~ DSLR ~

53 8 5
                                    

"The moment I wanted to stay is the moment that I knew you existed"

|:|Trice's POV|:|

I am happy that he's slowly being good towards me. Pumasok ako ng bahay niya ng may ngiti sa labi. But he's still calling me Mr. Prince, I thimk I have to deal with it for a while.

I sit on the sofa and relaxed my back on it. I took out my phone and chat someone that might look for me sa amin, mahirap na baka mali ang isipin niya.

It is a good thing na pumayag na si kuya River na manirahan muna ako sa kanya and it also is a good thing that he did not restrict my moves. Gusto niya talaga ako matuto sa sarili ko unlike my parents.

I pat my phone on the heel of my hands as I thoughtfully think of the things I have to do in the next few days. I never think it throughly.

I look at the luggages I brought. I guess doon ako magsisimula, I do not need to unpack it but I need to took out my electronics, baka masira yon doon tulad ng sinasabi ni kuya River.

Pinuntahan ko ang maleta ko kung saan nakalagay ang iba ko pang mga gadgets. I took out my laptop and tablet outside the bag, inilabas ko na rin ang DSLR ko at ang digital camera ko. I open another compartment at nakita ko na naroon rin ang instax ko.

Nakita ko na walang laman ang isa sa mga drawer ng table niya kaya doon ko na muna nilagay ang mga camera ko. Inilapag ko naman ang laptop ko katabi ng laptop niya doon sa taas ng table kung saan nakalagay rin ang camerang nakasukbit sa leeg ko kanina, chinarge nya pala iyon.

Chineck ko yung camera ko kung full na ang battery, hindi pa naman. I leave it there muna para ma-full. I open my laptop and charge it.

Umupo ako sa gaming chair ni kuya River. And looking at the outlet, my mind told me na nakikigamit ako ng kuryente niya.

"Ugh!!" pag-ungol ko dahil hindi ko matigilan ang mag overthink, mag aabot nalang siguro ako ng pera sa kanya sa katapusan.

Pinindot ko ang power button ng laptop ko at naghintay ng ilang segundo para ito ay mag-boot up.

Pag boot-up ay nilagay ko na agad ang password ng laptop ko, ni-connect ko na rin ito sa pocket wifi ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng wifi password ko ay binuksan ko ang facebook sa chrome at bumungad agad ang video call ng best friend ko.

In-accept ko yung call. Napasapo nalang ako sa noo ko ng biglang sumigaw ang best friend ko.

"Bessy!!! Ano nangyari?!! Sabihin mo sa akin!!!" pagbungad niya.

Napabuntong hininga nalang ako, napahalukipkip bago magsimulang magsalita "Bessy, gusto ko lang ma-explore itong lugar natin, itong buong rehiyon o kaya kahit sa mismong labas lang ng lugar natin diyaan" pagpapaliwanag ko.

"Eh paano kang may nakilala diyaan?" pagtatanong niya bago niya tinuro turo ang daliri sa screen "Nako bes, hindi ka ganyan, alam ko yan, hindi makapal ang mukha mo para bigla nalang mangtrespass sa ibang bahay" pagsasabi niya na may halong pagkasigurado at pagdududa sa ginawa ko.

Tumango ako at tumingin sa kanya, napakalong-baba akong tumingin sa kanya "bes pati ba naman ikaw iniisip mo na trespassing ginawa ko? Pero kahit naman ako bes hindi makapaniwala" sabi ko na dahilan ng panlalaki ng kanyang mga mata.

"Hala ka bes! Ano ka ba naman! Sa lahat ng taong kilala ko ikaw ang alam kong walang lakas ng loob na maki-usap!" pagsasabi niya, halos di makapaniwala.

"Iyon nga ang dahilan ng paglayas ko sa amin eh, dahil hindi ko kilala ang sarili ko" pagsasagot ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin ng malungkot "Oras na para naman malaman ko kung ano ba talaga ang pagkatao ko bes, hindi ako tumatanda ng paurong, ilang taon nalang din at kakawala na ako sa magulang ko at magdedesisyon para sa sarili ko, kung magulang ko parin ang gagawa non para sa akin hanggang sa katapusan ng mundo ay hindi na talaga ako matututo" pagpapaliwanag ko sa kanya bago ako napabuntong hininga "Bes, sawa na akong may nakasubong gintong kutsara sa bibig ko" pag-ge-generalize ko sa nararamdaman ko.

Napatingin lang siya sa akin ng seryoso "Wow bes, lalim natin sa part na iyan ah" pagbibiro niya sa akin.

"Bes naman! Panira ka eh, nagpapaka-mature ako dito tapos ganyan isasagot mo! Hmmp!" pag-angal ko sa kanya kasabay ng pag cross ko ng aking mga braso.

Nginitian niya ako "Ito naman si bes!" sabi niya sabay napa iling "Ikaw naman! Hinuhugot— INAHON lang kita sa kalaliman ng kaisipan mo, mahirap na at baka malunod ka" pagsasabi niya bago siya ngumiti "Pero bes sa totoo lang tama ka rin sa sinabi mo. Tamang sunod ka lang sa utos nila tito at tita tapos ayaw na ayaw mo pang lumabag sa mga utos, napaka-goody-two-shoes mo kaya" pagpupuri niya sa akin "Pero bes—" pagdadagdag niya bago siya lumiyad papalapit sa screen "hindi sa nagpapaka-evil friend ako or antagonist ng buhay mo, hindi ka ganyan nung nakilala kita, mabait ka at masunurin kaya napakalaking hakbang ng ginawa mong paglalayas, siguraduhin mong worth it ang mga gagawin mo diyan ha? Dahil ayaw kong babalik-balik ka dito ng iiyak iyak! Ay nako naman! Sinisiguro kong makakatikim ka saken" pagbabanta niya sabay amba ng kamao niya.

Ngumiti ako "Ano ka ba! Si Tren at Renz ang kakilaka ko rito!" pagpapa-alam ko sa kanya.

Nanlaki ang mata niya "Si papi Tren? At papi Renz?!" sabi niya ng may ngiti sa labi. May crush kasi siya sa dalawa kaya sure akong gusto na niyang makibalita sa akin "Kamusta na si papi Tren?! Cute parin ba siya? Eh si papi Renz? Matipuno parin tulad ng dati?!" pagtatanong niya?

Napangisi naman ako "Oo naman! Si papi Tren sobrang cute!" pagsasabi ko saka pinagdikit ang hinlalaki ko at hintuturo ko na akala mo ay may pinipisil "At si papi Renz naman ang ganda na ng katawan! Maskuladong maskulado!" pagsasabi ko sa kanya.

Akala mo ay ibong tiririt siya kung makasigaw pero pigil na pigil ang sigaw niya dahil baka marinig siya "Ang cute nga rin nila pag magkasama sila eh! Laging nakayakap si Renz kay Tren pag may pagkakataon, mas cute pa umasta kesa kay Tren!" pagsasabi ko na dahilan ng pagtingin niya sa akin ng walang emosyon.

"Ano yon Trice? Ulitin mo nga" sabi niya sa akin ng malumanay.

Ngumiti ako sa kanya "Ano ka ba? Huli ka na ba sa balita? Mag-boyfriend sina Tren at Renz!" pagsasabi ko sa kanya.

Paano ako hindi mapapangiti eh alam kong hindi naman masasaktan 'tong bestfriend ko dahil boyslove fanatic ito.

Napatili siya ng malakas "Oh my god!!!Bes kailangan kong makita iyan!!!" pagtitili niya sa akin.

Biglang lumitaw ang ulo ng nanay niya sa pintuan "Hoy anak! Ang ingay ingay mo naman" pagbabawal sa kanya ng nanay niya na dahilan ng pagtahimik niya.

Let Me Trespass, Mr. Writer(COMPLETED)Where stories live. Discover now