≈ Eraser ≈

34 8 0
                                    

"Eraser is the partner of the pencil; you are the partner of me"

[:]River's POV[:]

Hayyyyy! Talagang nakakapagod ang shift namin! Andaming costumer sa bake shop na pinagtatrabahuhan ko kaya kailangan ay mabilis kaming kumilos, hindi talaga siya tulad ng regular na araw na hindi gaanong busy.

Isa lang ang gusto kong gawin sa ngayon, umuwi na at magrelease ng update sa sinuslat ko.

"Tren! Renz! Hindi pa ba kayo handang umuwe?!" pagsigaw ko sa kanila galing sa harapan ng bake shop, nasa kusina pa kasi sila, nag aayos ng mga kagamitang pang-bake. Sila kasi ang nakatoka roon habang ako ay nakatoka sa dining area. Ano pa kaya ang ginagawa nila roon?

Lumabas sila na dala dala ang kanilang mga gamit "Tara na River" pag-aaya sa akin ni Tren bago sumabit sa akin, ang kanyang mga kamay ay nagtagpo sa leeg ko.

Napa-iling nalang si Renz "Tsk. Tsk. Kung umasta akala mo bata pa" sabi niya habang nakatingin sa nobyo niya.

Tumingin naman si Tren kay Renz "Bakit?? Eighteen years old palang naman ako ah!" pagsagot ni Tren kay Renz.

Napa-iling nalang talaga si Renz at hindi na sinagot pa ang kasintahan.

Nang marating na namin ang motor ko ay agad na bumitaw sa akin si Tren "Yan! Sa wakas! Makaka-uwi na tayo!" pagsasabi niya ng may ngiti.

"Kahit na ako, gustong gusto ko nang umuwi" sabi ko sa kanya ng mahina. Pinaandar ko na ang motor at hinintay na umangkas ang dalawa bago ko pinatakbo ang motor.

"Salamat sa angkas!" pagpapasalamat ni Tren at ni Renz sa akin ng marating na namin ang bahay ko. Naglakad na rin sila papauwi sa kaniya-kaniyang bahay.


Sa bait ni Tren, binuksan niya muna yung gate bago umalis. Ipinasok ko na ang motor ko sa garahehan.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko na naka-upo si Trice sa sofa, pawis na pawis siya, parang tanga lang, hinahayaan na matuyuan ng pawis ang sarili.

Ibinaba ko ang backpack ko sa lapag. Binuksan ko ang closet ko at kumuha ng dalawang sando, isa para sa akin at isa para sa kanya. Hinubad ko ang basa ko ring damit at ang madumi kong pants, naiwan sa katawan ko ay ang boxer shorts ko.

Lumapit ako kay Trice at tumingin siya sa akin ng nakanguso "Ano bang pinaggagawa mo at ganyan ka kapawis?" pagtatanong ko sa kanya bago ako sumampa sa kanya "Itaas mo kamay mo" utos ko na agad niyang sinunod.

"Wala naman... nag-ikot lang ako dito sa area para ma-familiarize ako" sagot niya na agad kong ikinagulat.

"Mr. Prince! Sabi ko naman sa iyo na huwag na huwag kang lalabas dito ng ikaw lang!" pagsuway ko sa kanya "Lalo na at hindi ka pa sobrang pamilyar sa mga taga-rito!" dagdag ko bago ko isinuot sa kanya ang sando na kinuha ko "Bakit ka naka-pants?" pagtataka kong tanong bago ako tumayo "Klase kang bata ka? Nag-ikot ka lang naka pants ka pa" sabi ko habang umiiling. Inalis ko ang butones at pagka-zipper ng pants niya bago ko hinubad sa kanya yon.

"River! Hindi ako ganoon ka pagod para hindi kayanin na alisin ang pants ko!" pag-angal niya.

Tumingin ako sa kanya ng matalim "Mr. Prince, kung hindi ka sobrang pagod sabihin mo nga kung bakit hindi mo pa inaalis yung mga basa mong damit?" pagtatanong ko sa kanya.

"River naman eh" ingit niya sa akin.

"Bakit nga?" tanong ko sa kanya.

"Eh kasi naman nakakatamad manguha sa maleta" pag-angal niya.

Tumingin ako sa kanya, ang kamay ko ay awtomatikong pumunta sa bewang ko "At sino ba kasing nagsabi na hindi mo pwedeng ilagay yung mga damit mo sa closet?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay ko.

"Di mo naman kasi sinabi eh..." Bulong niya.

"Di ka naman kasi nagtanong" sagot ko bago lumayo sa kanya. Inilagay ko na sa hamper ang mga ginamit naming damit at awtomatikong lumagay ang tingin ko sa lababo. Nakita ko na andaming hugasan na hindi pa nahuhugasan at sigurado ako, na lahat ng iyon ay pinagkainan ni Trice "Mr. Prince, tara nga" pagtawag ko sa kanya, hindi inaalis ang tingin sa mga pinagkainan.

Narinig kong umingit ang sofa kaya tumingin ako sa gawi niya, nakita ko na may kabadong ngiti sa mukha niya at nakikita ko rin ang pagkabahala sa mata niya.

Napa-ngiti ako bigla "Hindi ako magagalit, sira. Itatanong ko bakit mayroon paring hugasin dito" saad ko sa kanya.

Akala ko ay mababawasan ang kaba niya pero parang mas tumindi pa "Eh kasi..." pagsisimula niya.

Tumingin lang ako sa kanya, naghihintay ng sagot.

Ang ngiti niya ay mas lalo pang lumaki "e he he, hindi ako marunong maghugas ng plato" sabi niya.

Napayuko ako at napatawa ng tahimik. Hindi pala marunong maghugas ng pinggan itong batang ito.

Napa-iling ako at napatingin sa kanya ng may ngiti "Hindi ka marunong?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya "Talaga ngang kailangan mong umalis sa inyo, simple paghuhugas hindi ka tinuruan" turan ko kaya napakamot nalang siya sa batok niya "Sige na, ihanda mo nalang ang kama at magpahinga ka na, ako na bahala rito" pagsasabi ko sa kanya.

"Eh paano ka River? Hindi ka pa ba pagod?" pag-aalalang tanong niya sa akin.

Nawala ang pagod ko nang nakita kita.

Pinisil ko ang pisngi niya at ngumisi sa kanya "Salamat sa pag-aalala pero hindi pa ako pagod, sige na magpahinga ka na" sabi ko sa kanya bago ko hinarap ang mga hugasin.

Hindi naman ganoon karami ang hugasing naiwan ni Trice kaya natapos agad ako.

Napatingin ako kay Trice at nakitang natutulog na siya ng mahimbing. Naisipan kong kumain na muna. Maghahanda na muna ako ng makakain bago ako humarap sa screen ng laptop ko.

Doon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapag-grocery, marami pa naman ang naitatabi kong pera kaya hindi magiging problema ang food supply ko this month, nakakahiya naman kay Trice kung wala akong pagkain na maihahain sa kanya.

Pagbukas ko sa ref ay laking gulat ko na punong puno ito ng laman. Ch-in-eck ko rin ang mga cabinets at nakita ko na puno rin ang mga ito.

Napatingin ako kay Trice at sa mga binili niyang grocery. Nahihiya naman ako sa kanya na siya pa ang mag-su-supply ng pagkain sa pamamahay na ito pero thankful din ako sa kanya dahil makakapag-ipon pa ako ng malaking pera.

Kinuha ko ang isang container ng ice cream at yung two-day-old bread sa taas ng lamesa.

Nang makagawa na ako ng sapat na ice cream sandwich ay ibinalik ko na ang container sa ref.

Umupo na ako sa harapan ng screen ng laptop ko at nagsimulang mag-type.

I-s-in-umbit ko kaagad ang tinype ko para hindi ako magka-absent.

Naglinis na muna ako ng katawan ko, nakakahiya naman kay Trice na kahit pag pawisan ay hindi nangangamoy.

Mabilis lang ako sa loob ng CR, lumabas na rin agad ako after five minutes. Kumuha lang ako ng briefs at boxer shorts, hindi ako mahilig magdamit pag natutulog ako, siguro ay dahil sa nakasanayan ko na iyon.

Hinintay ko lang matuyo ang buhok ko bago ako tumabi kay Trice. Yayakap na sana ako sa kanya ng bigla siyang tumagilid at niyakap ako nang pagkahigpit-higpit. Lagi ba itong may kayakap noon? Lagi nalang mahigpit ang pagkakayakap sa akin eh.

Napangiti nalang ako. Niyakap ko siya pabalik at natulog na din.

Let Me Trespass, Mr. Writer(COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ