Chapter:5

9 1 0
                                    

Alona,

Anak, I'm writing this to you so that you can help Mommy with the investigation about me. Si Doctor Harvey Santos ang sumakal sa akin the day your Mommy thought I hanged myself. Gusto niya akong mamatay. Tinuturukan niya ako ng kung anu-ano para manghina. Please, if ever maging si Harvey at si Klaui ay iligtas at alagaan mo si Mommy. I want you to keep Klaudia safe and also your sibling. Hanapan mo ako ng hustisya, anak. Ibigay mo ito kina Lola Jenny or kay Klaui na mismo. Wait for me...

Daddy Alion

"Alona ano ito?" I asked after reading it. "Anong sinasabi nito na wait for me? Anak, patay na si Daddy mo."

"I know, Mommy!" Sagot niya na naiiyak at kinakabahan. "Pero it arrived in the mail a month ago. Everytime na mababasa ko iyan ay umaasa ako na sana totoo nga na hindi patay si Daddy pero may mga ebidensya diyan na baka totoo nga na buhay pa si Daddy. Alam niyan na binubugbog ka ni Tito Harvey and I received that a day before Valentine's Day. Mommy, sinadiya na isend 'yan sa bahay on Daddy's 13th death anniversary."

"Pero...hindi, anak. How can this be possible?" I asked. 13th death anniversary, February 13, his time of death is 1:13. "That's Alion's lucky number. 13."

"So naniniwala ka na ba, Mommy? May posibilidad na buhay nga si Daddy and he's planning all of this to keep us safe."

"Pero nakita ko siya...he died in front of me. Paano iyon?" Pumasok si Mama Jenny at sinabi na pwede na raw akong umalis ngayon.

Hindi na ako nakapag-paalam kay James. Sabi nina Mama ay mag-sasagawa daw kami ng imbestigasyon kay Alion. Nabasa na daw nila ang letter kaya ipinahukay nina Mami Rhian ang bangkay ni Alion.

Pinuntahan agad namin ang lugar kung saan siya inilibing. This is where I watched the sunset with him all the time even when he died, parati akong andito noon. Kaso...Harvey got in the way. Iniangat ang kabaong ni Alion at kumapit si Klyde sa akin, Alona was near Ate Ivory.

"Buksan niyo na." I said.

Dahan-dahang binuksan ni Papa at Dadi ang kabaong at nakita namin na walang laman. Napaluhod na ako sa sobrang hina na naramdaman ko. Wala si Alion dito...buhay pa siya. Buhay ang asawa ko. Mabilis akong nilapitan ni Mami at niyakap.

"Klaui...he's alive."

"Ma...paano ko siya hahanapin? Paano ko siya kakausapin kung ayaw niyang mag-pakita sa akin?"

"Mahahanap natin siya, Klaudia."

"Natin?" I asked.

"Matagal na akong boto kay Alion, anak. Hindi ko lang inaamin kasa ibinilin niya sa akin na huwag sabihin." She said. "Sabi niya kapag pumayag daw ako sa inyo ay baka iwanan mo na siya dahil natatakot siyang kaya mo siyang iwan para sa amin. He loves you but he was so selfish with you, that time. Ayaw niyang mawala ka sa kaniya."

"Mami kaya ko ngang gawin iyon...pero babalik ako sa kaniya at alam niya iyon."

Natawa ng bahagya sina Mama at Ate Ivory. "Ganiyan talaga si Alion, mahina when it comes to Klaudia." Sabi ni Ate.

"Mommy, does this mean makikita pa natin si Daddy?" Tanong ni Klyde kaya tumango ako. "When po?"

Niyakap ko silang dalawa ni Alona. "I don't know pa. Hahanapin muna siya ni Mommy before we can be complete again."

Umuwi na kami at hinanda ko ang gamit ko. Hahanapin ko bukas si Alion, possible friends might know where he is or maybe co-workers. Basta I'm sure na hindi siya malayo sa amin. Napalingon ako sa picture namin nung kinasal kami.

"Ganiyan ka ba kalakas, mahal?" Tanong ko sa kniya. "Kaya mo ba akong tiisin ng ganito? Na hindi nagpapakita sa akin agad? Ang daya mo, iniwan mo ako at hinayaan mo akong mapunta sa iba habang buhay ka pala. Hindi mo ba ako mahal?" Binaba ko ang frame at natulog na ng maaga.

Heaven's CommunicationWhere stories live. Discover now