Chapter:4

6 1 0
                                    

Nagpaimbestiga na sina Mami sa mga Pulis. They roamed around our house and then asked me questions.

"Nagtagal na po siya ng isang taon." I answered when asked about being a battered wife. "He tortured me every hour by hitting me and slamming my face on the table." Naalala ko ang pagkasira ng walls namin dahil doon. May doctor na pumasok at may kasama siyang nurse na lalake na may suot na mask.

Hindi ko alam kung bakit pero gumaan ang lloob ko doon sa nurse. "Everyone, please leave the room. Mrs. Moris needs to rest and may in-assign ang Hospital na nurse para bantayan at alagaan siya."

"Oh, can we trust him?" Tanong ni Mami. "Hindi niya bibigyan ng pasakit si Klaui ko."

"Mrs. Apostol, our nurses are one of the most trust-worthy people in the whole hospital." Sabi ng doctor ko. "Kailangan na po nating iwan si Mrs. Moris kay James."

Iniwan nila ako sa lalakeng kanina pa akong tinititigan. "Crush mo ba ako?" Tanong ko na ikinagulat niya. "Kanina ka pang nakatitig sa akin eh. Eversince you came in the room with Doktora."

"Ma'am, I don't think staring at you indicates that I have feelings for you." Ay wow, english spokening. "Tinititigan ko ang mga pasa at sugat na natamo mo."

"Oh well, there's nothing new about it. Masakit pa rin ang katawan ko pero kakayanin ko naman." He looked at his clipboard then looked back at me.

"Your last name is Moris? But your husband's name is Harvey Santos?"

Napangiti ako sa curiousness niya. "I don't use Harvey's last name. Nung kinasal kasi ako sa una kong asawa ay ipinangako ko sa harap ng Panginoon na apelyido niya lang ang gagamitin ko, hanggang sa mamatay ako dala ko ang apelyido niya."

"You had a first husband?" Ang daming tanong, parang si Mahal.

"Yeah. His name is Alion James Moris. Niligtas niya ako sa dilim, he took care of me when things got tough and he even sheltered me alongside with his family. Malaki ang utang na loob ko sa asawa ko, but he doesn't want me to give anything back to him." Alion...napakabait mo, bakit ka naman nawala?

"You sound so in love with him, patay na po siya diba?"

Nawala ang ngiti sa labi ko. "Oo...wala na siya at akala ko naka-move on na ako pero hindi pa pala."

Sabi ng nurse ay hindi na daw siya aalis sa tabi ko. Kahit pinipilit ko siya kasi baka may iba pa siyang gagawin. Two weeks ko siyang nakasama, at sa two weeks na iyon ay hindi ko maaninag ang mukha niya. Palagi siyang naka-mask. May hawig siya kay Alion pero may slit lang siya sa kilay. Ang pangit, hindi ako natutuwa sa ganon pero bakit parang ang ganda sa kaniya?

Inalagaan niya ako dahil ayaw niya daw na gagalaw ako kahit kaya ko naman. Para talaga siyang si Alion, sa galaw at sa pag-aalaga niya.

"James, kaya ko namang kumain eh." Sabi ko.

"No. If I can feed you then I will." Edi ikaw na. "Ngumanga ka na, bobo."

"Bobo ka din." Pagsagot ko sa kaniya. "Ay wala na di masarap luto mo. Mas masarap 'yung lugaw ng asawa ko."

"Eh hindi naman ako ang nagluto niyan eh." Sabi niya. "Ang pangit nga ng food dito. Magluluto ako ng lunch ko bukas, gusto mo bang idamay kita?"

"Huwag na. Nakakahiya naman sa iyo." Sabi ko at nakita kong napangiti siya dahil gumalaw ang mask na suot niya.

"Sa akin ka pa talaga nahiya?" Tinitigan ko siya kasi parang ganoon din 'yung delivery ni Alion ng salitang iyon, the night he took me from my parents. "Natahimik ka yata?"

"Wala lang. Napaisip lang ako bakit lagi kang naka-mask." Sabi ko, talagang ayaw mag-pakita ng mukha eh.

"Kasi, may sugat ako na kailangang mag-hilom. Bawal daw malapatan ng germs para mas mabilis kaya everyday akong nagpapalit ng mask." Sagot niya kaya tumango na lang ako.

Nagbukas naman agad ang pinto at pumasok ang dalawa kong anak. Grabe...39 na pala ako and hanggang ngayon, Alion is still 28. Tumabi si Klyde sa kama ko at tumayo si Alona sa gilid. Napansin kong tinititigan ni James ang dalawang bata kaya napatanong ako.

"May anak ka na ba? Asawa?"

Napalingon naman siya sa akin at natawa. "Meron. Hindi ko lang kasama sa bahay."

"Bakit naman?"

"Kasi, iniwan ko sila." Gago pala ito eh. "Kailangan ko silang protektahan. Kailangan ko silang iwanan kahit sobrang sakit, ayaw ko lang na may masamang mangyari sa mga anak ko. Lalo na sa asawa ko...nasa hospital nga din siya ngayon eh."

"Bakit naman?"

"Chismosa ka, Mrs. Moris." Sabi ni James na ikinatawa ng dalawang bata. "Biro lang. She's healing from a sickness."

"Kawawa naman siya." Iniwan kami saglit ni James para makausap ko ng maayos ang mga bata. "Anong balita sa inyo, mga anak? Ligtas naman kayo sa bahay nina Lola Jenny diba?"

"Opo." Sagot ni Klyde. "Mommy Klaui, when are we going home? I miss you na and I want to visit Daddy Ion na din." Nginitian ko lang si Klyde...he's so adorable.

"Malapit na, anak. Aalis na ako dito soon and pupuntahan na natin si Daddy." Sagot ko. "Ate Alona?"

"Hmm?" Kanina pa siyang wala sa sarili. "Mommy...may kailangan kang malaman."

"Ano, anak?" She gave me a letter na sinulat ni Alion for her. "Bakit..."

"Read it, Mommy." Sabi niya kaya binuksan ko. "It contains the things you need to know about Daddy's planned death."

Heaven's CommunicationDonde viven las historias. Descúbrelo ahora