Chapter:6

6 1 0
                                    

Pinanood ko lang na umiyak si Klaudia sa kuwarto. Gusto ko na siyang puntahan at yakapin. Gusto ko na siyang makausap para maliwanagan siya sa mga nangyayari. Kaso...kahit hindi ako magpaliwanag ay alam naman niya eh, ganiyan siya katalino. Naalala ko bigla lahat ng pinagdaanan ko para lang sa kaniya.

Dumilat ako at nakita si Dra. Gonzales, siya ang sikretong tumutulong sa akin dahil alam niya ang ginagawa ni Harvey sa akin. "Mr. Moris, I hope your plan is full proof. This is illegal."

"Salamat, Doktora. Isasali ko sa plano si Ate Ivory para maging maayos ang lahat." Pinapasok nila si Ate na halatang naiinis sa ginagawa ko.

"Sinasaktan mo si Klaui." Sabi niya kaya natahimik ako. "Can't you just tell her? She's broken inside and alam kong maiintindihan niya."

"Ate, alam ng Diyos kung gaano ko kagusto na umamin kay Klaui pero hindi ko magawa. Not unless naisugurado ko na ang alam nila ay inilibing na ako." Sabi ko. "Pretend you know nothing."

Few weeks passed and bumibisita ako sa bahay as a guest, I wore prostetics and some wigs para hindi nila ako makilala. Nakita ko kung paano umiyak si Klaui sa fake body na nakahandusay sa harapan. Ang galing talaga ni Ate na humanap ng mga kasama sa plano. Bawat luha na pumapatak mula sa kaniyang mata ay parang kutsilyo na sumasaksak sa puso ko. She deserves better, she deserves the world. Nalaman ko na buntis ulit siya and I wanted to jump in excitement pero nakabantay si Ate Ivory.

Minsan nilalabas niya si Alona kay Klaui para makita ko sila. Ang ganda talaga ng mag-ina ko. I was also there nung inilibing ako. Kaso...walang laman ang kabaong at sarado na ito. Hindi nagtanong si Klaui kasi ang rason ni Ate ay ibinilin ko daw sa kaniy noon.

"Sorry." Sabi ni Klaui sa akin when she bumped me. "Alona Janine! Klyde Ion!" Sigaw niya sa dalawang makukulit na bata.

Natawa na lang ako while walking away. She's so adorable, the kids don't seem like a pain in the head kaso dalawa sila and nahihirapan na si Klaui. Natigil ako nang madapa sa tabi ko si Klyde. Hinabol siguro ako nito dahil nung cookie monster chain sa bulsa ko.

"Ops!" Sigaw ko at binuhat siya. I wore a mask and a cap everytime na makikita ko sila dito sa park. "You want this, anak?" Tumango siya at inabot ang cookie monster sa akin kaya binigay ko. "Here, it's yours na. Also, give this to your Ate and Mommy." Kinuha niya si snowball na rabbit from that animal movie at si Princess Anna. Mahilig kasi si Klaui sa kuneho.

"Klyde!" Sigaw ni Klaui at kinuha si Klyde sa akin. Ay, madamot sa anak oh! "Sorry ulit, Kuya." Sabi niya at hinila ang dalawa sa swings. "Where did this come from, anak?"

Umalis na ako, nasigurado ko na ligtas sila dito. Alona was already in High School and graduating na si Klyde. On their graduation, I sent out gifts na ipinadaan ko kay Ate Ivory. I bought Alona a laptop para magamit niya ang for school purposes. I gifted Klyde some new books, mahilig daw magbasa ang anak ko sabi ni Ate.

I watched as Harvey battered my wife. He has no right! Iniwan ko sila kay Harvey para hindi niya wasakin ang pamilya ko pero ganito lang ang ginagawa niya kay Klaui. Dumating lang ang next month ay pwede na akong kumilos. Between the 13 years, I studied nursing para makapasok sa malapit na hospital kina Klaui.I worked here for 3 years now and planned to resign once I talk to Klaui again.

I cover my face with a mask and made a dumb excuse of an infection. Araw-araw ko siyang inaalagaan kahit pinapagalitan na ako ng Boss ko na kailangan ko din daw pumunta sa ibang patients. No, I don't trust any more nurse with Klaudia. Ako lang ang mag-aalaga sa kaniya, kahit magalit man ang Boss ko.

"James." Tawag sa akin ni Ate Ivory kaya nilapitan ko siya. "Ion, alam na ni Klaui ang totoo. Anong plano mo?"

"Magpapakita muna ako sa dalawang bata. Can you do that for me? Dalhin mo sila bukas sa address na ibibigay ko." I said then gave her my address.

Pinanood kong umiyak si Klaui and when she fell asleep ay umuwi na ako. I'm meeting my children tomorrow. Nagbihis ako at nag-ayos ng sarili. May kumatok sa pinto kaya pinagbuksan ko and pumasok si Ate Ivory with my kids.

Natigil si Alona sa harap ko at mukhang natakot. Klyde was confused and Ate was just looking at the kids. Nilapitan ko sila at lumuhod sa harap nila. Niyakap ko si Alona at hinaplos ang pisngi ni Klyde. Alona had tears in her eyes kaya pinunasan ko iyon at hinalikan ang pisngi nila.

"Anak..."

"Daddy?" She asked at tumango ako. "Paano...alam mo ba ang nangyayari kay Mommy ngayon?"

"Don't worry, Ate. Kakausapin ko na si Mommy mo. I'm not sure kung bukas or some other day."

"Mamaya." Sabi ni Ate Ivory. "I told Klaui to pick the kids up and you better tell her everything."

"Aamin na ako kay Klaudia?"

"Natatakot ka? Alion, labing-tatlong taon na at nagdusa pa rin si Klaui." Sabi ni Ate. "Hindi siya makakalma kapag hindi ka niya makausap or makita."

"Takot ako."

"Takot? Eh si Klaudia, hindi ba siya natakot nang iwan mo siya? Alion...13 years since Klaui pretended to be fine. Nagpapanggap siya na ayos siya kahit hindi kasi ayaw niyang makita siya ng mga bata na mahina. Ikaw lang ang strength niya and you took that away from her. Paano mo natitiis si Klaudia?"

"Ate, alam mo ba ang sinasabi mo? Hindi ko kayang tiisin si Klaui. I've waited this long to protect her, do you think na I can do all of this para lang sa sarili ko? Ate kilala mo ako, I want to be with her. I want to be by her side all the time. Hindi ko siya iniwan dahil palagi akong nasa tabi ni Klaui."

"Daddy, stop na. Huwag na kayong mag-away ni Tita Ivory." Pag-pigil sa amin ni Klyde at Alona.

"Kids, wait here." I said then took some of my things. "Pupuntahan na natin si Mommy."

Heaven's CommunicationWhere stories live. Discover now