≈ Lightroom ≈

36 7 2
                                    

"A few adjustments in a picture make a wonderful result, I learn to adjust in life the moment I choose you"

[:]Trice's POV[:]

I was woken up by the morning sun as the warmth of it starts to caress my face.

My yawn came out first before I could even open my eyes. Stretching my limbs, I sat up and open my sleepy eyes.

I rub my eyes with both of my index fngers to try and remove my sleepiness.

Wala na pala si kuya River. I just remember nung niyayakap niya ako kagabi, that thought made a smile appeared on my mouth.

It's just funny how he fell asleep so fast when he is snuggling to someone. It really contradicts what he wanted in life, to live all alone.

I stood up from the bed, sure akong mabaho na ang hininga ko kaya agad ay pumunta ako sa CR para magmumog bago simulan ang araw ko.

I did what River did last night, pero in reverse. Kinuha ko ang kumot saka ito itiniklop. I put it at the bottom of the secret compartment of the stool, ipinatong ko roon ang mga unan bago ito isinara. I folded the bed para maging sofa uli ito and, ta da!

I look around and see na may nakahain na agad na pagkain roon. Tinungo ko ang lamesa at tinignan ang nakahain roon; cornbeef with lots of onions and eggs at meron ring fried rice. Sa tabi nito ay may folded note na iniwan para sa akin si River.

"Ang himbing ng tulog mo kaya di na kita ginising, naghanda ako ng pagkain para paggising mo kakain ka nalang at gagawin ang gagawin mo sa araw na ito. Aalis muna ako dahil may trabaho ako, mag behave ka diyan.

River"

Itinupi ko uli yung letter na sinulat niya. I look at it with a smile, sobrang thoughtful niya pala? Pero medyo nakakahiya naman kung palaging ganito ang mangyayari, both of us consuming his stocks.

Also, I do not know why pero hindi ako nagagalit kapag tinuturing niya akong bata na kailangang protektahan, ang cute nga eh, he always tell me to behave as if I would not. Ano kayang gagawin niya kapag hindi ako nag behave? Hmm, makes me think of it.

I sat myself on the high stool of the isle. I am thinking of what things I should do today. I want to make myself functionable and useful. I also wanted to be independent.

Naka isip ako ng resolve ko. After eating, I put the used dishes in the sink.

I go to the table and took my laptop. I logged in on a website and see na active parin ang account ko roon. I stopped visiting that website nang sabihin ng mga magulang ko that I should not waste my time here.

After knowing na active parin ako, I shut down the laptop and close it. I strip my clothes and put it on hamper. Pumasok na ako sa CR at naligo na.

After I'm done, I go out and dry myself before wearing a pambahay attire. I go out of the house and dumeresto ako sa bahay nila Tren.

"Pasensiya na iho, pero wala sina Tren dito" pagbungad sa akin ni tita Virgie, nanay ni Tren, nang makarating ako sa bahay nila at tinanong ko kung nasaan siya.

"Saan po sila nagpunta tita?" pagtatanong ko sa babaeng nakatayo sa aking harapan.

Ngumiti siya sa akin "Trice, hindi mo ba alam na magkakasama sila sa trabaho ngayon?" pagtatanong niya sa akin.

Umiling lang ako "Hindi po tita, hindi naman niya nabanggit sa akin eh" sabi ko "Sige tita, mauna na ako, may kailangan rin kasi akong puntahan" pagpapaalam ko rito.

I walk around the place, to familiarize my self to the surroundings. I see two girls looking at me intently but I dismissed it, baka nag-a-assume lang ako.

Someone wrapped his arms around my shoulders, making me cringe. I look and see na kapatid pala iyon ni Tren, si Spence.

"Kuya Trice, hindi ka dapat naglalakad mag isa dito lalo na at hindi ka naman pamilyar sa paligid" pagturan niya ng pabulong.

Tumingin ako sa kanya sa gilid ng aking mata "Eh wala naman talaga ako makakasama, lalo na at wala naman ang kuya Tren mo" pagsabi ko sa kanya.

Tumango-tango siya "Okay, sige" sabi niya bago inalis ang pagkakakapit sa akin "Saan ka ba pupunta at bakit nag iikot-ikot ka rito? Hindi mo ba alam na hindi mo makikita sina kuya Tren, kuya Renz at kuya River dito?" pagtatanong niya.

Tumingin ako uli sa kanya pero this time talagang humarap na ako "Alam ko naman na wala sila rito, I am just here to be familiarized around the area" pagpapaliwanag ko sa kanya "and I do not think na kailangan ko pa ng kasama para lang doon" pag-amin ko.

Tumango siya "Yes naman, kelangan mo ng taong pamilyar sa lugar, paano nalang kung naligaw ka? Mahirap na, sa gwapo mong yan maraming magkaka-interes sa katawan mo" pananakot niya sabay sikretong tumingin sa dalawang babaeng nakatingin sa akin kanina "tulad nalang ng mga yon, buti nauna akong lumapit sa iyo" dagdag niya.

Sinuntok ko siya ng mahina sa balikat "Wag mo nga akong takutin ng ganyan" pagsasabi ko sa kanya.

Naalala ko na meron pa pala akong mas mahalagang kailangang gawin. At naisip ko na magandang sa bahay nila Tren magsimula, sa tutal eh maganda ang bahay nila. Kukuha ako ng unting shots ng bahay nila at ichecheck kung maganda ito pag naprocress.

"Spence" pagtawag ko ng pansin ng kasama kong binatilyo.

"Yes kuya Trice? Ano yon?" pagtatakang tanong niya sa akin.

"Balik tayo sa bahay niyo" pag aya ko sa kanya.

Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa bahay nila.

"Bakit nga pala gusto mong bumalik rito kuya Trice? May naiwan ka ba o may kailangan kang kunin?" pagtatanong niya sa akin.

Umiling ako "Wala naman akong kailangan na kahit na ano" sabi bago ako napatigil "Hindi, kailangan pala kita na magbihis ng maayos, samahan mo ako" pag-uutos ko sa kanya.

"Saan naman tayo pupunta?" pagtatanong niya sa akin.

"Sa mall, may kailangan akong bilhin doon" pag-aaya ko sa kanya.

Let Me Trespass, Mr. Writer(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon