Chapter:7

4 1 0
                                    

I wore my white night gown and looked at myself in the mirror. Ang payat ko...I was so tortured by Harvey na ganito ang nangyari sa akin. I planned on looking for Alion pero hindi pa daw ako pwedeng kumilos sabi nina Ate Ivory. I decided to make lunch na lang.

I was cleaning my plates when I felt arms, wrapping around me. Hindi ako nakagalaw dahil sa takot, I slowly took the knife and planned to stab him once he touches me.

"Mahal..."

Nabitawan ko ang kutsilyo at napahawak sa bibig ko when I heard that voice. I stopped myself from sobbing kasi ayaw kong umasa...baka panaginip lang ito. Hindi niya ako pupuntahan dito, diba? Alion can't do that. Hindi ko pa siya nakikita, hindi siya ito.

"Mahal, tumingin ka sa akin."

I felt him kissing my shoulder and squeezing me in his arms, mahigpit ang yakap niya sa akin and at the same time ay pinipigilan niya ang sarili na masaktan ako sa yakap niya. Unti-unti akong humarap sa kaniya at nakita ko ang features niya...he looks the same as when I last saw him. Tinitigan ko ang mukha niya before reaching to it and touching it.

He's real. Baka panaginip lang ito? I decided to slap him really hard to confirm.

"ARAY!" Sigaw niya at napahawak sa pisngi niya. "Grabe na talaga ang galit mo sa akin, ah!?"

"T-Totoo nga."

"Ano? Oo! Mahal, totoo ako." Sagot niya sa akin.

Masaya siyang lumapit sa akin at kumapit sa bewang ko kaya napahawak ako sa balikat niya. He just stared at me, like nothing more was needed for us. Miss ko siya...na-miss ko ang feeling na andito siya sa harap ko at masaya kami.

"Mommy!" Napalingos kaming dalawa sa anak namin na kakapasok lang. "Mommy, what's for lunch?"

"Gutom ka na naman?" Tanong ni Alion. "Lima na ang nadaanan nating drive through."

"Dad, hindi naman mabilis mabusog si Klyde kapag hindi si Mommy ang nag-luluto." Sabi ni Alona. "I'll go change na, Mommy."

"Sige." Sagot ko at ipinagluto na lang ng merienda sina Klyde. Gumawa ako ng onion rings kahapon kaya niluto ko na, busog pa ako kaya nanood muna ako ng TV. "Klyde, clean up after you eat, ah?"

"Yes Mommy!" Sigaw ni Klyde galing sa kusina. "Daddy! That's mine!"

Malakas ang katok na nanggaling sa pinto kaya tumayo ako para tignan kung sino iyon. "Klaui!" Sigaw ni Danicka, she's my best friend from High School. "Ayos ka lang? You shrunk."

"Namayat lang ako, hindi ako lumiit." Sagot ko na ikinabahala ni Dani. She's the reason why I was accepted at the clothing shop where I met Alion...she witnessed my love story with Alion. "Pasok."

Natigilan siya nang makalapit sa amin si Alion. She looked like she saw a ghost.

"Dani-."

"Klaui! Tumawag ka sa simbahan! Minumulto ka ng asawa mo!" She said then took a bottle from her bag. "Ito, holy water."

"A-Ano?" Bakit siya may holy water eh hindi naman siya banal? "Teka, kumalma ka nga muna. Hindi ako minumulto ni Alion."

"Eh ano 'yan!" Turo niya sa asawa ko.

"Hindi naman kasi namatay si Alion." Simula ko. "Basta, pumasok ka na."

Danicka left kasi may aasikasuhin pa daw siya. Pinatulog ko na sina Klyde at Alona dahil gumagabi na nga. After putting them to sleep ay pinuntahan ko si Alion sa sala.

"Ahm, aalis ka ba?"

"Hindi ko sure." Sagot niya at ininom ang kape na nasa harap niya. "Depende din siguro if gusto kong umalis."

"Ahm...sige, mauuna na ako." Bakit parang iba na? Hindi ko na siya maramdaman na asawa ko? Dahil ba matagal siyang nawala? Siguro dahil wala na kami sa dati naming sarili, na excited siya kapag andiyan ako at mababaliw kapag wala. Kaso...nasanay na yata siya na wala ako. Natiis niya ako ng ganito katagal eh.

I was already in bed when the door opened slightly at nakita kong sumilip si Alion. I got up para makausap siya pero tinulak niya ako para mahiga. I watched as he placed a blanket over me and fixed the pillows. Pinalaksan niya ang aircon at tinanggal ang polo kaya natira na lang ang sando niya.

He sat next to me and stared at me. Naluha na lang ako dahil sa feeling na andito na ulit siya. I was so weak when he left me...muntik pang mawala si Klyde sa amin.

"What's wrong, mahal?" He asked while fidgeting with my eyebrows. "Hindi ka ba makatulog?"

"I just...sorry, kasi pakiramdam ko hindi na ako masaya simula nung nawala ka."

"But I'm here now and hindi na ako aalis pa ulit. I promise." Sabi niya kaya bumangon ako para mayakap siya.

"Natatakot ako. Baka mamaya mawala ka na hindi mo ginusto at kunin ka na talaga ni Lord sa akin. Alion, 3 years and a few months is not enough para sa akin na makasama ka."

"Mahal, hindi ka ba naniniwala sa akin?" He asked. "Klaui...sorry sa mga nagawa ko. For 13 years, I wasn't here. Makulong lang si Harvey then I'll be fine."

"Nakulong na siya."

"Hindi, may kasabwat siya at hindi ko alam kung sino kaya hangga't hindi nakukulong ang kasamahan niya ay hindi ako makakampante. Ayaw kong in between of being with you and our kids ay biglang may mangyari."

"Hal...mahal mo ba ako?" I asked kaya natahimik siya.

He pulled me closer and kissed my forehead. "I love you too much...to the point where I'm willing to sacrifice myself for you."

"Ion, huwag ganon. Gusto pa kitang makasama."

"Sige, bukas gusto mo bang mag-date tayo? The kids can come too if you want."

"Sure ka ba? Wala ka bang ibang gagawin?" Tanong ko at ngumiti lang siya.

"Para makabawi naman ako sa'yo kahit minsan. Promise, hindi ko na babaliin ang mga pangako ko."

"Ilang pangako na ba ang nasira mo? Hindi ka mag-sisinungaling sa akin, hindi mo ako iiwan."

"Our love story is full of lies. But I know how much my love for you grows each day."

Tss. Edi kayo na, tignan ko lang kung makakangiti ka pa ulit ng ganiyan. Mamatay ka na Klaudia!

"Easy, couz. Bakit ka galit?" Napatingin ako kay Harvey. "Danicka, are you still head over heels for Alion?"

"No way. Ayaw ko lang na masaya sila ni Klaudia." He threw me a bottle with some liquid stuff in it.

"Lasunin mo."

Heaven's CommunicationWhere stories live. Discover now