakot ako na baka puntahan ako ni Harvey. Kahit alam kong may tatlong bantay sa labas na iniwan ni Mami ay kinakabahan pa din ako. I decided to read Ion's letters.

Chapter:3

I know hindi ko ito nasabi kay Klaui pero I remember...the day before I proposed to her. Grabeng kahihiyan ang dinanas ko para makausap ang parents niya. Pinaluhod nila ako and I begged them to give me permission for Klaui's hand in marriage. Alam kong ayaw ni Klaui na ma-involve ulit ang parents niya sa buhay niya pero magulang niya pa din iyon. Pumayag kaagad ang Daddy niya at sinabi na may tiwala daw siya sa akin, for how Klaui left to be with me. Nagmakaawa pa ako sa Nanay niya but she gave in eventually. Naalala ko sabi sa akin ni Tita Rhian, "Malakas ang loob mong pumunta rito after taking my daughter. Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo sa buhay? Kapag pinakasalan mo siya then you're giving your whole life for her." And sinagot ko naman na alam ko po. She then said. "Fine, pwede mo siyang pakasalan pero hindi kami dadalo." I was about to leave when she spoke again. "You're not my first choice for her, pero I know na kaya mo siyang alagaan. I'm trusting my Daughter's heart to you." Sobrang natunaw ang puso ko sa narinig ko, may tiwala sila sa akin para kay Klaui.

Naluha ako sa nabasa ko...this is real?

Pinagkatiwala ako ni Mami kay Alion...akala ko ayaw niya sa asawa ko?

Chapter:4

Si Doc. Harvey. Pagkabasa ko noon ay nagtaka ako. Gusto niya si Klaui pero naunahan ko lang siya, gusto niya akong lumayo kay Klaudia at agawin sa akin si Klaui. Hindi maaari. Siya ang lalakeng pinagmamasdan ako from afar. He's trying to ruin my family. Kailangan kong gumawa ng paraan para mapigilan siya.

I didn't want to read more. I took my phone and wanted to hear his voice again pero naalala ko na dinelete nga pala ni Harvey lahat ng vm sa akin ni Alion. I cried the whole night that time when he did. I'm starting to forget his voice now.

Heaven's CommunicationWhere stories live. Discover now