≈ Ink ≈

48 7 5
                                    

"Ink is the reason why my quill and pen have the ability to bleed and write what I wanted but ink could also smudge the paper, I hope what happen between us won't be an ink smudge"

[:]River's POV[:]

Ngayon sure na ako, I like Trice, pero... is my feeling enough for me to conquer all of the odds? Napatunayan ko na may gusto talaga ako sa kanya sa part na mag alala ako sa kanya. I just realize that I worried too much because I care for him.

I am watching him habang kumakain kami kanina.

A simple thing he do can take your breath away

Lagi nalang akong tumitingin sa kanya, kahit na ano ang gawin niya. Mukhang gusto ko na nga talaga siya.

Pero hindi ko naman alam kung magkakagusto siya sa akin dahil hindi ko alam kung nagkakagusto siya sa lalake. Sasaktan ko lang ang sarili ko kung susubukan kong umamin sa kanya.

He smile at me after naming kumain "Ako na ang bahala dito sa dishes. Maligo ka na baka mahuli ka pa sa pupuntahan mo" he said so supressed, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya sinasabi, ano kaya iyon?

I dismissed it. Tumayo na ako at kinuha ang twalya sa labas. Pumasok na ako ng CR at naligo at habang nandoon ako, I thoughtfully think about what I feel. Talaga bang totoo itong nararamdaman ko? O talagang nararamdaman ko lang ito dahil kasama ko siya araw araw? O kaya dahil naman sa tinuturuan ko siya sa mga bagay?

This is just a mere infatuation, sure ako doon, nagustuhan ko lang siya physically, yes siguro ganon nga, I won't let this thing get through me, masasaktan lang kaming parehas pag umamin ako and I am sure na maiilang lang siya pag umamin ako, I shouldn't do it lalo na at wala pa siyang mapupuntahan at hindi pa siya gaanong natututo sa buhay. I want to teach everything that I can, even love.

I think masyado na akong matagal sa CR dahil kumatok na si Trice sa pintuan "River? Okay ka lang ba diyaan? Baka naging ilog ka na? O baka may ginagawa ka pang extra diyaan?" pagtatanong niya sa akin na hinaluan niya pa talaga ng biro.

Is that maybe also the reason kaya nagkagusto ako sa kanya, he is cheerful. Infatuation nga ito, love knows nothing, wala akong dapat na dahilan para magustuhan siya kung hindi dahil lang sa gusto ko siya.

I let out a laugh "Hindi ano! Saglit lang matatapos na rin ako" sabi ko saka pinatay ang shower. Tinuyo ko na ang sarili ko gamit ang twalyang dala ko at ipinalibot iyon sa baywang ko bilang tapis ng aking katawan.

Binuksan ko ang pinto at nakitang nasa sofa si Trice, may tinatype sa laptop niya.

"Gagamitin mo ba ang banyo?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya "Hindi naman, I just check kung okay ka lang sa loob, antagal mo na doon eh" sabi niya sa akin ng pabiro pero seryoso.

Ngumiti ako sa kanya. Kumuha na ako sa closet ng isusuot kong damit, black shorts at yellow na T-shirt.

I put my deodorant and body spray bago ko sinuot ang shorts and T-shirt ko.

I took my motor keys and my phone before looking at Trice "Mr. Prince, alis na ako. Magbehave ka ha" pag ulit ko sa sinabi ko kanina.

Ngumiti siya sa akin at tumango. Lumabas na ako ng bahay at binuksan ang gate.

Let Me Trespass, Mr. Writer(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon