~ Highlighter ~

51 8 0
                                    

"We use highlighter when we highlight sentences at the book that we think is important. If our life is a book, I will highlight the day we met"

|:|River's POV|:|

Today is such a tiring day! Andaming bisita nila mama at papa! Ang hirap din makipagkulitan sa mga chikiting na naroon sa bahay namin! Lalo na sa mga pamangkin ko!

Papa-uwi na ako ng bahay. May dala pa nga akong mga container ng mga handa nila mama't papa sa anniversary nila, sure akong magugustuhan ito ni Trice! Sana nga lang hindi pa siya kumakain para naman hindi masayang itong dala-dala ko.

Ewan ko ba, pero nung unang beses na makita ko siya nung oras na mahimasmasan ako, gumaan na ang loob ko sa kanya. Siguro nga totoo ang sabi ni Tren na maari akong magkagusto kay Trice dahil sa ugali nito pero hindi ko pa naman siya nakikilala ng mabuti. Ang hangad ko lang sa ngayon ay sana nagkakagusto rin siya sa katulad na kasarian.

Nakakapagod rin kasing magkagusto sa same sex, lagi nalang testing the waters, nagkakapaan kung nagkakagustuhan ba kayo sa isa't isa kaya never akong naging fond sa idea ng same sex relationship pero never pa naman ako nagka same sex relationship, lahat ng nakarelasyon ko noon ay puro babae.

Sa biglaang pag-iisip niyon ay hindi ko na namalayan na malapit na pala ako sa bahay ko. Nakita ko na nakatambay si Trice sa labas kasama sina Tren at Renz. As usual, nasa likod ni Tren si Renz at nakayakap sa kanya habang si Tren ay nasa pagitan ng hita ni Renz.

Napatingin nalang ako sa kanilang dalawa. Sa lahat ng kakilala ko na nagkaroon ng same sex relationship, sila lang ang nagtagal. Kaya siguro hindi rin ako ganoon ka-sang-ayon sa ideya ng same sex relationship, kasi uunti lang ang nagwowork at marahil na rin siguro dahil sa mga nakikita kong taong hindi nakukuntento sa isa at ginugusto lang makipagrelasyon para sa panandaliang kasiyahan, diretso man o baluktot.

"Kailangan mo ng tulong kuya?" pagtatanong sa akin ni Trice na biglang tumayo nang makita na narito na ako.

Napatingin naman si Tren kay Trice "Ano ka ba Trice, wag mo nang tawaging kuya si River, magiging kayo naman din sa mga susunod na araw!" pang aasar ni Tren kay Trice.

Napatingin tuloy sa akin si Trice na medyo nahihiya sa akin. Napatingin ako kay Tren ng masama "Hoy Tren! Tigil-tigilan mo nga kami ni Mr. Prince, baka gusto mong kutusan kita" pagbabanta ko.

"Yieeeee overprotected kay Trice!" pang-aasar naman ni Renz.

Napa-alis ako sa sinasakyan kong motor. Pinuntahan ko ang dalawa sa kina-uupuan nila "kayo ha!" pagsasabi ko bago ko sila kinutusan.

"Aray ko naman River! Ang pikon mo naman!" pag-aangal ni Tren. Hawak hawak ni Renz ang parte ng ulo niya at hinihimas iyon.

"Eto naman! Minsan ka na nga lang namin i-ship ganyan pa reaksyon mo" pagsasabi ni Renz "Dati naman hindi ganyan reaksyon mo ah" pagturan niya sabay ngiti na labas na ang ngipin "Ikaw ha?! Baka ano ha?!" pang aasar nanaman niya.

Kinutusan ko uli siya bago ako tumayo. Tumingin ako kay Trice na nakita kong may ngiti sa labi habang nakatingin sa dalawa, napangiti na rin tuloy ako "Mr. Prince" pagtawag ko kay Trice.

Napatingin siya sa akin "Yes kuya?" pagtatanong niya sa akin.

"Nakow! Yes kuya daw! Mapupunta naman din yan sa 'yes baby?'!" pang aasar nanaman ni Tren pero pinili kong hindi siya pansinin.

"Kumain ka na ba?" pagtatanong ko sa kanya.

Umiling ito "Hindi pa kuya, bakit mo natanong?" pagtatakang tanong niya sa akin.

Napahampas naman si Tren sa kamay niya "Nakow! Dumadamovea na agad si papi River kay baby Trice!" pang aasar nanaman niya sa amin "Mukhang aayain ka na kumain sa labas baby Trice! Payag na agad!" pagdadagdag niya.

Napatingin ako sa kanya ng masama "Tren, alam mo, nagbago na desisyon ko, hindi na talaga kita bibigyan ng handa doon sa amin" pagsasabi ko sa kanya na may unting pagka-inis.

Napatayo agad si Tren at umakbay sa akin "Ano ka ba naman River? Parang inaasar lang eh!" pagsasabi niya, sinusubukang baguhin ang isip ko.

Napahagikik si Trice "Sus, pagkain lang pala katapat mo Tren" pang aasar niya pabalik.

Unang beses kong nakita siyang mang-asar ng ganoon kaya ginatungan ko na. Tumango ako at tumingin kay Tren "Sinabi mo pa, suhulan mo lang ng kwek kwek papayag agad yan" pang-aasar ko sa kanya. Kinuwento kasi iyon ni Renz na binigyan lang niya si Tren ng kwek kwek ay agad na pumayag itong makipagdate sa kanya.

Napatawa naman si Renz sa likod. Ini-abot ko kay Trice ang dala dala kong mga container "Kumain ka na Mr. Prince, sabayan mo na itong dalawa at sigurado naman akong makikisalo talaga si Tren" pag-aalok ko.

Agad na pumasok si Tren sa bahay ko "sabi ko naman sa iyo eh" turan ko kay Trice "Sige na, pumasok na muna kayo doon, ipapasok ko lang itong motor" sabi ko.

Pumasok na rin sina Trice at Renz sa loob. Binuksan ko na ang gate ng bahay ko at ipinasok na ang motor ko sa garahehan.

Tumambay muna ako sa labas ng bahay ko habang iniisip ang mga sinabi ni Tren sa akin.

Magiging kami naman din ni Trice? Hindi ba't parang ang bata pa niya? At hindi ba't parang ang bilis naman? Wala pa nga kaming isang araw na magkakilala gusto niya agad na kami na. At saka hindi naman ako phedopile para magkagusto sa mga wala pa sa tamang edad. Tama, bente anyos na ako at si Trice ay disisyete palang, wala pa siyang disi-otso kaya parang magmumukha akong phedopile kung ganoon.

Besides, tulad ng sabi ko, I am not very fond of the idea of the same sex relationships. Kahit na maging kami ni Trice ay baka hindi naman rin kami mag tatagal, sino bang nagsabi na nagkakagusto siya sa kapwa niya kasarian?

Ugh! This is the fustrating cycle of liking a boy! Pero... gusto ko nga ba talaga o napipilitan lang ako dahil sa inaasar ako ni Tren at Renz o dahil sa bagong mukha lang siya sa akin?

Let Me Trespass, Mr. Writer(COMPLETED)Where stories live. Discover now